Kabanata- 17.

3.9K 158 12
                                    

Abraham's pov

       

          Pangatlong araw ko na 'tong nasa bahay lamang ni Ben. 'Di ko alam pero mas gumagaan ang pakiramdam ko rito keysa ang manatili sa bahay namin sa Maguellas lalong-lalo na sa Ukbiran.

Ahhh, ano ba 'tong napasukan ko? Himutok ng isipan ko kaya 'di ko rin mapigilang ang 'di mapabuntong hininga ng malalim.

 

"Malayo ang tingin..." nanunuksong lapit ng kaibigan ko. Napailing naman akong sinulyapan siya pagkaupo niya sa tabi ko at inilapit sa akin ang isang tasa ng inumin. "Pare natatawa ako sa'yo, iba ka ngayon..." ngiti niyang napapailing. "Ibang-iba ka ngayon."

 

"Kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko, magiging panatag ba ang loob mo?" paanas ko lamang na tugon sa kanya.

 

"Bakit hindi, bakit aayawan ko ang isang gantimpala... isang gantimpalang napakaganda." panunukso pa rin niya. 'Di kasi lingid sa kaibigan ko ang pinoproblema ko ngayon. "Pero alamu', bakit ka nagkakaganyan... dahil sa hindi ka sigurado sa nararamdaman mo." tapik niya sa balikat ko. "Dahil sa iba ang gusto ng puso mo."

Napayuko akong napailing sa sinabi ng katabi ko. Key' galing magsalita eh problema nga niya sa mga prutas niya'y naghihimutok na. Sa nararamdaman pa kaya.

 

"Tigilan mo nga ako sa pasaring mo na 'yan, ideliver mo ng mga prutas mo at nang makapanghuli na tayo mamaya." sabay lagok ko sa umuusok ko pang inumin. "Dumaan ka lang sa bahay, silipin mo lang kung napadaan ba 'run si Althea... nauna pa 'yung bumaba sa akin pero hanggang ngayon eh 'di pa kami nagkikita." bilin ko sa kanya.

Umiling-iling naman itong tumayo.

"Nakuw' tungkol diyan sa balahura mong kapatid eh bahala kang maghanap... baka kainin lang ako 'nun." tanggi nito at lumabas na ng kusina. "Bahala ka na rito, makikibalita na lang ako kung nauwi na ba sa abroad si... si Savannah." sabay ngiti ng napakalapad at sumaludo pa sa akin.

Napapailing ulit akong tinanaw si Ben na tinatakbo na ang kanyang pick-up.

Simula nang umalis dito ang babaeng 'yun ay hindi na niya ako tinantanan sa kakatukso. Lagi na lang niyang sinasabing nahulog na raw ang loob ko 'dun pero imposible naman. May iba na kasing nakatalaga sa akin at walang iba kundi' si...

Muli na naman akong napabuntong hininga at napatingin sa mga punong kahoy. Kaya pala ilang beses niyang sinabi sa akin na, baka 'di ko magustuhan kung malalaman ko ang maging takbo ng kapalaran ko...

Kaya pala.

         Nakikipagsabayan akong tumakbo ngayon sa paglubog ng araw. Gusto kong bago lumapat ang dilim ay makauwi na ako ng Ukbiran. Sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat nang napagdaanan ko para lang makarating sa Lawa ng Balbua at mahanap si Akilasha. At ngayong pabalik na ako sa pamilya ko, sa mga kalahi ko, sa lugar na maaari kong angkinin ay wala akong dalang lunas kundi' ang salita lamang ni Akilasha.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawWhere stories live. Discover now