Kabanata- 5.

5.6K 169 13
                                    

Curios na ba kayo sa librong ‘yun? Balikan niyo ang Book 1: Busaw, Unang Pagsibol, Chapter-   Cărți de Remediu at ito ang link kasi nakaprivate siya- http://www.wattpad.com/53463800-manuel-ang-busaw-c%C4%83r%C8%9Bi-de-remediu  Pwede niyo ring icheck sa wall ko, dun’ pwede nyong iclick ang link na ‘yan. 

Anyway, paano na’to... liar mode ang dalawa ^____^

 

 

 

 

Abraham’s pov...

“Itigil mo na ‘yan.” napalingon ako sa boses na sumulpot sa likuran ko at paglingon ko nga’y nakita ko na ngang papalapit na ang kapatid ko habang may hawak-hawak na inumin. Sumandal siya sa nagsisilbing haligi ng balkonahe at tiningnan ako. “Interesado ka sa babaeng ‘yun hindi ba?”

Tinitigan ko lamang ang mukha ng kapatid ko at nilagok ang natitirang laman ng baso ko. Bumuntong hininga ako at tumingin sa madilim na paligid.

 

“Naisip mo ba kung anong magiging buhay natin mga sampung taon mula ngayon... mga dalawampung taon?” anas ko habang nakayukong pinagmamasdan ang gabi.

 

“Now you’re saying nonsense Abraham.” aniya sa madiing boses.

Napalingon ako sa kanya at napakunot noo. Alam ko na ang takbo nang isipan ng isang ‘to, minsan lang akong tawagin sa totoo kong pangalan. Sa mga pagkakataong galit siya o may pinag-uusapang seryoso.

 

“Alamu’ meyron sa babaeng ‘yun na gusto kong malaman.” muli na naman niyang sambit. Bahagya siyang ngumiti nang magsalubong ang mga mata namin. “I guess alam mo rin ang sinasabi ko, hindi ko mabasa ang pagkatao niya... so better to do something.” bulong niya at iniwan na ako.

Nasundan ko siya nang tingin hanggang mapatayo na ako nang maayos.

 

“Anong sabi mo Althea?” seryoso na rin ang boses ko habang inaarok ang isipan ng kapatid ko.

Kumaway lang siya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

 

“Magpahinga ka na mahal kong kapatid...” kaway pa rin niya at biglang nawala sa paningin ko.

 

“Tsk!” napailing na lamang ako at patakbong nilapitan ang kinatatayuan niya kanina.

Tahimik kong inamoy-amoy ang kanyang bango saka mabilis na rin akong lumabas ng bahay. Susundan ko siya dahil kilala ko na si Althea. Sa buong angkan ng busaw ay ito lang ang ‘di sumusunod sa anumang batas na ipinapatupad ni lolo at ni ama. Iniisip siguro niya na pagbibigyan siya sa lahat ng bagay dahil magiging prinsesa rin siya balang araw.

Napailing na naman ako habang payukong nakatayo sa bubungan ng isang bahay. Inaamoy ko pa rin ang bango ni Althea na naghalo na sa simoy ng hangin.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawWhere stories live. Discover now