"Ayaw ko na, talo na ako..."
"No way!" pagsalungat ni Shan na napatayo na at nakapamewang na humarap sa akin. "Gah! Misha, are you hearing yourself? Okay na, hindi ba napag-usapan na natin iyan? Keep your enemy closer and fight! It's not as if they're officially together!"
Napayuko na lang ako sa intensidad ng tingin ni Shan. She looks like a hungry tiger.
"But I don't think I can still bear the pain... Ang sakit, na sa bawat paglapit ko lumalayo si Vren. Ako iyong katabi niya kanina, pero alam ko, si Charm ang gusto niyang makasama. In fact, he is willing to leave me just to look for that girl." I immediately blinked to keep my tears from falling.
We all fell in deep silence. Naputol lang iyon nang magsalita si Temi.
"Think twice, thrice, or until you're really sure. Regret is more painful." Tinapik ni Temi ang balikat ko kasabay ng pagtayo niya at pagtalikod sa akin. "Tara na, nagtatawag na yata si Mrs. Aquino."
Pagkabalik namin sa kinaroroonan nila Mrs. Aquino, ay sakto namang pinagbuo kami ng linya kung saan ka-partner namin ang katabi namin sa bus kanina. And as always, my heart pounds like it was its job whenever Vren is near me.
Nagsimula na rin kaming umakyat sa bundok kung saan kami magka-camping. Aaminin ko, kinikilig ako sa kung paano ako alalayan ni Vren sa bawat paghakbang ko. He's such a natural gentleman. Pero hindi ko maiwasang mapairap sa bawat pagkakataong dadaing si Charm na hindi kalayuan sa pwesto namin. Pakiramdam ko, kahit anong oras ay magpapaka-superman itong katabi ko para saklolohan ang babaeng iyon.
Nakaramdam kami ng pagod kaya hinudyatan kami na huminto muna. Bale pangatlong pahinga na namin ito pero medyo malapit na raw kami sa tuktok.
"Water?"
Napalingon ako sa nagsalita na si Vren. Inaabutan niya ako ng isang bottled water na hindi pa bukas.
"Ah meron ak—" Napahinto ako sa pagsasalita at sa pagkuha ng inuminan na dala ko nang mapagtantong magaan ito.
Narinig ko ang mahinang pagpalatak at pagpigil ng tawa ni Vren. "Water?" nakangisi at tila nang-aasar niyang alok.
Wala na akong nagawa kung hindi kunin iyon. Uminom na rin siya sa extra bottled water na dala niya. I watch him as he drank the water while his adam apple moved.
"I'm lucky to be a human and not an ice cream," komento niya dahilan para mag-iwas ako ng tingin.
Agad naglumikot ang mga mata ko at itinuon sa ibang bagay ang mga mata. Pakiramdam ko ay umiinit ang magkabila kong pisngi dahil sa kaba. He just caught me staring at him!
"By the way, I'll just take this to Charm." Itinaas niya ang isa pang bote ng tubig at tumayo.
I watch his broad muscled back as he made his way to Charm. Again, I feel the needle slowly yet painfully penetrating my chest. I took off my gaze from him when he finally reached her place.
My hand balled into a fist; until I felt the bearable pain in my palm as my nails are marking it. I realized, taking risk may do good and may also hurt me. But Temi is also right, I may lose but I won't regret fighting.
Nagpatuloy kami sa pag-akyat ng bundok matapos ng ilang minutong pahinga. Balik na naman sa tabi ko si Vren at balik na naman siya sa pagtanaw sa pwesto ni Charm.
"Aray!"
Napadaing ako nang magkamali ako sa pagtapak. My right foot slide on the big root and I twisted my ankle. Wala na akong nagawa kundi ang mapaupo sa sakit. Pakiramdam ko ay namumula at mamamaga na ito. May kamay na humaplos sa paa ko na nakapagpapiksi sa akin.

KAMU SEDANG MEMBACA
Parallel Hearts (Parallel Trilogy 1)
Fiksi RemajaWe both love at the same time, but not in the same way. Being a product of unfaithful love story, Misha promised to herself that when she finally found her soulmate, she will never cheat nor love other man except HIM. Aldrius Vren Cervantes, the...