21

6 2 0
                                    

Marcus POV

Nang maka-labas kami ni, LA sa kwarto dumiretyso agad ako sa kusina para maghanda ng makakain dahil baka mamaya maya lang dumating na yung mga kasama namin. Kanina ko pa napapansin na ang lalim ng iniisip ni, LA. Simula pa nung na abutan ko siya sa kama ko na naka tayo at hahawakan sana yung painting. Hindi ko alam kung anong dahilan niya para hawakan 'yon. Pero yun ang isang bagay na hindi pwedeng mahawakan ng kahit na sino. Napaka importante ng painting na yun sa 'kin.

Kaya nung makita ko si, LA na akmang hahawakan 'yon binuhat ko ka agad siya. Gusto ko siyang pagalitan at sigawan pero ng makita ko yung mukha niya hindi ko rin nagawa. Nakita kong nabigla siya sa ginawa kong pagbuhat sa kaniya at ang pabigla kong upo sa kaniya sa sofa. Hindi ko alam kung bakit may lungkot akong nakita sa mga mata niya nung tumingin siya sa 'kin. Kaya hindi ko na siya pinagalitan, 'tsaka dahil din do'n sa nangyari kanina sa banyo. Napansin ko rin kanina na lumingon ulit siya sa loob ng kwarto nung nasa may pintuan na kami.

Alam niya ba kung anong painting 'yon? Bakit parang ang laki ng epekto sa kaniya non? Habang nag hahanda ako ng pagkain, napansin kong ang lalim talaga ng iniisip niya. Tinawag ko siya para tanungin kung meron ba siyang gustong kainin pero hindi niya ata narinig kaya hinayaan ko na lang muna siya. Pinag-patuloy ko na yung ginagawa ko at maya maya lang narinig ko na yung doorbell na tumunog ng ilang beses. Tinawag ko si, LA para isuyo na buksan niya yung pinto.

Naka-ilang tawag ako sa kaniya bago siya lumingon sa akin at pumunta sa pinto para buksan yon. Why does that painting affect her so much? Does she know something about it? Siya lang yung nakita kong na apektohan ng ganon pagkatapos makita yung painting.

"Oh. Hi Loureen" narinig kong bati ni, Brian. Hindi ko narinig na sumagot si, LA. Nakita ko siyang bumalik na sa inuupuan niya kanina. Lumapit naman agad sa 'kin si, Brian.

"May sasabihin ka?" Parang nang-aasar na tanong niya at siniko pa 'ko.
"What?" kunot na tanong ko.
"Bakit ang aga naman ata ni, Loureen dito? Or siguro kanina pa siya dito noh? Did you two kiss?" Mapang-asar at sunod sunod sunod na tanong niya. Kiss? What the f*ck?
"Stop your shitty shenanigans joke, D" tatawa tawang reklamo ko sa kaniya.

"You don't like her?" Takang tanong na naman niya. Do I?
"What kind of question is that?" Taka at natatawa kong tanong sa kaniya.
"Well, kasi baka maging mag karebal kayo ni, Mico. Kaya kung ako sa 'yo galaw galaw na, D" nang-aasar na sabi niya at pumunta na siya sa inuupuan ni, LA.

"Hi, Loureen" masigla niyang bati. Hindi naman siya pinansin nito.
"Kanina ka pa ba nandito?" Tanong na naman ni, Brian at nilingon siya ni, LA.
"Yeah. Can I borrow your phone?"
"Sure. Here" abot ni, Brian ng phone niya.
"Thanks. Labas muna ako" pa alam ni, LA.

"I guess we should start. So, we can finish early. Sayang yung oras kung mahihintay pa tayo" suhestyon ko pagkalagay ko ng mga pagkain sa round table.
"That's a great idea . Ba't ba kasi ang tagal nong mga yun, may pupuntahan pa ako eh"

"Ahm. Parating na sina Rhe at Alee" biglang singit ni, LA. Ang bilis niya ah. Umupo siya sa tabi ko.

"Thanks, Brian" abot niya ng phone kay Brian. Naka hawak yung kanang kamay niya sa may tuhod ko at umabante siya ng konti sa side ko para i-abot yung phone kay Brian. Na pigil ko pa yung hininga ko dahil parang naka dapa yung posisyon niya sa hita ko habang inaabot yung phone. Good thing, I didn't felt her breast. Is she flirting?

"Simula na tayo?" Tanong ni, Brian habang ngumunguya ng sandwich.
"Pwede naman, para matapos tayo agad. Darating na rin naman sila mamaya. 'Tsaka nga pala dadag-dag si, Alee sa grupo natin. Wala kasi siyang grupo" sabi ni, LA habang naka sandal sa sofa, naka dekwatro at naka kibit balikat.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now