5

10 0 0
                                    

TULALA lamang ako habang nakatingin sa bintana. Tahimik lang ang lalaking katabi ko.

Ipinikit ko ang aking mata upang lumabas ang luha na gusto kong ilabas ngunit wala.

Naiisip ko, may dahilan ba para mabuhay ako sa mundo na 'to? May dapat ba akong gawin upang umasenso sa buhay ko?

Tama nga sila na isa akong babae na walang class, nag-fe-feeling lang ako sa lahat ng bagay.

Naalimpungatan ako ng naramdaman ko ang paghinto ng bus na sinasakyan ko. Nakatingin ang katabi ko sa akin at saka ngumiti.

"Kailangan mo ng mapupuntahan tama ba?" Tanong niya sa akin.

Oo, wala akong mapupuntahan dahil basta na lang ako sumakay sa bus sa sobrang pagmamadali ko.

"Mayroon ah!" pagsisinungaling ko. Ngumiti lamang ito sa akin.

"Hindi mo ba alam na masama ang pagsisinungaling?" tanong niya sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya sa akin.

Napakunot ang aking noo sa pangbibintang niya sa akin! Oo! bintang 'yon dahil hindi ko rin aaminin.

"Sumama ka sa akin.. may alam akong matutuluyan mo.. pinasundo ka Niya sa akin.." sabi ng lalaki at tumayo na lamang ito.

Sinong nagpasundo sa akin? Sino ba 'yon?

"Sino ba ang tinutukoy mo ha? Marumi akong babae kaya nga dapat huwag kang lumapit sa akin mamaya pala may aids na ako.." pang-iinis ko sa kanya.

Napalunok ako ng nakalabas na siya ng bus kaya nilunok ko na lang ang natitirang pride ko.

Kinuha ko agad ang aking dalang bag at saka patakbong hinabol ang lalaki.

"Saglit lang!" malakas na sigaw ko. Ngunit sumakay ito ng tricycle kaya mas binilisan ko ang aking pagtakbo papunta sa kanya.

Hinihingal akong umupo sa tabi niya at masamang tumingin sa kanya.

Nananadya ba ito? Kung pwede lang manapak ginawa ko na eh!

"Alam ko naman na makakahabol ka.." nakangiting sabi niya sa akin. Sumimangot ako sa ginawa niya.

Manghuhula ba siya?

Modus ba ito?

Nanglaki ang mata ko sa inisip ko mamaya pala isa ito sa mga sindikato na nagbebenta ng droga, o kaya laman ng tao.

Napalunok ako. Hindi maari! Hindi ako pwedeng mamatay! Mamaya pala tunay ang impyerno edi male-lechon ako sa impyerno sa dagat-dagatang apoy!

Huminto ang tricycle sa malaking church. Maraming nagsisimba rito kaya napangiwi ako.

Ayaw na ayaw ko talaga sa simbahan, dahil una pa lang hindi ako maka-Diyos, pangalawa, mga hipokrito ang mga nagsisimba roon!

Pumasok kami sa loob ng simbahan, nakikita ko na marami ang tao sa loob ng simbahan. Mga nagkakantahan ang mga tao at nagtatalunan.

"Dito ka muna pansamantala.. makinig ka ng mga salita ng Diyos.." sabi ng lalaki sa akin.

Napangiwi ako sa sinabi niya sa akin. Okay, nagkamali ako mukha naman siyang mabait pala. Akala ko dadalhin niya ako sa motel, o kaya apartelle nakakahiya naman!

Judger ka girl?

"Allergic ako rito! Ayaw ko rito.." inis na sabi ko sa kanya. Nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa mga tao.

"Wala akong magagawa dahil dito ka pinapapunta.. at saka makakaalis ka rin naman dito kapag okay na ang lahat.." seryosong sabi nito sa akin. Napangiwi ako lalo.

