BOOK 1. PRO

44 5 4
                                    

WARNING..

R18.. SENSITIVE CHAPTER!!

THESE CHAPTER CONTAINS RAPE AND MURDER, ALL MINORS ARE NOT ALLOWED.

THIS STORY DOES NOT GLORIFY SEXUAL ACTIONS WITHOUT CONSENT.

RAPE IS A CRIME PUNISHABLE BY LAW.

THANK YOU! GODBLESS!!



---

Napagising ako ng maramdaman ko na umalis si Tatay sa higaan ko. Oras na siguro ng pagsasaka niya, napahawak ako sa kumot na nakabalot sa akin.

Galit ang nararamdaman ko ngayon, sa paulit-ulit niyang paglapastangan sa akin.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko na labis kong pinipigil. Hindi ko na kaya ang buhay ko dito sa tatay ko.

Wala siyang konsensya! Paano niya nagagawa sa akin ito! Ako na nag-iisang anak niya.

Unti-unting naninikip ang aking dibdib sa mga nangyari sa akin. Daig ko pa ang malas sa lahat, daig ko pa ang sinumpa ng 'Diyos' dahil sa nangyayari sa akin.

Sa dami ba naman ng tao, sa akin pa talaga nangyari ang lahat ng ito.

Sa dami ba naman ng tao, ako pa talaga ang nakakuha ng kamalasan na ibinigay niya.

Unti-unti akong gumalaw sa aking pagkakahiga, naramdaman ko ang sakit ng aking katawan. Inayos ko ang aking buhok, at mabilis na tumakbo sa aming paliguan.

Bakit ba ganito ang buhay ko?

Sa edad na kinse nagkanda-leche-leche na. Ano bang nagawa kong mali para matanggap ko ang lahat ng ito?

Hindi ko na alam ang gagawin ko para makaalis dito sa bahay na ito. Alam ko na sinigurado ni Tatay na hindi ako makakalabas dito.

At kahit ang mga pinsan ko ay takot na tulungan ako, takot silang masangkot sa ganitong pangyayari. Dahil isa itong malaking kahihiyan na hindi dapat mabulgar.

Kahihiyan nga ba ang nangyayari sa akin ngayon? Wala akong kakampi!

Wala na si Nanay kaya wala na akong magiging kakampi sa buhay ko. Pilit kong kinuskos ang balat ko na hinawakan ni Tatay, napakasama niya!

Napakasama niyang ama para gawin sa akin ito! Hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit mamatay siya sa harapan ko! Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa pangbababoy niya sa akin, ako, na mismong anak niya!

Hinding-hindi ko mapapatawad ang lahat ng kamag-anak ko na hindi tumulong sa akin.

Hinding-hindi ko sila mapapatawad kahit magunaw pa ang mundo! Sisiguraduhin ko na magbabayad sila sa ginawa nila sa akin!

Sisiguraduhin ko na makakaalis ako dito sa impyernong ito!

"Kung totoo ang 'Diyos' bakit ganito ang nangyari sa akin!" Naiiyak na sumbat ko, naiiyak na hinanakit ko sa lahat.

Pigil ang pagdaing ko sa lahat, mas maganda ng ipunin ko ito para sa oras na makaalis ako sa impyernong ito babalikan ko sila.

Namamanhid ang gitnang parte ko sa bawat araw, ilang araw na rin na masama ang aking pakiramdam.

Narinig ko ang katok sa aming pintuan kaya tumakbo ako doon. Hindi ko na tinangkang buksan dahil alam ko na ni-lock na naman ako ni Tatay.

"Lena gising ka na ba?" narinig kong sigaw ni Simon, ang pinsan ko na may amor sa akin.

"Simon! Tulungan mo ako!" Napapaiyak na sigaw ko. Naririnig ko ang yabag niya.

"Tutulungan kita, nangako ako kay Tita na aalagaan kita.. babalikan kita dito.." narinig kong sabi niya. Kaya napaiyak ako sa tuwa.

