Heart 3

50 6 0
                                        

Heart 3

Itiniklop ko na ang librong hindi ko naman talaga binasa. Nakita ko na kasing tumayo sina Charm at Vren mula sa pwesto nila dito sa library. Akala ko ay aalis na sila pero tumayo lang pala sila para isauli ang kinuha nila kanina at ngayo'y pumipili muli ng bago.

Ilang araw na ba akong umiiwas kay Vren pero hindi ko naman mapigilang sundan siya. No, I'm not a stalker, that's not the right term. It's way better to call me... admirer?

Mula sa pinagtataguan kong bookshelf ay bumalik muli ako sa pwesto ko kanina nang bumalik sila. Wala ngayon rito sina—

"Misha!"

"SILENCIO!"

Speaking of. Kailangan pa bang isigaw ang pangalan ko?

Gumawi ang tingin ko kila Vren na ngayon ay nakatingin na rin sa gawi namin. Minsan talaga pahamak itong si Shan eh. Tumayo siya pero napatigil din agad ang paglakad nang tumayo rin ako para hilahin sina Shan at Temi palabas. Naiwan ko na rin ang libro at 'di na naisauli sa dati nitong pwesto. Bahala na kung mapagalitan ng librarian.

I don't know if I'm just assuming too much but I just noticed that Vren wants to talk with me. Pero kung hahayaan kong makapag-usap kami baka... baka lalong mahulog ako. Baka hindi na ako makaahon.

"Misha, stop!"

Si Temi ang nakapagpahinto sa akin mula sa pagtakbo at paghila sa kanila. They're both panting while their arms placed on their knees for support. Saka ko lang din naramdaman ang pagod.

Tumingin ako sa paligid. Nasa likuran na pala kami ng school building.

"Ikaw," turo sa akin ni Shan, "bakit mo kami hinila at pinatakbo nang walang warning, ha? Gah! Pawis na ko oh!"

"This past few days, I noticed that you're avoiding Vren. Is that the reason?"

Umupo ako sa madamong bahagi sa ilalim ng malaking puno bago tumingin kay Temi at tumango. Kunot ang noo silang tumabi sa akin. Bumuntong hininga ako.

"Last week, Vren almost didn't notice my presence. Kahit na anong pagpapabibo ko sa loob ng klase, hindi pa rin sapat para mapansin niya ako. He did just glance at me, but I never get his full attention. There are many circumstances that he always choose Charm over me," pahina nang pahina ang boses kong sabi.

"Tapos, sumuko ka naman agad?"

"Kasi... sabi ni Shan,—"

"What? Bakit ako?"

"Remember what you've said to me? I'll unknowingly smile when the person I love is happy with my act even it doesn't benefiting me. So, I just thought that it would be better if I avoid him and stop my feelings for him. Besides, I'm seeing him happy with her."

Hindi ko na alam kung ilang beses ako bumuntong hininga habang nagsasalita.

"But I didn't mean that you should give up on him. Gah! Misha, ilang taon mo siyang hinintay na bumalik. Yes, now he's happy with Charm but, what if he'll be happier with you?"

That hits me. Just a single what if produced a branch of what if's in my head. What if Shan's right?

~*~

Umupo ako sa harap ng salamin bago abutin ang suklay para hagurin ang buhok ko. Diretso ang itim na buhok ko mula sa ituktok ngunit kumukulot pababa hanggang dulo. Hindi katulad ng dati, wala na ang mga litratro ni Vren na nagsisilbing palamuti sa paligid ng salamin ko.

I heaved a sigh remembering the things I did just to avoid him this whole school week. I'm not sure if he noticed me avoiding him or he's just too busy looking at Charm. Yes, I know that it will be hard but I'll be used to it someday... maybe?

Parallel Hearts (Parallel Trilogy 1)Where stories live. Discover now