Heart 6

48 4 0
                                        

Dedicated to the first reader!


"Good morning, Manong!" masiglang bati ni Shan sa guard na nagbabantay sa gate ng school na ngumiti pabalik.

"Magandang araw din."


Halos wala pa sa limang estudyante ang naabutan namin sa field ng school kung saan ang meeting place. Matapos kaming magpalista, agad na kaming pinasakay sa bus na naka-assign sa amin.

"Shan, lakad!" reklamo ni Temi nang mabunggo siya sa likod ko dahil sa ginawang paghinto ni Shan na nasa unahan ko.

"Gah! Misha, look. Magkatabi yung upuan nila Charm at Vren."

Agad ko namang hinawi si Shan. There, I confirmed what she said. Humakbang na ako palapit sa pwestong iyon nang may kamay na humawak sa braso ko.

"Anong gagawin mo?" Confusion is written all over Temi's face.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Making my way?"

Nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang upuan nila Vren. As if I'll let them sit together.

Akmang tatanggalin ko na ang pangalan ni Charm na nakadikit sa upuan nang may kamay na naman na humawak sa akin. Seriously, 'di ba sila titigil sa pagpigil sa mga gagawin ko?

Nakatanggap ng masamang tingin mula sa akin si Temi na siya na namang may hawak ng braso ko. "Bitaw."

"We all know that that's not right, Misha. Kaya nga may seating arrangement 'di ba? So that means, you're breaking a rule."

Nakita ko naman ang pagtango ni Shan mula sa likod ni Temi. Ngayon, magkasundo na sila."Every rule has an exception."

Wala na silang nagawa nang tuluyan ko nang matanggal ang name tag ni Charm at pinalitan ng pangalan ko. My plan is just starting.

Parami na nang parami ang mga sumasakay sa bus na mga kaklase namin. Marami na rin akong nakikitang mga nagsisidatingan na mga estudyanteng sumasakay sa iba pang bus. Pero wala pa rin sila ni Vren. Oo, sila, pati si Charm ay wala pa rin. And I hate the idea of them coming together.

Nilingon ko sina Shan at Temi na, as usual, may pinagtatalunan na naman yata. I decided to get my earphone and played random song in my phone's music player. Nakakapagod lang tumingin sa labas kaya pumikit na ako.

"'Coz all I wanted is you all along... You're my favorite so—"Agad kong tinapunan ng masamang tingin ang sino mang nagtanggal ng earphone ko. Pero napalitan din agad ng isang ngiti.

"Hi! Sorry for interrupting your music," Vren apologized with a shy smile.

"Ayos lang, patapos na rin naman na yung kanta," sabi ko nang may matamis na ngiti.

"Still, sorry."

"Ayos nga—" Naputol ang sinasabi ko nang may sumingit na epal.

"Uhm, excuse me," Charm interrupted while sweetly smiling.

Bakit ba kailangang sumulpot pa siya? I also smiled at her, a fake one and I don't care if it's obvious or I'm a good actress.

"Yes?"

"A-ano kasi..." Pinilit kong huwag umirap. Gaano ba kahirap ang sasabihin niya at kailangang bitinin pa?

"Misha, can we exchange our seats?" Hindi ko na napigilan ang pataas ng isang kilay ko at paghalukipkip. "I'm not comfortable with mine and also, I'm not that close with that girl." Tinuro niya ang babaeng katabi ng upuan niyang dapat sa akin.

Parallel Hearts (Parallel Trilogy 1)Where stories live. Discover now