3

15 2 0
                                    

MALAKAS na sounds sa bar ngayon ang nagpapasakit sa tenga ko. Suot na suot ko ang hapit kong damit, na binili ko sa ukayan ng kapit-bahay kong chismosa.

Laking pasasalamat ko at nakalibre pa ako ng ibang damit dahil loyal customer niya daw ako. Sabagay loyal din siyang chismosa sa buhay ko kaya give and take.

Hawak-hawak ang 'san mig light' na walang kadating-dating. Tumabi ako sa customer na nag-table sa akin.

Kung mamalasin nga naman, mapera nga pero amoy putok naman. Jusmiyo! Kanina ko pa gustong umalis, nakailang sigarilyo na nga ako at heto amoy na amoy ko pa rin siya.

Bakit kasi sa lahat ng kaputukan sinalo niya lahat?

Kung malas ako sa buhay ko, siya malas siya dahil sa sobrang bango niya haha

"I want another bucket!" Sigaw ng kurimaw sa akin, ngumiti ako ng pilit at kinindatan siya.

Okay na rin 'to at least maraming benta ang bar ngayon. Isa kasi sa kailangan gawin namin ay aliwin ang mga lasinggero upang mas marami silang bilhin sa bar.

"Magda, aba buti buhay ka pa!" Natatawa na sabi sa akin ni Kolokoy. Kalbo siya at may limang piraso na buhok sa ulo niya. Kolokoy din ang pagmumukha e yong tipong kapag nakita mo walang gagawin na mabuti pero 'wag ka haha isa itong hinayupak na ito sa maasahan ko sa buhay ko.

Parate niya akong pinapautang kapag nangangailangan ako. Kaya okay na siguro pagtiyagaan siya.

"Eh kung pabugahan kita ng hangin sa kanya! Dalian mo nga at baka mahugot ko yang limang piraso mong buhok!" Iritang sabi ko, nagmadali naman ito agad.

Isa talaga sa rules ng bar, ay padamihan ng kita, katunggali ko pa naman ang mahaderang si Ani. Akala mo kay ganda ang itim naman ng kuyukot!

"Hahaha Magda.. condolence.." narinig kong sabi ng mahaderang Ani na nakangisi habang hawak ang kanyang Marlboro na sigarilyo.

"Gwapo ang nakatable sa akin at mabango!" Nang-iinggit na sabi niya sa akin. Umirap ako sa kanya.

Akala niya ba maiinggit ako sa customer niya? I'm beautiful with a heart ha.

"Hahaha goodluck.. nakasama ko nga 'yan sa may sogo diyan sa tabe.. nakakalungkot at jutay pero okay naman na.. at least madatong.." pang-iirita ko sa kanya nakita ko na sumimangot siya at tumingin sa customer niyang halos nakahiga na sa upuan. Umirap siya sa akin habang papaalis.


Akala niya naman maiinggit ako sa customer niya e hindi naman mayaman 'yon. At saka bakit ako maiinggit parehas pa rin naman kaming nagbebenta ng laman e.

Pumasok ako sa isang pintuan na tagong-tago sa bar. Naglakad ako ng mabilis sa hallway para makarating sa destinasyon ko.

At ang dulo naman niyon ay isa pang pintuan na konektado mismo sa bar na pinapasukan ko. Matagal na ako dito kaya sa akin na pinamahala ng boss ko ang mga nilalakad niya dito.

Ito ang isang malaking sekreto sa bar, dito dinadala ang mga kinikidnap na babae. Pero isa sa utos ko na huwag silang kukuha ng menor de edad. May mga babae naman na nagkukusang punta para kumita.

Nakita ko si Togie na nagsisigarilyo sa isang sulok. Daig niya pa ang na-tyugi dahil sa itsura niya. Napatingin siya sa akin at sumenyas na lumapit ako. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya.

"Nasaan na ang mga babae?" Tanong ko sa kanya. Tumango lamang ito, ibang klase kausap. Kailangan ba namin magsign language para magkaintindihan?

