7

5 0 0
                                    

Napaismid ako ng palihim ng sabihin sa akin ni Samuel ang bagay na 'yon na akala mo ay susulpot ang DIYOS niya sa harapan ko. Pinagloloko niya ba ako?

"Paano ko ba Siya makikilala? Hays ewan ko ba bakit ba ako maraming tanong sa'yo e hindi naman ako naniniwala," iritableng sabi ko sabay umirap pa. Oo, nag-iinarte ako!

Namimili ba ang DIYOS ng pagpapakilalahan? So ganoon pala may favoritism naman pala.

"Malalaman mo rin dahil kung determinado ka na makilala Siya ay dapat ipakita mo sa Kanya. Nakikita Niya ang nasa puso mo, at wala siyang favoritism, Lena," malumanay na sabi ni Samuel sa akin na ikinalaki ng mata ko.

Ilang beses niya ng nababasa ang nasa utak ko! Isa ba siyang bampira na nagkatawang tao sa lupa upang inumin ang dugo ng mga tulad kong makapal ang mukha.

Bumuntong-hininga siya saka napakamot sa kanyang ulo. Mukhang hinahabaan niya ang pasensya niya sa akin.

"Naiinis ka ba sa akin?" bwelta ko agad na akala ay naghahamon ng away. Naging seryoso ang mukha nito.

"Lena, hindi ako naiinis mismo sa'yo kundi dahil sa ginagawa mo. Magkaiba ang bagay na 'yon at saka hindi naman ako perpekto," malumanay na paliwanag niya sa akin na ikinairap ko.

So anong pinagkaiba no'n? Masyadong pabitin ang taong ito! Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang nabibitin!

"Akala ko pa naman mabait ka, tapos gaganyan ka sa akin," anya ko sa kanya at umirap. Huminga ito ng malalim at mukhang kulang na lamang ay magdasal siya sa kanyang Diyos upang humingi ng maraming pasensya para sa akin.

"Tanging ang Diyos lamang ang mabait Lena, wala namang taong mabait. Lahat tayo ay makasalanan, kahit ako nasubsob ako ng todo sa putikan bago ko Siya nakilala," kwento niya sa akin.

Maniniwala ba ako sa sinasabi niya? Mukha ngang hindi niya kayang pumatay ng ipis eh bakit ako maniniwala?

"Hindi ka ba naniniwala? Ibang klase ang Panginoon, hanggang ngayon kasi ay nahihiya ako kapag naalala ko ang mga pinaggagagawa ko ng panahon na lumalakad pa ako sa maling landas. At sigurado ako na ganoon din ang plano Niya sa'yo," dagdag na sabi niya sa akin.

Bakit ba ako nakikinig sa mga kwento niya? Mamaya pala ay inuuto lamang ako nito o kaya baka kulto itong simbahan.

"Mamamatay tao ako dati, kung alam mo lang sa lugar na bulacan, kinakatakutan ako roon" sabi niya sa akin. Naglakad siya papalabas saka umupo sa may mismong upuan na nasa gilid ng simbahan.

"Marami akong napatay Lena, sa sobrang dami ay hindi ko na mabilang. Pumapatay ako rati para makakain," dagdag na kwento niya sa akin.

"Nakapatay rin ako," sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ako mismo ang pinadala Niya sa'yo," sabi ni Samuel sa akin. Napanguso naman ako sa kanyang tinuran.

Buti pa siya naiintindihan niya, hindi niya ba pwede i-bluetooth sa akin ang impormasyon? Marites here.

"Lumaki ako ng pagala-gala lang, iniwan ako ng nanay ko at sumama sa kumpare ng tatay ko," kwento ni Samuel sa akin. Wow, ibang klase, kwentong sumakabilang bahay ba ito?

Hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako nakikinig sa kanya. Isang malaking himala na kusang nakinig ang tenga ko kahit ayaw ko.

