1

29 6 0
                                    

IRITADONG nagising ako sa aking pagkakatulog dahil sa ingay ng karaoke. Nakakainis lang ay kung makakanta ang mga kapit-bahay ko ay daig pa ang concert sa Araneta.

Maingay na nga sa bar na pinagtatrabahuan ko, maingay pa talaga dito. Mga peste!

Mabilis ko na tinanggal ang aking mura na blind fold. Oo mura, masabi lang at maramdaman ko man lang na rich ako kahit papaano!

Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang inis ngayon. Alas-kwatro ng umaga natapos ang trabaho ko sa bar pero alas-syete pa lang ng umaga ay bumibirit na ang aking mga chismosang kapit-bahay.

Sinuot ko ang aking pula na roba, na ibinigay sa akin ng kapwa ko nagtatrabaho sa bar. Mabilis na inipit ko ang aking buhok upang makababa na agad ng masipa ang mga walang hiyang kapit-bahay.

Nananadya na ata talaga itong mga ito! Sunod-sunod na araw ba naman mag-concert!

Pagkatapos ng ilang taon, heto ako sinama ako ni Simon papuntang Maynila. Pero mahirap pala kapag walang pinag-aralan wala akong mahanap na maayos na trabaho. Kaya mas pinili ko na lang ang easy sa akin.

Easy nga ba?

Pagkatapos ko na mapatay ang tatay ko na walang hiya heto ako  naging pvta sa Maynila. Isang babaeng mababa ang lipad ika nga. Isang babae na bayaran lang.

Naging chismis ako sa probinsya namin, dahil naging pvta nga ako dito sa Maynila. Inisip na ng mga tao doon na inakit ko ang tatay ko, siguro chinismis din kasi ako ng walang hiyang tita ko. Sana mabungi siya lalo sa kakachismis niya sa akin.

"Hoy! Magpatulog nga kayo!" Malakas na sigaw ko habang papalabas. Narinig ko ang bungisngisan nila habang nakatingin sa akin.

"Hoy! Magda! Halika dito ng makapag-celebrate tayo! Despidida ni Tonyo, yong patay na patay sayo!" Malakas na sabi ni Kuya Gary. Kitang-kita ko ang manilaw-nilaw na ngipin niya na tumerno sa maitim o toasted niyang katawan.

Magda, ang babaeng mababa ang lipad. Isang babaeng pinagbebenta ang katawan para may makain.

Wala siguro ako karapatang sumaya, dahil hanggang ngayon puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Namatay na nga ang malas e, pero hanggang ngayon hindi pa rin naalis!

"Nasaan ba 'yan si Tonyo para mapaligaya man lang.." pagbibiro ko. Nagsitawanan ang mga mga tao, at lumabas si Tonyo na may dalang mga pagkain. Ngiting-ngiti ito, buti pa siya mapalad na makapag-ibang bansa.

Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ba ako sinilang sa mundo? Tagasambot lang ba ako ng kamalasan?

Pumasok ako agad sa tinitirhan ko at narinig ko ang pagtunog ng aking china phone.

Nakita ko ang pangalan ni Simon, at sinagot ko agad ito. Nasa probinsya kasi ito at sinasamahan ang chismosa niyang Nanay.

"Lena! Kumusta ka na d'yan?" Bungad niya sa akin. Umupo ako sa second hand ko na sofa, at dumekwatro ng paupo.

"Okay lang naman ako kuya Simon.. kayo kumusta?" Sabi ko na lang pero wala akong gana makipagkumustahan. Alam ko naman walang kasalanan si Simon sa ginawa ng nanay niya sa akin pero hanggang ngayon galit pa rin ako.

Hindi ata tama ang sinasabi nila na nakakapagpagaling ng sugat ang bawat oras. Dahil mas lalong lumalala at nadadagdagan ang galit ko sa kanya.

Wala naman nabago sa buhay ko, siguro in-enjoy ko na lang ang trabaho ko ngayon kaysa wala naman akong malamon.

Sarili ko lang naman ang makakatulong ko, walang tutulong sa akin na iba.

Diyos? Mayroon ba niyan? Kung mayroon bakit nangyari sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko pa rin maintindihan kahit pinapaliwanag nila sa akin na may dahilan ang lahat.

Liwanag sa madilim na nakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon