12

8 2 0
                                    

Nasa parking lot na 'ko ng school ng biglang nag ring yung phone ko. Hinanap ko kung saan nilagay ni, Mavie yung phone ko kanina dahil hindi ko makita sa bag ko ng hinanap ko yun. Nang mag ring ulit phone ko, nakita ko 'to malapit sa may paahan ko. Nahulog siguro kanina habang nag mamaneho ako. Na untog pa yung noo ko sa manobela pagka-kuha ko ng phone ko. Ayy kimay! Napaka bobo naman netong manobela. Ang sakit pucha. Pakineng shit ka, Mavie bakit hindi mo nilagay ng maayos yung phone ko. "Bat?" sagot ko sa tawag habang hinahimas yung parteng na untog sa noo ko.

"Nasaan ka? Lumabasa ka na bilisan mo" iriting sigaw ni, Rhe.
"Nasa parking lot na 'ko ng school. Wala ka naman dito ah, ba't pinapa bilis mo 'ko?" Sabi ko habang kinukuha yung bag ko para bumaba na ng sasakyan.
"Ayyy bitch ka, nasa parking lot na daw siya ng school. Tara na" rinig kong sabi ni, Rhe si James siguro yung kausap.
"Huy Die, wala na pa lang hintayan ahh" rinig kong sigaw ni, James.

"Me' sinabi ba kayong hintayin ko kayo? 'Tsaka hinatid ko pa si, Mavie sa school nila at si, Loureen Andie Dela Fuente 'to, hindi dapat ako pinag hihintay. Pero sige, hintayin ko kayo dito sa parking lot. Bilisan niyo" mahaba kong sabi at ako na yung nag end call. Aalma na naman yung mga yun sa sinabi ko.

Naka sandal ako sa kotse ko, habang hina- hantay yung dalawa. Nag text rin ako kay Ely na bilisan niya at nag-aantay kami sa may parking lot. Hindi ko na sinabi na ako pa lang yung nag-aantay at baka hindi bilisan ng gaga. Pa special entrance pa naman yun lagi, siya lagi yung late sa 'min kung dumating. Nag che-check ako sa IG acc. ko kung may nag dm bang importante sa 'kin ng biglang mabaling yung atensyon ko do'n sa baklang pinatid nung tatlong lalaki. Nahulog yung mga dala niyang gamit sa sahig. Hindi man lang ba nila tutulungan? Bigla kumunot yung noo ko kaya lumapit agad ako para tulungan siya.

"Are you okay?" Tanong ko habang tinu-tulungan siyang damputin yung mga nahulog niyang gamit sa sahig.
"Ahh, oo Loureen. Okay lang ako salamat" sabi niya sa 'kin habang ina-abot ko yung mga gamit niya sa kaniya. How the hell did he know me?

"Wait"pigil ko sa kaniya ng pa-alis na sana siya. Inakbayan ko siya sa may balikat niya.
"Mag sorry kayo" utos ko dun sa tatlo na tumitingin lang. Daklotin ko mga butalog niyong mata eh. Nagka tinginan naman silang tatlo pagka tapos kong sabihin yun.
"Loureen, hindi na kailangan. Alis na lang tayo" bulong sa 'kin nung beki, hindi ko nga siya pinansin. Attitude ako eh.

"Magso-sorry kayo? O ibabalik ko kayong tatlo sa sinapu-punan ng nanay niyo?" Tanong ko sa kanilang tatlo.
"We didn't do anything" ma-ang ma-angan nung isa. English pa ahh. Binigyan ko siya ng swing kick, pagka sabi niya non. Pero sinadya kong wag siyang tamaan, pinakita ko lang na kayang kaya kong paliparin sa magaspang niyang muka yung Jordan shoes ko. Buti na lang naka black jeans ako ngayon at plain white t-shirt. Saktong sakto.

"Sorry sorry s-so-sorry" agap nilang sabi habang naka tingin do'n sa baklang pinatid nila, pagka tapos kong gawin yun. Duwag din naman pala eh.
"Goods" sabi ko sabay kindat sa kanila at umalis na yung mga kumag. Hindi naman ako sure na pinatid nga, basta nakita kong nagta-tawanan sila eh.

"Salamat talaga, Loureen" naka ngiti siya ng sinasabi yun pagka alis nung tatlo.
"Pinatid ka ba talaga nila?" Pangu-ngumpirma ko sa kaniya. Baka mali ako eh, sabihin pa nong tatlo ang yabang ko lang.
"Hindi mo nakita?" kunot noo niyang tanong.

"Hindi ko nakita yung pag patid nila, pero nakita kong napatid ka" magulo kong sabi.
"Gaga ka pala eh. Hindi mo pala nakita tapos ginanon mo? Kaloka ka teh ha" natatawa niyang sabi sa akin. Ehh?
"Pero oo, pinatid nila ako. Ewan ko ba kung ano problema nila sa 'kin. Pero okay na yun, 'tsaka salamat teh ha. Salamat talaga" sabi niya habang hina-hawakan yung kamay ko. He's friendly.
"What's your name?" tanong ko sa kaniya.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now