"Marami akong nakasama sa kalsada, naging pulubi ako at rugby boy sa kanto," natatawa nitong kwento. Mukhang nahihiya ito magkwento sa akin sabagay mahirap nga ikwento yong alam naman natin mali na pero ginawa pa rin.

"Binabayaran akong pumatay kapalit ng kakainin ko, sa dami ng napatay ko halos hunting-in ako ng mga pulis. Nagbago ang lahat ng may kumausap sa akin," anya ni Samuel ulit.

"Sino naman ang kumausap sa'yo?" Tanong ko sa kanya. Naiinis ako dahil pahinto-hinto siya mismo.

"Nang oras na 'yon pakiramdam ko ay wala ng purpose ang buhay ko. Kaya pala dahil kadalasan ng mga nakakaramdam ng ganoong bagay ay yong mga taong walang gabay mismo ng Diyos, yong mga taong walang konsensya at pilit pinagpapatuloy ang maling nagawa nila. At minsan yong mga taong pakiramdam nila ay wala na silang purpose sa mundo ay dahil tinalikuran na rin sila ng Diyos dahil sa paulit-ulit na pagkakasala na pilit naman nilang ginagawa kahit alam nilang ikakagalit Niya," pahayag ni Samuel sa akin. Sumimangot ako dahil ano ba ang connect no'n?

"Nang oras na 'yon pakiramdam ko ay wala na talaga akong purpose sa mundo dahil nakakapagod naman talagang mabuhay rito. Nagpasya akong magpakamatay dala ng bulong ng kaaway," kwento ni Samuel sa akin. Tumingin siya sa may langit at ngumiti.

Potek nagkakaroon ba siya ng hallucination? Pinaggagawa niya?

"Ilang beses kong tinangka na magpakamatay ngunit miracle na naliligtas ako. Hanggang sa isang araw tatalon ako sa building, sigurado akong mamamatay ako no'n. Sabi ko sa Kanya, na sa oras na may kumausap sa akin maniniwala ako sa Kanya at hindi ko itutuloy ang pagpapakamatay ko," dagdag ni Samuel.

"Nakakahiya man kay Lord naging demanding ako na parang Siya pa ang may kailangan sa akin, nang oras na 'yon biglang may lumapit sa aking babae, hinawakan niya ako sa balikat at sinabing huwag kong itutuloy ang balak kong gawin. Huwag ko raw hayaan na ang kalaban ay manalo upang mabilis akong mahatak sa impyerno, ipinadala raw siya ng Diyos upang balaan ako. Nakaramdam ako ng takot at sinabi ko sa babaeng 'yon kung ano nga ba ang nararamdaman ko,"

"Sinabi niya sa akin na marami raw akong kasalanan na ginawa ngunit nandyan ang Diyos upang tanggapin ako. Kahit sobrang dumi ko na ay nakahanda Siya upang linisin ako. Nang araw na 'yon nakaramdam ako ng takot, nag-share sa akin ang babaeng iyon ng word of GOD at sinabi niya sa akin, na pinapasabi ng DIYOS na matuto raw akong magpatawad, patawarin ko rin ang aking sarili upang patawarin Niya rin ako," nakangiting sabi ni Samuel.

napakunot naman ang aking noo sa kanyang tinuran.

"Bakit kailangan patawarin natin ang mga nananakit sa atin? Aba hindi ako santo!" Angal ko agad agad,

"Dahil darating ang araw na ang mga Kristiyano ay hahatulan kung nagpatawad ba sila ng kanilang kapwa o kahit kaaway pa yan. Kung pinatawad tayo ng Diyos, kailangan din natin magpatawad sa nagkasala sa atin,"

-------------

Maraming salamat sa inyong pagbabasa ng kwento ni Lena, marami pa pong mangyayari abang lang po kayo.

Godbless everyone.

#AcceptJESUS #JESUSisCOMINGSOON

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Liwanag sa madilim na nakaraanWhere stories live. Discover now