Heart 13
It's really weird sometimes how a single scene change the entire mood of a person. The mood which affects not only a second, a minute, but an hour or even days.
Hindi ko alam kung napansin ni TD ang halos nilamukos kong mukha o sadyang sinapian lang siya ng masamang espiritu. I'm glad that he just let me passed by. Ewan ko ba kung anong nakain niya dahil hindi na niya kami pinagtagal doon. It would be my great pleasure to buy him that food.
The next day, Charm is trying to get my attention. Bakit ba hindi niya na lang ma-gets na ayaw ko sa presensya niya? Did she really loves to torture me?
Napairap ako nang lumapit na naman siya sa pwesto ko. Umalis kasi si Shan at Temi para bumili ng snacks. At dahil dakilang tamad ako, nagpabili na lang ako ng pagkain. But now, I think it's a wrong move.
"Mis—"
Tumayo ako na nagpahinto sa sasabihin niya. "Anong sasabihin mo?" tanong ko na hindi pa rin siya nililingon.
"I just wanna say sorry—"
"Sorry, again?" Inilibot ko ang paningin sa loob ng classroom. Halos lahat ng kaklase ko ay busy sa mga ginagawa nila. Samantalang si Vren ay wala dahil ngayon ang scheduled practice nila.
"Misha—"
"Save it, Charm. I don't need that," mariin kong sabi at tumalikod na para umalis.
Hindi ko kayang tumagal na kausapin siya, nakaka-suffocate. Wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanang mahulog si Vren sa kaniya, alam ko iyon. But her face only shows me that I am not chosen. Her mere presence is giving me multiple questions.
Days passed by and I'm still ignoring Charm. Nakatulong din ang pageant na sinalihan nila para hindi ko sila makita ni Vren. Maybe I'm selfish but I just can't bear watching them together. Hindi ko na tuloy magawang suportahan man lang si Temi physically.
"Hindi ka ba talaga sasama?" tanong ni Shan.
Umiling ako at isinukbit ang bag sa balikat saka nag-umpisang maglakad. Ngayon ang audition at hindi ko makayang pumunta.
"Gah! Misha, get a grip of yourself! Alam mo, mag-move on ka na. You're too far from the Misha I met years ago!"
Napahinto ako sa sinabi niya at ganoon din siya. Tinitigan ko siya at napabuntong-hininga. Tama naman kasi siya.
"You know that I tried. Iyon pa nga lang na hindi ko siya nakikita physically hindi ko makaya. Ngayon pa kaya na nasa paligid ko lang siya?"
"You need a distraction."
Nagsalubong ang kilay ko. "Distraction?"
"Yeah, something or someone that can distract you from thinking Vren."
I eyed her. Waiting for more explanations but she just rolled her eyes at me.
"Gah, basta! Distraction, kailangan ko pa bang ipaliwanag sa iyo?"
I just shrugged and continue walking. Sumunod na rin naman na siya. Pagkarating namin sa canteen ay um-order na kaming dalawa.
"Last question—"
"Hindi ako sasama." Alam ko naman na ang itatanong niya.
Napairap siya sa sagot ko. "Okay fine, enjoy yourself then."
I heaved a sigh looking at my food. I am not really used eating alone. Doon na rin kasi kakain si Temi. Dinalhan na lang siya ni Shan na sasabayan na rin siyang kumain. If I'm not in this kind of situation, I am probably cheering Temi now. I'm lucky that she's a very understanding friend of mine.

YOU ARE READING
Parallel Hearts (Parallel Trilogy 1)
Teen FictionWe both love at the same time, but not in the same way. Being a product of unfaithful love story, Misha promised to herself that when she finally found her soulmate, she will never cheat nor love other man except HIM. Aldrius Vren Cervantes, the...