4

15 2 0
                                    

Mabilis akong nagtago sa aking bahay, at inihanda agad ang aking mga bagahe. Hindi ko alam ang nangyayari sa amin ngayon? Bakit ba kailangan ko pa na mangialam sa buhay nila?

Ang gaga ko lang dahil nangialam mismo ako sa secret market ng bar. Alam kong hindi nila papatagalin at hahanapin nila kung sino mismo ang nagsusumbong sa pulis.

Nakakainis lang kasi okey na buhay ko pero hilig ko mangialam.. okey na nga ba?

Kinuha ko ang aking cellphone at mga papeles para mailagay agad sa bag ko. Alam ko na busy na ngayon ang mga pulis sa bar na aking pinapasukan. At sa oras ja ipagbukas ko ang pag-alis ko baka ma-salvage na ako.

Nagpalit ako agad ng damit para hindi makilala. Tinali ko ang buhok ko at pinatungan agad ang ulo ko ng cap.

Kailangan ko ng magtago, napakamalas ko talaga! Mukhang mamamatay na talaga ako sa gutom kapag nagkataon. Siguro mas maganda pa na mahuli ako ng boss ko at ipapatay na lang ako.

Hindi ko alam kung bakit lumalaban pa ako sa mundo na ito. Bakit nga ba? Wala naman na akong dahilan para maging masaya rito. Wala ng saysay ang lahat sa akin.

Kinuha ko agad ang bag ko para makaalis na agad ng bahay.. nakikita ko na busy ang mga chismosang kapit-bahay ko sa pagbibingo. Napatingin sila sa akin at nagtataka na aalis ako.

"Magda saan ka pupunta?" Tanong nila sa akin. Ngumiti lang ako, nakakalungkot lang na aalis na ako rito. Kahit naman hindi nila ako pinapatulog sa bawat umaga dahil sa panget ng boses nila pero mamimiss ko sila.

"Outing lang..." Sagot ko sa kanila. Ngumisi naman ang karamihan sa akin at umirap na lamang ako.

"Naku ha Magda kapag naman madatong baka pwedeng balato naman d'yan share your blessing daw!" Kantyaw nila. Tumatawa pa sila kaya natawa na lang ako. Mga mukhang pera! Hindi halatang nagugutom sila ang lalaki ng katawan e mukhang mga bouncer sa club.

"Aalis na ako muna.. sige ba.. babalatuhan ko kayo ng halik.." biro ko sa kanila, tumawa naman sila ng malakas. Mga hinayupak! Joke lang naman 'yon, muntikan na nga ako mahimatay sa last costumer ko tapos hahalik pa ako sa mga hindi naliligo at hindi nagtotoothbrush. Asa sila! Kahit mag-maryang palad sila sa harap ko hindi ako matuturn-on sa ungol nila.

Sumakay agad ako sa tricycle at nakita ko pa silang nag-we-wave ng bye-bye. May isa pa na nagflying kiss, gusto ko na tuloy masuka.

"Kuya, sa may sakayan lang po ng bus ha.." sabi ko sa tricycle driver. Kinuha ko agad ang aking phone at tinawagan agad si kuya Simon. Mabilis naman niya itong sinagot.

"Oh Lena.. kumusta? May nangyari ba?" Tanong agad niya sa akin.

"Simon.. mag-ingat kayo d'yan h'wag ninyo muna akong hahanapin.." sagot ko sa kanya. Alam ko na magtataka ito kung bakit..

"Ha? Ano ba ang nangyari bakit ka aalis?" Tanong niya sa akin. Narinig ko ang isang iyak ng bata, at inaalo ito ni Kuya Simon. Naramdaman ko ang pagtutubig ng aking mga mata.

Simula ng pinanganak ko siya, hindi ko na siya tiningnan. Basta ko na lamang ito binigay kay Simon. At natuwa naman si Simon dahil gusto niya alagaan ang anak ko na kapatid ko.

"Lena, Ano ba ang nangyari? Sagutin mo ako at nag-aalala ako sa'yo.." nag-aalalang sabi niya sa akin. Parate ko na lamang siya binibigyan ng konsumisyon sa buhay ko.

"Sasabihin ko sa oras na makapunta na ako sa pupuntahan ko.." sagot ko sa kanya at pinatayan ko siya ng tawag. Huminga ako ng malalim at kusang tumulo na 'yong luha na matagal ko ng pinigil mismo.

Saan nga ba ako pupulutin ngayon? Imposibleng magkasya ang perant naipon ko sa isang taon na renta, at kailangan ko na talaga magtrabaho agad agad.

Huminto ang tricycle sa sakayan ng bus, at kumuha ako ng one hundred peso bill sa akin wallet.

