6

5 0 0
                                    

Nanunood lamang ako sa mga maninimba. Masyado silang tutok sa sinasabi ng Pastor na nagsasalita sa kanilang harapan.

Sinulyapan ko ang lalaking nagdala sa akin dito, nakikinig din siya!

Ano bang magandang pakinggan? nakakaantok na!

"Ano ba ang mga pinagsasabi niya?" Iritableng tanong ko sa lalaking katabi ko.

"Ang sinasabi niya ay tungkol sa mga kagustuhan ng Diyos." Sagot niya sa akin. Napailing na lamang ako.

"Okay. Ano ba ang mga gusto Niya? Hindi Niya ba tatanungin kung ano ang gusto ko?" Sarkastiko kong tanong. Ngumiti lamang ito sa akin.

Gusto ko siyang mainis sa akin. Daig ko pa ang nabubulungan!

"Kilala ka ng Diyos, Lena. Hindi ka pa nabubuo sa sinapupunan ng nanay mo ay kilala ka Niya. Alam Niya lahat ng ginagawa mo, wala naman tayong maitatago sa Kanya." Sagot niya sa akin. Napaismid ako.

"Kung alam Niya ang lahat ng mangyayari bakit ganito nangyari sa akin? Hindi ba pwede na ibinigay Niya na lamang ako sa ibang tatay. 'Yong maayos sana." Pagalit na sabi ko.

"Ang kasalanan ng Diyos ang ginawa ng tatay mo sa'yo, Lena. Sa totoo lang ayaw Niyang mapahamak tayo kaya nga ginagawa Niya ang lahat upang makilala natin Siya at makita sa madilim na tinatahak." Sagot niya sa akin.

"Para sa akin, hindi tama na ang lahat ng sisi ay sa Diyos, Lena. Alam ko ang kwento nila Adan at Eba hindi ba?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot. Hindi ko maintindihan ano ba ang koneksyon no'n sa topic namin.

Masyadong kilala ang nangyari kay Eba At Adan. Ang sabi ng iba, si Adan nga raw ang unang tao na ginawa ng Diyos.

"Alam mo ba na sa una pa lang nakaplano na pamamahalaan ni HESUS ang sangkatauhan? Hindi ba binuo ng Diyos ang mundo, ang tao, ang mga hayop." Kwento niya sa akin.

"Okay. Total naman ikaw ang nagsabi niyan na alam ng Diyos ang lahat? Bakit ng kakainin na ni Eba ang pinagbabawal na bunga ay hindi Niya ito pinigilan? Bakit hindi siya sumulpot? At saka hindi ba pagkatapos nilang makain ang pinagbabawal na bunga saka siya dumating. Doon pa lang eh hindi kapani-paniwala." Natatawang sabi ko sabay iling.

Ngumiti lamang siya sa akin.

"Mahal tayo ng Diyos, Lena. Ayaw Niya rin tayong ikulong sa isang bagay na ayaw natin. Alam Niya na mangyayari 'yon ngunit hindi naman Siya diktador. Mapagmahal ang Diyos kaya binigyan Niya tayo ng free will upang magdesisyon sa buhay natin." Sagot niya sa akin.

"Nang Siya'y dumating at tinanong Niya kung nasaan si Adan. Alam Niya na nangyari 'yon wala tayong maitatago sa Kanya. Ganito lang 'yan hindi ba kapag nagkakasala tayo minsan nagdadahilan pa tayo sa Kanya kung bakit nagawa natin iyon? Naghahanap tayo ng mapagbubuntunan upang maalis man lang ang konting guilt. Ganoon din si Adan, hindi ba idinahilan niya si Eba kung bakit nakain niya ang pinagbabawal na bunga? At ng si Eba naman ang tanungin ay sinisi naman niya ang ahas?" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Mas gusto ng Diyos na umaamin tayo sa kamalian natin, hindi 'yong nagdadahilan pa tayo." Sabi niya sa akin.

