19

8 2 0
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa napaka lakas na alarm ko. Nag stretch muna ako ng katawan habang nakahiga at umupo sa kama para mag pray at mag sulat sa Diary ko. Nakita kong tulog pa si Tani sa tabi ko. Bumangon na ako para ihanda yung isusuot ko ngayon, naka school uniform for medical kami every friday. Required kasi yun, tuwing friday. Isusuot niyo yung uniform kung ano yung kinuha niyong course. Kinuha ko na yung uniform ko at hinanda ko na 'yun, para mamaya isusuot ko na lang.

Dumiretsyo na 'ko sa banyo pagkatapos kong ayusin yung uniform ko. Nag sipilyo muna ako bago ako naligo, binuksan ko na yung heater at naligo na. Kinakambing ako sa malamig na tubig pag umaga, nakaka frozen. Mga 30mins din akong naligo, matagal talaga kasi akong maligo. Kaya kapag may pasok, kailangan kong magising ng maaga. Nag-ayos lang ako ng sarili ko pagkatapos kong maligo at lumabas na ng kwarto. As usual naka robe lang muna ako baka madumihan ko yung uniform ko. Puting puti pa naman yun, tinalo pa sa puti yung kojic. Nag handa na 'ko ng agahan pagkalabas ko ng kwarto, kinatok ko na rin si, Mavie sa kwarto niya at mabuti't nagising naman agad siya.

"Good morning ate Die" bati niya sa 'kin pagkalabas niya ng kwarto.
"Morning" bati ko rin sa kaniya.
"Where's Tani?" Tanong niya habang nagti-timpla siya ng kape niya.
"Still sleeping" sagot ko.
"Are you not in your mood?" Tanong niya sa 'kin habang nagla-lagay ng pinggan, kutchara at tinidor sa mesa.

"I guess, I'm not feeling well, but I'm fine" bahagya kong ngiti sa kaniya.
"Owwwkay" sabi niya at nag simula na kaming kumain ng hindi nag-uusap.

Pumasok na 'ko sa kwarto para magbihis at mag-ayos. Gano'n din yung ginawa ni, Mavie. Si, Aleng Nela na kasi yung nag-liligpit ng pinagkainan namin. Pina pagalitan niya ako kapag wala siyang nada-datnang linisin. Siya naglilinis ng unit ko, dumadating siya mga 7 or 8am at aalis ng mga 7 or 8pm.

Nag bibihis ako ng kumatok si, Mavie at sumilip siya sa may pintuan.
"I'll go ahead ate Die" pa alam niya sa 'kin.
"Are you sure hindi ka na sasabay sa 'kin?" Tanong ko habang nagsu-suklay ng buhok.
"Uh-huh. You also don't need to pick me up later" sabi niya.
"You sure?" Tanong ko.

"Yeeeessss. I have to go ate. Bye. Loveyowww ingat ka" pa alam niya.
"Umuwi ka ka agad ha?" Sigaw ko.
"I will. Bye" pa balik na sigaw niya at narinig ko na yung pag sara ng pinto. Pinag-patuloy ko na yung pag-aayos ko at nag handa na para umalis. Lumabas na 'ko ng kwarto ko pagkatapos kong mag-ayos. Nililigpit ko yung mga gamit ko sa bag sa may sala nang dumating si, Aleng Nela.

"Oh? Hindi ka pa nakaka-alis ihja?" Tanong niya sa 'kin pagkapasok.
"Pa-alis na po ako" sagot ko sa kaniya at lumapit na kay Tani para magpa-alam.
"Bye baby. I love you" sabi ko kay Tani at humalik na sa kaniya. Tumahol naman ito sa'kin bilang tugon niya siguro.

"Alis na po ako. Paki-bigyan na din po ng agahan si Tani. Kaka gising lang din po kasi niya" baling ko kay aleng Nela habang ina-ayos yung pagkaka-sabit ng bag ko sa balikat. "Ohh sige, ako na ang bahala. Mag-iingat ka ihja" sabi niya ng palabas na 'ko ng pinto.

"Opo. Kayo rin po" sabi ko at umalis na. Pagkarating ko sa parking lot, nakita kong naka-park pa yung kotse nong dalawa. Kaya nag text ako sa kanila na ma uuna na 'ko. Nag reply naman sila na kita na lang daw kami sa school mamaya. Pagkarating ko sa school dumiretsyo agad ako ng locker para kunin yung mga gamit ko at dumiretsyo na sa room. Umupo na 'ko pagkarating ko at nagbasa ng libro.

"Hi, Loureen. Nagbabasa ka?" Bati at tanong sa 'kin nung classmate kong lalaki.
"Hindi. Tumatambling ako" sarcastic kong sagot ng hindi tumitingin sa kaniya. Hindi ba obvious na nagbabasa ako? Para namang timang toh.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now