28

4 2 0
                                    

Rheiana's POV

[Elly? I know you're awake. Tara walking tayo sa labas] gusto ko pang ituloy yung tulog ko pero ang ingay ni, Die kahit bumubulong lang siya.

"Mag walking kana lang dito sa loob ng unit ni, Niex. Malapad naman 'to eh at nang manahimik na yung paligid ko. Inaantok pa'ko" reklamo ko habang naka talukbong yung unan sa mukha ko.

"Ugh!" buntong hininga ko sabay upo sa kama at tinignan yung wall clock sa kwarto ni, Niex. Napa-nganga ako nang makitang 3:47 pa lang ng madaling araw. Halos dalawang oras pa lang yung tulog namin. Ta's mag wo-walking sa labas?

"Walking dead?" lingon ko sa kaniya at mataray na tinanong yun.

"Hindi na'ko ina-antok eh. Kaya gusto kong maglakad-lakad sa labas. Malay mo maka-salubong ko yung antok na kaluluwa ko" parang mapang-asar na sagot niya.

"Tara. Baka mahanap ko rin yung antok na kaluluwa ko" biglang bangon ni, Ely at tumayo para isuot yung cardigan niya. Tumayo na rin si, Die at sumunod kay Ely palabras. Napa-buntong hininga na lang ako at tumayo para sumunod na rin sa kanila.

"Dumiretsyo na rin kaya tayo sa building natin after mag walking?" tanong ko sa kanila habang umiinom sila ng tubig.

"Iwan natin si, James?" tanong ni, Die habang tinatali yung buhok niya.

"Hindi na rin naman siya bata ah?" kunot noo ko.

"Leave some note" saad ni, Elly at itinali na rin yung buhok niya.

***

"Lamat kya" parang tambay lang na sabi ni, Die.

"Dati ka bang tambay?"

"Hahahaha! Tambay?!" nang-aasar na tawa ni, Ely.

"Magandang tambay" mayabang na sagot niya at na una ng maglakad papasok ng building ng unit namin. Dito na kami dumiretsyo pagkatapos naming maglakad-lakad sa labas ng building nila, Niex. Maliligo muna kami at magpapalit ng damit.

"Mahuling pumunta ng parking lot mamaya, siya magba-bayad ng agahan" sabi ni, Die bago tumakbo palabas ng elevator pagka-bukas non sa floor ng unit niya.

"You're cheating" sigaw namin ni, Ely.

"It's okay, Rhe. Konting gastos lang naman yun eh" pang-aasar ni, Ely bago tumakbo din pagka-bukas ng elevator sa floor unit niya.

"That's crazy!" sigaw ko. [We love you] rinig ko pang sigaw niya bago sumara yung pinto ng elevator. "Now I hate my floor" bulong ko sa sarili at nag-buntong hininga na lang dahil tanggap ko na, na ako yung magbabayad para mamaya.

Pagkarating ko ng unit ko, naligo na'ko agad at naghanda ng isusuot. I choose my fitted on top peach dress. Pagkatapos kong maglinis ng katawan, nagbihis na agad ako at nag ayos na. After preparing myself, sinuot ko na agad yung clear heals ko at nagmadali ng lumabas. Pagka-bukas na pagka-bukas ng elevator lakad takbo akong dumiretsyo ng parking lot, umaasang hindi ako yung huli dumating. Napa-irap na lang ako nang makitang naka-sandal upo yung dalawa sa harap ng kotse nila habang naka-kibit balikat at naka-ngiti ng nang-aasar.

"Knock it off" irap ko sa kanila.

"Rhe, will pay for food" pakantang sabi nila.

"We love you, Rhe" sabay nilang sabi bago pumasok sa mga sasakyan nila.

"Good morning, ma'am" bati sa'min ni kuya, Jerry.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now