"Hindi ko kayang makipag-plastikan sa mga plastik! Kaya ayaw ko!" madiin na sabi ko na siya lang ang nakakarinig.

Mas nagseryoso ang mukha nito sa akin.

"Plastic? Ang pagtatama ba ay panghuhusga na agad? At saka hindi naman lahat ng sumusunod sa DIYOS ay ganoon.." seryosong sabi niya sa akin. Mukhang napikon ko nga ito.

"Ilang beses na akong pumunta sa simbahan pero kapag tumatagal nalalaman ko ang tunay na kulay ng mga nagsisimba. Sa tingin mo maniniwala ako sa Diyos dahil dito? Tatanggapin lang nila ako sa umpisa pero pagtagal malalaman ko na hinuhusgahan lang nila ako!" inis na sabi ko sa kanya.

Totoo naman ilang beses na akong nagsisimba, pero sa oras na nalaman nila na isa akong pvta nangdidiri na sila sa akin.

Naalala ko na may isang pastor na muntikan na akong gahasain pero sinabi niya sa kanyang kapwa maninimba na inakit ko siya!

"Ang mga sumusunod sa Diyos ang may problema, hindi Siya mismo. Hindi naman perpekto ang isang tao, lahat may pagkakamali pero dapat ang mata ko natutok lang sa Kanya.." mahinang sabi niya sa akin.

"Gusto ba ng Diyos mo na pagsilbihan Siya ng isang maruming babae? Isa akong maruming babae kaya nga nagtataka ako bakit niya ako tinutulungan!" iritang sabi ko sa kanya.

Ang alam ko mas mahal ng Diyos ang mga maninimba kaya nakakainis kasi ang papangit naman ng ugali ng karamihan sa kanila.

"Ang Diyos ay naparito sa mga makasalanan, hindi para sa mga iniisip nila na perpekto sila. Bumaba Siya rito para sa lahat, lalo na rin sayo.." sabi niya sa akin. Napakunot ako ng noo at tumingin sa kisame.

"Ano bang pinagsasabi mo? Paanong bumaba Siya rito? Wala naman bumababa rito! Pinagsasabi mo ba?" natatawang sabi ko sa kanya. Sumimangot ito.

"Ang tinutukoy ko ay si Hesus, Siya'y isinilang dito upang tubusin ang kasalanan natin sa mundo. Siya'y ipinako sa krus para sa atin. Siya'y naging handog upang matubos tayo sa kasalanan at kamatayan.." nakangiti niyang sabi sa akin.

Nagdo-droga na ito? Pinagsasabi niya?

Napapakinggan ko siya pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya sa akin!

Baliw ba siya?

"Huwag kang mag-alala maiintindihan mo rin ang lahat.." sabi niya sa akin.

Napasimangot ako sa sinabi niya sa akin. Hindi naman sa wala akong utang na loob pero nabigla lang talaga ako na sa simbahan niya ako dadalhin.

"Tandaan mo ito Lena.. hindi naman ang Diyos ang problema kundi ang mga sumusunod sa Kanya.. nadadamay ang Diyos dahil karamihan sa taga-sunod Niya ay hipokrito. Kaya hindi kasalanan ng Diyos ang mga nangyari sayo.. hindi rin naman ang tao ang kalaban natin dito kundi 'yong mga bumubulong sa kanila na gawin iyon. Maikli na kasi ang oras ng kaaway kaya nagmamadali na sila na mas marami ang mahatak papunta sa babagsakan nila.." mahabang sabi niya sa akin

"Kung totoo 'yan saan ba sila babagsak?" Tanong ko sa kanya.

"Alam nila na hindi na sila kailangan husgahan sa korte at babagsak na talaga sila sa dagat-dagatang apoy o impyerno.." sagot niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagtibok ng aking puso lalo.

Bigla akong natakot kaya napalunok ako ng matindi.

Writer ba siya? Ibang klase ang imagination niya!

Liwanag sa madilim na nakaraanWhere stories live. Discover now