Heart 2
"Aldy! Good morning!" masiglang bati ng bagong dating na nakapagpa-irap sa akin.
Here comes the living doll. Sinundan ko siya ng tingin papunta sa katabing upuan ni Vren. Naglabas siya ng notebook mula sa bag niya bago binuklat iyon sa pahinang ipinakita niya kay Vren.
Masyadong maganda ang bati ng araw ngayon, hindi dapat masira ang mood ko ng manikang iyon. Pinili ko nalang tumalikod sa kanila at dumukdok sa lamesa ko.
Kaninang umaga, tinaasan ni Mama ang baon ko. Natuwa siya sa ibinalita ni Mrs. Sison kagabi nang maghatid ito ng ulam sa bahay. Teacher namin siya sa economics at sinabi kay Mama na napaka-active ko raw nitong mga nakaraang araw. Gano'n din daw ang sinasabi ng ilang faculty teacher na nagtuturo sa klase namin. Kung itutuloy-tuloy ko nga lang raw ay baka makahabol pa ako sa running for valedictorian lalo na't graduating student ako.
Kung alam lang nila...
Sinisikap ko talaga na mag-aral ngayon nang mabuti. I'm doing my best to review notes and do advance reading just to actively participate during class, especially in answering recitations. Sa ganoong paraan ko kasi nakikita na napapatingin sa gawi ko si Vren.
I'm maybe desperate but... I really am. Nahihiya naman kasi akong maunang kausapin siya lalo na at parang langaw na nakaaligid sa kaniya 'yong babaeng manika na iyon.
"Misha," tawag sa akin ni Shan, "alam kong nagbagong buhay ka na. Pakopya ako sa Stat."
"Ayoko."
"Sige na, Misha. Ililibre kita ng lunch."
Bahagya akong napaisip. Kung hindi ako gagastos, may dagdag pa ang baon ko, makakapag-ipon ako nang mas malaki. Kinuha ko na ang long pad paper ko kung nasaan ang sinagutan ko kagabi. Ngiting-ngiti naman niya iyong tinanggap.
"Salamat, Misha!"
"May kapalit yan, Shan."
"Oo na. Pasalamat ka at ikaw lang ang masusuhulan ko ng libre." Tumingin siya kay Temi na tahimik na nakatingin harap habang nakapangalum-baba.
Mukha lang walang kaya sa buhay kung mag-ayos si Temi pero kung tutuusin, kaya niyang makapagbayad ng malalaking tuition fee sa ibang bansa. Mayaman sila, sadyang low-key lang itong si Temi. That's what I really like on her.
Mabuti nalang, mabilis magsulat si Shan. Saktong natapos niya ang pagkopya bago pa man dumating ang guro. I envy her penmanship. Maganda kahit mabilis ang pagkasulat. Hindi katulad ng akin na dapat slowmo para pulido, 'pag binilisan ay parang kinalahig ng manok.
"Okay class, I'll group you into three," sabi ni Mr. Cabrera na wala halos dalang gamit.
Tahimik kong hiniling na sana, magkagrupo kami ni Vren. Sa ganoong paraan, hindi ako maiilang na kausapin siya. Pero ang pag-asa ko ay bigla ring nawala nang magsalita ulit si Mr. Cabrera.
"I don't have too much time, so the three consecutive students in each row are automatically counted as one group."
Ang mga upuan sa loob ng classroom ay binubuo ng anim na column na may apat na row. Nasa pangalawang row ako, panglimang column. Samantalang, pangatlong row naman si Vren sa unang column. Sa madaling salita, hindi ko siya makaka-grupo.
"Nice! I got two lucky groupmates! Isang matalinong nabuhay at isang nagbabagong-buhay!" medyo may kalakasang sabi ni Shan.
I seat placed between them. So, basically, Temi and Shan are my groupmates. Mukhang di na nga kami mapaghihiwalay na tatlo.
"Each group need to make an essay about the topic that I'll give you. Your essay must contain atleast two hundred and fifty words with all the elements I have discussed you yesterday. You need to pass your works tomorrow morning."

YOU ARE READING
Parallel Hearts (Parallel Trilogy 1)
Teen FictionWe both love at the same time, but not in the same way. Being a product of unfaithful love story, Misha promised to herself that when she finally found her soulmate, she will never cheat nor love other man except HIM. Aldrius Vren Cervantes, the...