14

5 2 0
                                    

Nag lecture lang si prof. Osin ng mga 15mins at nag bigay na siya ng 1-45 na quiz. Hindi pa talaga sinakto sa sengkwenta eh noh?! Hindi naman ganon ka hirap yung quiz na binigay niya halos lahat nga ata kami ay nakapasa. Pagkakuha niya ng mga quiz paper namin, nagpa-alam na agad siya sa amin at pumasok naman yung last subject namin sa umaga. Apat na subject para sa course na kinuha namin at apat ding subject na walang kinalaman sa course namin. Nag lecture lang yung professor namin at umalis na rin pagka tapos.

"Ahh guys, hindi pala ako sasabay kumain sa inyo ngayon. Kailangan kong puntahan yung kapatid ko eh, wala kasi siyang kasabay kumain" sabi ni, Alee habang naglalagay kami ng mga gamit namin sa locker.

"Edi isama mo kapatid mo, sa labas tayo ng campus kumain. Susunduin ko rin si, Mavie sa school nila, sabay sabay na tayong kumain" sagot ko naman.
"Oo nga Alee, 'tsaka para naman ma meet namin yung kapatid mo" si, Rhe.
"Naku!! Wag na at nagtitipid kami ng kapatid ko. Kala aling Beng na kami kakain para mura" sagot naman ni, Alee.
"You're so kj, you know?" Maarteng sabi ni, Rhe.

"Sumama ka na Alee. Wala ng pero pero, 'tsaka may pupuntuhan tayo mamaya" nag winked ako kay Alee pagka sabi ko non.
"Naku, nakaka-hiya naman. Wag na mga teh. Kayo na lang" si, Alee.
"Ma hiya ka pag nag hubad ka sa buong campus. Sumama ka na 'tsaka isama mo na rin yung kapatid mo" sabi naman ni, Rhe.
"Naku naman, okay lang ba sa inyo yun?" Tanong naman ni, Alee.
"Ano kaba? Ya-yayain ka ba namin kung hindi? Ang tanga naman neto" Si, Rhe.
"Tara na. Nasa parking lot na sila Ely" sabi ko sabay lakad papunta sa parking lot.

"Ang tagal niyo naman. Pa important ha" reklamo agad ni, Ely sa'min pagkarating namin sa parking lot.
"Hiyang hiya naman sayo" sagot ko naman sa kaniya habang kinukuha ko yung susi ko sa loob ng bag.
"Where are we eating?" Tanong ni, Ely.
"Sa tabi tabi" sagot naman ni, Rhe. Natawa naman ako sa sagot niya.

"I'm serious here, Rhe" iritang sabi ni, Ely
"Me too" mapang-asar na sagot niya. Tinitignan lang namin silang dalawa kung pano sila magka inisan.
"Lets have lunch at Domingo's resto" biglang singit ni, James.
"That's a good idea" sagot ko naman.
"What do you think, Alee?" Tanong ni, Rhe.
"Naku, kayo na bahala" sagot ni, Alee.

"Alee, get in my car. Sunduin muna namin kapatid ni, Alee. Kita na lang tayo don. Tara na, Alee" aya ni, Rhe kay Alee.
"Sunduin ko lang din si, Mavie. Order na kayo ng pagkain pagka-dating niyo don" baling ko naman kina James.
"Okay. We'll see you there" sagot ni, James sabay sakay sa kotse niya.

"I'll go with you to pick up, Mabie" pagmamaktol sa 'kin ni, Ely.
"Intayin niyo na lang kami don" sagot ko.
"K. Fine" mataray na sagot niya at sumakay na rin siya ng kotse niya.
"Una na kami" sabi ni, Rhe at pina andar na yung kotse niya pa alis.
"Una na rin ako" sabi ko sa dalawa at umalis na din.

Nag drive na 'ko pa punta sa school nila Mavie, hindi naman ganon kalayo yun kaya mabilis lang akong nakarating. Tinawagan ko muna siya pagka-park ko ng kotse. Hintayin ko na lang daw siya dito sa may parking lot. Hindi na'ko bumababa sa kotse ko at nag scroll lang ako sa IG. Nakita kong may story si, Mico. Kaya tinignan ko yun kung ano. Nasa coffee shop namin sila? At bat may pa story ka pa Mico? Ha? Papansin ka lang ehh noh. Ano naman kaya ata ginagawa nila don?

Malamang Andie nagkakape, snacks. Alangan namang pumunta sila don para mag hugas ng mga hugasin niyo! shongahers lang. 'Tsaka anong papansin? Eh sa gusto niyang mag story eh. Tumingin ako sa harap ng kotse ko kung labasan na ba nila Mavie at nakita ko naman siyang naglalakad na papunta sa gawi ng kotse ko, may kasamang lalaki. Boyfriend niya ba yun? Infairness pogi ahhh, magaling din pumili tong manok ko ah. Nakita kong nagpa-alam na si boy kay Mavie at naglakad na siya pa punta sa gawi ko kaya inan-lock ko na yung sasakyan ko.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now