"Nandiyan na. Inaasikaso na sila ngayon.." seryosong sagot niya sa akin. Narinig ko ang iyakan ng mga babae na nasa baba pa ng pasilyo. Umiiling na lamang si Togie dahil sa iyak ng mga nakuha nila


"Sana hindi na ito mabulilyaso! Ilang beses na tayong nararadar ng mga pulis!" Iritadong sabi niya sa akin tumango ako. Konti na lang kasi ang natitirang branch ng bar dahil parateng may nagsusumbong sa pulis. Nahuhuli sila parate sa akto.

"Kung sino talaga yan papatayin ko 'yan!" Galit na sabi niya. Tumahimik na lamang ako sa sinasabi niya sa akin.

Kilala naman siyang magagalitin at saka bakit ako matatakot e tao lang naman siya. Namamatay naman ang tao kahit anong mangyari.

Narinig ko na papaakyat na ang mga nakua nilang babae at bumibilis ang tibok ng puso ko. Daig pa na lalabas mismo sa rib cage ko.

"Magaganda ang mga nakuha ngayon.. konti lang ang mga batang pulubi.." kwento niya sa akin tumango na lamang ako bilang sang-ayon.


"Marami ang gustong bumili, yung iba para sa libog, yung iba para sa mga organs.." dagdag niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam na kumukuha din pala sila ng organs ng tao.

"Oh hindi mo alam? Kaya malaki itong kita ng bar kasi isa tayo ang nagbebenta ng heart, kidney o kahit anong organ na kailangan ng mga taga-ibang bansa.." kwento niya sa akin. Mas lalong lumabas ang mga pawis ko sa mga nalaman ko. Ang tagal ko na dito pero ngayon ko lang nalaman.

Nakita ko na nagsi-akyatan na ang mga nakuha nila at halos nanlumo ako na may mga menor akong nakita. Alam niyang ayaw ko sa menor na kinukuha nila dahil bata pa sila.

Nagpapatawa ba ako sa sarili ko? Ano ba ang pinagkaiba ng bata sa matanda?

"Pasensya na Magda.. bilin ito ni boss e na damihan ang menor de edad na magaganda.. sana walang personalan.." nakangising sabi niya sa akin at halatang nang-aasar pa.

Akala mo ba kinagwapo mo ang pagngisi mo? Sarap sipain!

"Minsan napapaisip ako baka ikaw ang nagsusumbong sa mga pulis e pero matagal na tayong magkasama kaya nawawala ang hinala ko sayo.." nakangising dagdag niya pa. Tinapon niya ang sigarilyo niya at tinapakan iyon.

"Alam kong hindi mo ako kakataluhin, dahil parehas naman tayo ng daloy ng bituka.. ikaw nabubuhay ka sa pagiging puta, ako nabubuhay ako sa pagbebenta ng mga batang babae.." dagdag niya sa akin at tumalikod na siya. Nakita ko ang mga umiiyak na bata na nakatingin sa akin. Humihingi sila ng tulong pero tumalikod ako.

Hindi ko kayang tulungan sila dahil mismong sarili ko hindi ko kayang iahon.

Pagkaalis ko sa bar, ay sumakto ang pagdating ng mga pulis doon. Nagtago ako sa isang gilid para makita kung ano nga ba ang nangyayari. Narinig ko ang sigawan ng mga tao, ng na-raid iyon ngayong araw.

Hindi ko alam bakit nangyari ito?

Ilang beses ko na bang ginawa ito? Ang tanga ko dahil sigurado na akong mawawalan na ako ng trabaho.

Sana maiahon ko ang sarili ko sa tanikalang nakakabit sa akin. Kung paano naiahon nila ang sarili nila.

Wala akong karapatan maging masaya dahil kakambal ko ang dilim. Ang dilim ng buhay ko, na mismong bumubulag sa akin sa liwanag na gusto kong mangyari.




Liwanag sa madilim na nakaraanWhere stories live. Discover now