32

4 1 0
                                    

Maniex's POV

After we had breakfast at Los Indios, dumiretsyo agad kami sa mga beach activity na gagawin namin ngayong araw. Hindi makakasama si Die ngayong umaga at susunod na lang mamayang hapon. Plano ko sanang tumambay lang buong araw sa bar ngayon, kaso hindi masyadong maganda yung mood ng bawat isa maliban kay Mabie at Dreye na enjoy na enjoy ngayon dahil mag ki-crystal kayak.

"You okay, babe?" biro ko kay Alee.

"Okay lang babe, fresh pa rin as always" biro niya pabalik. Kung hindi lang talaga siguro kami nasanay kumilatis ng tao, hindi ko masasabi na merong pinoproblema 'to.

"Sa'kin ka sumakay, ipagsasagwan kita" kindat at akbay ko.

"Kung ikaw lang din naman ang sasakyan, why not?" biro niya at sabay kaming natawa.

"Oo nga pala, mukang nag-away sina Die ka gabi. Ano ganap?" pabulong niya sa'kin habang tinitignan yung gawi nila Rhe na nakasakay na.

"Away babae lang. Wag mo isipin, kasi dyosa ka" bulong ko.

"Calm down daddy, ako lang toh!" biro niya at tumawa bago sumakay ng kayak.

"May problema ba?" bigla kong tanong para mawala atensyon niya kina Mabie. Alam kong nag-aalala siya sa dalawa.

"Ahhh, wala naman, Bakit?"

"Wala lang din" ngiti ko at nagpatuloy na sa pagsagwan.

***

"Where's Rhe?" tanong ko nang hindi siya makita dahil magla-lunch na kami after ng ilang activity na ginawa namin.

"Somewhere" sagot ni James ng kalmado kaya naintindihan ko agad yon. Tumawag na ng waiter si Ely para mag-order na.

"Excuse me" tayo ko para sagutin yung tawag.

"Good afternoon, sir. I just want to confirm your reservation for tonight here in Astoria. You reserved a table at our VIP spot, is that right?"

"Yeah"

"I will mention the food that you ordered to have for tonight. Please, confirm it sir and let me know if you want to add something" patuloy niya bago binanggit yung mga pagkain na inorder ko para mamaya.

"That's all good. Thank you"

"Okay sir. Thank you for your time and we'll see you later" sabi niya at pinatay ko na yung call bago bumalik ng table at nagsimula ng kumain.

"Can I just stay at our suite?" si Ely.

"Hindi ba okay pakiramdam mo, Ely?" tanong ni Alee.

"No, I'm fine Alee. It's just....too hot to go out and do some activity. Specially, paragliding"

"Scared to be a chocolate?" ngisi ko.

"No, I'm not. It's just the sun is too welcoming right now. Aren't you hot?"

"We're at the beach, Ely. Don't expect a winter weather here. And yes, I am really hot kaya nga halos lahat ng babae dito nakatingin sa'kin" ngisi ko ulit.

"Haha" pang-aasar niya. Nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago ulit pinagpatuloy yung ibang activity. At dahil dahil pinilit ni Mabie si Ely na sumama na lang, wala na rin siyang magawa para humindi. Kaya ito siya ngayon, kahit naka shades, kitang kita parin yung sama ng tingin at magkasalubong niyang mga kilay.

***

Rhe's POV

"I'll go ahead. Sunod na lang ako mamaya. Bye" pa alam ko sa kanila dahil may usapan kaming lunch ngayon ni Luoos. Hindi na'ko bumalik sa suite para magpalit at mag ayos pa dahil wala ako sa mood at maganda naman ako lagi. Kukunin ko pa lang sana yung phone ko para i-text si Luoos, nang biglang may umakbay sa balikat ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love to the FullestWhere stories live. Discover now