Dedicated to the first reader
Heart 10
"They're cute!" bulalas ni Shan habang nakatingin kila Vren at Charm na nag-aasaran sa kabilang table.
Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon dahil lunch break. Kanina pa rin ako nagtitiis sa masakit sa matang tanawin na nakikita ko.
"Edi panggigilan mong pisilin, cute pala eh!" singhal ko at inirapan siya.
Pinagtuunan ko ng pansin ang in-order kong manok. Mula ng mahimatay si Charm noon sa camp dahil sa lagnat, mas naging dikit sila ni Vren. Kasama niya nga kami sa tent, pero parang hangin lang kami. And I really hate that! Naalala ko pa rin kung ano ang nadatnan ko sa kubo kung saan ko sila natagpuan.
"Kawawa naman ang manok. Kinatay na, niluto na, tapos mini-murder mo pa."
Napatingin ako kay Shan nang magsalita ito. Nakatuon ang paningin niya sa harap ko kaya bumaba rin doon ang tingin ko. Gutay-gutay na ang manok na nasa plato ko. Mukhang na-murder ko nga.
"Matigas kasi kaya dinurog ko," paliwanag ko at umirap muli sa kaniya.
Dapat nandito na lang si Temi eh, para siya na lang ulit ang kaaway ng babaitang ito. Bakit ba kasi hindi pumasok ang babaeng iyon?
Naagaw na naman nila Vren ang atensyon ko dahil sa pagtayo nito. Nagtaka ako nang umalis si Vren at naiwan si Charm. Time passes by but Vren didn't come back. Though Charm doesn't look pissed. Maya-maya pa ay parang may tumawag sa cellphone niya at dali-daling lumabas. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at itinuloy ang pagkain.
Nang maubos namin ang pagkain, bumalik na rin kami sa room. Nasa malapit na kami nang makita ko ang mga kaklase naming naipon sa labas.
"Anong mayroon?" I asked absentmindedly.
"Gah! Baka may rambol sa loob!" sambit ni Shan at dali-daling lumapit.
Nakipagsiksikan na rin ako para malaman kung anong nangyayari sa loob ng classroom. Ipit na ipit na ako pero pinilit ko pa ring makapunta sa gawing pinto. Hanggang sa tuluyan na akong nakapunta sa bungad na sana ay hindi ko na lang pala ginawa.
Vren is kneeling on his right knee while Charm is standing in front of him. Tumingin ako sa blackboard kung saan nakasulat ang mga salitang inasam kong sa akin sasabihin ni Vren.
"Can I court you, Charm?"
Malapit lang sila sa pwesto ko kaya rinig ko ang sinabi ni Vren. Rinig ko kahit na tila nakakabingi na ang tilian ng mga kaklase ko sa labas.
Hindi ko na kaya...
Tumalikod ako at muling nakipagsiksikan palabas sa kumpol ng mga kaklase namin. Hindi ko alam kung may nakapansin sa mga luha kong hindi na napigilan. Pero wala na akong pakialam.

BẠN ĐANG ĐỌC
Parallel Hearts (Parallel Trilogy 1)
Teen FictionWe both love at the same time, but not in the same way. Being a product of unfaithful love story, Misha promised to herself that when she finally found her soulmate, she will never cheat nor love other man except HIM. Aldrius Vren Cervantes, the...