"Hindi pala Siya diktador? Ibang klase." Sarkastiko kong sabi.

Hindi na ako nagtanong dahil mukhang nakahanda siya sa mga isasagot ko. Iniisip ko tuloy kung baby pa siya ng nagbasa siya ng bibliya.

"Mahal ka Niya, Lena. Kaya nga pinasundo ka Niya sa akin." Bulong nito sa akin.

Mahal? May ganoon ba? Sa dami ng nangyari sa buhay ko maniniwala pa ba ako?

Nang matapos na ang oras ng simba nakita kong nakangiti ang Pastor sa lalaking katabi ko. Tumingin siya sa akin sabay ngiti.

"Samuel, Ikaw pala 'yan!" Nakangiting sabi niya.

Samuel pala ang pangalan niya? Ngayon ko lamang nalaman dahil hindi ko tinatanong at wala naman akong paki!

"Magandang tanghali po, Pastor! Ipapakilala ko po sana si Lena. Siya po 'yong tinutukoy ko sa inyo na dadalhin ko rito." Nakangiting sabi ni Samuel.

Napaismid ako.

Nagpumilit akong ngumiti.

"Siya pala 'yon? Nako, iha! Matutuwa ang Diyos sa gagawin mo! Gawin mo ito para sa Kanya! Para sa ikakarangal Niya." Nakangiting sabi nito sa akin.

Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya sa akin. Anong gagawin ko? Ang alam ko lang ay maghubad sa lalaking nasa harapan ko.

Hindi naman ako marunong kumanta, at mas lalong hindi ako marunong sumayaw. Sa pagpapaligaya lang ako ng lalaki magaling!

Nako! Ibinibenta ba ako ni Samuel sa matandang ito? Hindi maari! Hindi ako pumapatol sa lolo na, mukhang mas bata pa ang lolo ko sa kanya.

"Maglilinis ka lang, Lena rito. Bale tutulong ka lang naman upang mapanatiling maayos ang simbahan ng Diyos. Huwag kang mag-alala, maayos ang mga tao rito." Sabi ni Samuel na mukhang nahalata niya na marumi ang daloy ng utak ko.

"Glory to GOD! JESUS is LORD! Maraming salamat sa ating Panginoong DIYOS dahil pinadala Niya si Lena. Hirap kasi kami sa mga mag-aasikaso rito dahil masyadong busy ang mga miyembro." Nakangiting anya ng pastor na matanda.

So katulong pala ang peg ko ngayon? sabagay mas maganda na 'yon kaysa magbenta ng laman.

"Maraming Salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa akin." Pekeng ngiti ko.

"Hindi mo kailangan magpasalamat sa amin iha, sa DIYOS ka magpasalamat dahil Siya naman ang nagpadala sa'yo rito. Nako! Sigurado may magandang plano Siya para sa'yo! Ibang klase talaga ang Diyos!" Masayang sabi ng Pastor. Kumikinang ang mata nito habang nagpapasalamat sa Diyos na binabanggit niya.

"Kakausapin ko lang po si Lena." Paalam ni Samuel sabay hila sa akin.

Napasulyap ako sa kanya dahil kumakamot ito sa kanyang ulo.

"Lena, huwag kang mag-alala, dalawa kayo rito. Bale iaasikaso mo lang naman itong panambahan. Libre na ang pagkain." Sabi ni Samuel.

"Sinong kasama ko?" Tanong ko sa kanya.

"Makikilala mo rin siya. Huwag kang mag-alala hindi siya lalaki kundi babae rin tulad mo. Gawin mo ito ng may pagmamahal." Sabi niya sa akin.

"Paano ko ito magagawa ng may pagmamahal eh hindi ko nga Siya kilala." Dahilan ko.

Ngumiti lamang siya sa akin.

"Makikilala mo na Siya." Sagot niya sa akin.

Liwanag sa madilim na nakaraanWhere stories live. Discover now