Heart 11

55 4 0
                                        

Dedicated to the first reader


Heart 11


Weeks have passed, and Temi came back to her usual self. Dalawang araw matapos ang pagbisita namin ay pumasok na rin siya. Pero may mga oras pa rin na natutulala siya. I observed that she became like that after the activity where Vren and Charm are lost in the mountain.

Ilang beses na rin namin siyang tinanong pero laging 'okay' lang ang sagot niya. I don't know if it's just me or she's really not okay. She's in a situation where she doesn't want us to know.

Itinapon ko sa basurahan na nakita ko ang tetra pack ng juice na iniinom ko. Galing kaming canteen at five minutes na lang bago matapos ang break time.

"Anong mayroon?" tanong ni Shan na nasa kaliwa ko.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. There are students who are looking at something posted on the school's main bulletin board.

"Edi lapitan natin para malaman," kibit-balikat na suhestiyon ni Temi.

"Mamaya na kapag walang maraming estudyante. Makikita rin naman—"

Napairap na lang ako nang hindi ko matapos ang sinasabi ko. Hinila kasi ni Shan si Temi at nagpakaladkad naman ang huli. Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago lumakad at hinabol sila.

We came closer to the crowd and look what was posted. Masyadong maraming estudyante ang atat sa impormasyon pero atat din naman ang mga kaibigan ko. Pinilit naming makipagsisiksikan hanggang makarating kami sa gawing unahan.

"Year-end party?" bagsak ang balikat na sabi ni Shan. "Gah! Pinagpawisan ako para lang sa year-end party announcement," dugtong pa nitong reklamo at maarteng pinunasan ang pawis sa noo na hindi naman talaga nag-e-exist.

Hanggang makalayo kami sa kumpol ng estudyante ay nagra-rant pa rin siya. Si Temi naman ay tahimik lang at hindi iniintindi ang kababawan ng kaibigan namin.

"Walang kwenta. Gah! paulit-ulit lang naman ang nangyayari sa mga program na iyon!"

"Sino naman ba kasi ang atat na makasagap ng chismis kanina?" parinig ko.

"Si Temi!" mabilis na tugon ni Shan.

"Oh please! Can you just shut your nonsense mouth?" iritadong saway ni Temi. Mukhang napuno na ni Shan.

"Dapat kasi inaway mo na lang ako kanina, nagpahila ka pa sa akin."

"Hindi ko na kasalanan iyon dahil sa ating dalawa, hindi ako ang unang nang-aaway. One more thing, I just don't really have the energy earlier to pull my arm back from your grip."

"Gah! See, you're the one who said to shut my mouth! Ikaw ang naunang nang-away! Misha, speak up!"

Napataas ang kilay ko nang idamay ni Shan ang pangalan ko. "That's your problem, I'm out," sambit ko at pumasok na sa room.

Bahagya akong sumulyap sa bakanteng pwesto nila Vren bago dumiretso sa upuan ko. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa pag-aayos ng bag ko. Habang nagtatalo pa rin ang dalawa sa magkabilang gilid ko. They're looked like in a childish fight.

Napaayos kaming lahat ng upo nang pumasok si Mrs. Aquino. Napagawi ulit ang tingin ko sa pinto nang pumasok doon sina Vren at Charm. They're holding each other's hands and that view stings.

Mrs. Aquino cleared her throat which is enough to get back my attention. Itinaas niya ang papel na kamukha ng nasa bulletin board kanina.

"Siguro narinig niyo na ang balita o nakita sa mga nakapaskil na announcement ang tungkol dito, sa ating annual year-end party. As your adviser, I'm here to elaborate the program with you. As you can see, the date is still a month away from the program date. But this year's event is way different from before. The school will have visitors on that day that's why the school prepared a longer list of activities."

Parallel Hearts (Parallel Trilogy 1)Where stories live. Discover now