"Hihingi ako ng tulong.. nasabi ko na sa pulisya ang lahat.." dagdag na sabi niya sa akin.

"Salamat Simon.. hihintayin ko 'yan.." umiiyak na sabi ko. Nanginginig ako sa nangyayari sa akin, nanginginig ako dahil sisiguraduhin ko na makakalaya ako sa impyernong bahay na ito.

"Sa ngayon kumain ka muna.. magpalakas ka d'yan babalik muna ako sa bahay para hindi mahalata ni Nanay na tutulungan kita.." takot na sabi niya sa akin at narinig ko ang yabag niya papalayo.

Walang hiya ang kapatid ng tatay ko alam niya pala ang ginagawa sa akin ni Tatay. At pinipigilan niya na tulungan ako ng pinsan ko. Sisiguraduhin ko na gagantihan ko siya sa lahat ng pasakit niya sa akin.

Nakita ko ang pagkain na hinanda no tatay at mabilis ko itong kinain para magkaroon ako ng lakas.

Lakas para lumaban dahil nag-iisa lang ako. Nag-iisa lang ako sa madilim na lugar na ito.

Sa lugar kung saan nangyari ang lahat ng hindi ko makalimutan. Ang pait at dalamhati na naranasan ko.

Nakikita ba talaga ng 'Diyos ang lahat? Bakit nangyari sa akin ito kung nakikita niya?

---

Nagising ako sa malakas na pagbukas ng pinto at nakikita ko na naman si Tatay na lasing. Alam kong gagalawin niya na naman ako at hindi na ako papayag.

Mas maganda ng mamatay ako ngayon na mismo, hindi ko hahayaan na magalaw niya ulit ako.

"Lena!!" Sigaw ni tatay pero hindi ako lumapit sa kanya. Mabilis niyang hinaklit ako at tinulak pahiga.

"Ayaw ko po!! Tay!!" Sigaw ko pero hindi siya nakikinig sa akin. Naramdaman ko ang pagsira niya sa kasuotan ko.

"Tang-ina ka! Umayos ka kung ayaw mong patayin kita!" Galit na sabi niya sa akin. Naramdaman ko ang pamamanhid ng pisngi ko, at pag-ikot ng aking paningin.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang nanay mo anak.." ngiting sabi niya sa akin. Naramdaman ko ang bawat paggalaw niya.

"Tulong!!" Sigaw ko.

Tinakpan niya ang aking bibig at pinilit niyang gawin ang mga ginagawa niya sa akin.

"Tang-ina!" Malakas na sigaw ni tatay ng makaraos na ito. Umiyak ako ng umiyak, humiga siya sa tabi ko.

Isang malaking himala na hindi ako nakatulog sa pananampal niya sa akin.

Wala siyang kwenta na Ama!

Hindi ko na hahayaan na mangyari ito, isa lang ang pwedeng mamatay sa aming dalawa.

Ako o Siya?

Nakahiga ito at tulala na naman sa kisame at dahan-dahan kong kinuha ang kutsilyo na tinago ko sa unan ko.

Parate sinasabi sa akin ni Nanay na masama daw ang pumatay..

Pero para sa akin, kung ang papatayin ay isang manyakis, reypis na ama hindi na masama.

Umupo ako at naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko na kayang tumagal dito. At mukhang lasing na lasing si tatay ngayon.

Tumayo ako agad hawak at kutsilyo at mabilis na binaon sa tiyan niya. Nakita ko ang panglalaki ng mata niya habang nakatingin sa akin.

Mawawala na ako sa katinuan sa lahat ng nangyayari sa akin. Nararapar siyang patayin, torturin sa lahat ng ginawa niya sa akin.

Narinig ko ang pagdaing niya, hinugot ko ang kutsilyo at muling ibinaon sa kanya. Umiiyak ako sa sobrang galak na nagagawa ko na ito ngayon.

"Mamamatay ka na!" Sigaw ko at paulit-ulit na sinaksak ang kutsilyo sa kanya.

Liwanag sa madilim na nakaraanWhere stories live. Discover now