"Kuya.. sa oras na may nagtanong sa'yo kung saan mo ako hinatid.. pwede ba na ang isagot mo ay sa may tulay at hindi mo na alam kung saan ako pumunta?" Pakiusap ko. Natigilan ang tricycle driver pero umo-o na lamang ito at hindi nagtanong.

Hinintay ko na makaalis ang tricycle driver saka ako naghanap ng comfort room sa may pilahan ng bus.

Pinalitan ko agad ang aking damit upang hindi makilala saka ako lumabas upang sumakay ng bus. Bahala na siguro... Ang DIYOS kung saan Niya ako dadalhin?

Umupo ako agad sa may pinakadulong parte ng bus, at tumingin sa may bintana. Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos kong umalis sa bahay na nirerentahan ko? Mamaya pulutin na ako sa kangkungan nito!

"Hays. Bakit ba kasi ako nangialam kina boss.. langyang buhay naman ito.." iritang sabi ko sa sarili ko. Nakatingin lamang ako sa bintana at nakita ko 'yong konduktor na nagtatawag pa rin ng pasahero.

"Masama akong tao bakit ko ba ginawa 'yon? Dapat pinabayaan ko na lang 'yong mga babae na 'yun! Edi sana okey ako at hindi magiging gala at baka mas malala maging pulubi pa ako.." reklamo ko sa sarili ko. Siguro talaga mahilig akong mangialam, pero hindi ako chismosa katulad ng iba dyan.

Nakakainis! Napakamalas ko talaga! Siguro kasi sobra ang sama ng loob ng nanay ko habang pinagbubuntis ako.

"Grabe na talagang pasakit itong binibigay mo sa akin LORD! kung may Diyos man! Bakit sila mahal mo at pinagpapala pero heto ako grabe na talaga! Napakamalas ko!" Iritang sabi ko. Napapasabunot na ako sa buhok ko at naramdaman ko na umandar na ang sasakyan. Kasabay niyon ay may umupo sa tabi ko.

Nakakainis 'tong buhay ko! Ano ba ang kasalanan ko sa Diyos? Bakit ganito ginagawa Niya sa akin?

"Problemado ka?" Nakangiting tanong sa akin ng lalaking tumabi sa akin. Napairap ako sa kawalan at tiningnan siya ng masama ang tingin.

Alam ko naman na maganda ako pero mukha itong anghel kaya baka masunog pa ako dahil sa kanya!

"Pake mo?" Galit na sagot ko. Ngumiti lamang ito saka tumingin sa harapan.

"Haha may pake 'yong tao na nagsugo sa akin dito. Puro ka daw kasi reklamo tapos sinisisi mo pa Siya sa pasakit na nangyayari sa'yo.." nakangiting sabi niya sa akin. Nakasuot ito ng puting t-shirt at nakapantalon.

Daig pa ang seminarista!

"Kailan ako nagreklamo ha sino ba 'yan?" Iritableng sagot ko sa kanya. Natawa naman ito ng makita niya ang kagandahan ko. Mukha na pala akong clown?

Hoy! Mister may nakakatawa ba?

"Kanina kasi nagrereklamo ka sa Kanya.. na grabe na ang pasakit na binibigay Niya.." sagot nito sa akin. Natigilan ako sa sinagot niya sa akin.

"Galing mo naman gumawa ng kwento.." galit-galitan ko na sagot sa lalaking mukhang anghel.

Mukhang anghel nga pakialamero naman.

"Kanina lang nagrereklamo ka habang sinasabunutan mo ang sarili mo sa sobrang inis. Tandaan mo, hindi ang DIYOS ang gumagawa ng pasakit mo dito sa mundo.." pahayag niya sa akin.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin. Pero kanina lang siya tumabi sa akin?

Paano kung kanina pa pala siya nasa likod ko tapos saka siya nagsabi ng ganito! Modus 'to! Akala niya siguro makukuha niya ang seksi kong katawan.

Sorry na lang pero kahit pvta ako sa Manila. Choosy ako sa kinakalantari ko nuh?

"Ang ingay mo, hindi naman ito modus.." nakakamot na sabi niya sa akin. Napasinghap ako sabay hawak ng aking precious lips!

Manghuhula kaya ito?

"Ang DIYOS ay tapat, at ang lahat ng pagsubok na kinakaharap mo ngayon ay upang mapatatag ka mismo. Malalaman mo din ang lahat Lena.." sagot niya sa akin.

---
EFESO 6:12

Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid

ALWAYS WEAR THE ARMOR OF GOD :)

Liwanag sa madilim na nakaraanWhere stories live. Discover now