Kabanata- 23

3.8K 146 16
                                    

         


         Tahimik na ang buong Ukbiran at kanina pa nakaalis sina Savannah. Sinadya kong hindi muna magpakita sa isa man sa kanila. 'Di ko alam, ayuko' lang. Pakiramdam ko'y wala akong mukhang ihaharap sa kanilang dalawa. Pagkalito para kay Savannah at hiya naman kay Aveluan.


Napakalalim na ng gabi pero nandito pa rin ako sa pampang. 'Di ako makatulog, wala rin deriksyon ang mga pinag-iisip ko ngayon. Basta, naiinis ako, nanggigigil sa nangyari. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sa kanya pero naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para ilagay sa tamang pagkalagyan ang lahat ng bagay.


Ahhh Savannah!


Napailing ako at nasapo ko ang ulo ko. Gusto kong magwala, gusto kong isigaw ang nararamdaman kong inis pero 'di ko naman magawa. Isa pa'to, bakit ba napakaduwag ko kung nararamdaman na ang pinag-uusapan.


"Huh!" bulalas ko at tumayo.


Nanganganay na ako sa pagkakaupo pero wala pa ring nangyari sa akin, uuwi na lang ako.


Paalis na ako nang masulyapan ko ang batong naging saksi sa pag-angkin ko sa kanya at muli ay napatiim-bagang ako. Hahayaan ko na lang ba siyang umalis pagkatapos ng lahat?


Ahhh Abraham, bahala ka! Galit na sigaw ng isipan ko sa sarili ko.


'Di ko kasi alam kung papaano ko babawiin ang pagpayag ko na ang buong talindawang ang nakasaksi at si Aveluan, kaya ko ba siyang pahiyain? Napabuntong hininga na naman ako nang malalim at lalong gumulo ang utak ko.


Patingala akong naglalakad habang hinihilot-hilot ko ang sintido ko pabalik sa bahay nang matigilan ako at mapatingin sa paligid. Pinakiramdaman ko at sinuyod ko ang abot nang nakikita ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, parang may 'di tama sa pagkakataong ito. Pero nang wala naman akong makita'y nagpatuloy ako sa paglalakad.


Natatanaw ko na ang malaking bahay namin nang mapatingala ako dahil sa usok na nagmumula sa harapang bahagi ng kabahayan. Bumagal tuloy ang paglalakad ko dahil inusisa ko ito. Pero nang unti-unti ring mawala ay nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.


Baka nagmula lang 'yun sa malaking siga na ginawa nila kaninang pag-alis ng mga kababaihan. Sabi ko na lang sa sarili ko.


Pinili kong dumaan sa kusina ng bahay.


Pagpasok ko pa lang ay bumungad na sa akin ang katahimikan nito. Pati ba si Guada ay nagpahinga na rin? Pansin ko sa mayor doma ng mga naninilbihan. Kilala ko na ang ginang na 'yun, halos 'di 'yun pumapasok sa sariling silid hangga't 'di nagbubukang liwayway. Ugali na kasi niyang isa-ayos lahat ang mga lulutuin at ihahanda kinabukasan bago niya ipagkatiwala sa ibang naninilbihan.


Papanhik na ako nang makarinig na nga ako ng kaluskos sa labas ng bahay kaya 'di na ako nagdalawang isip pa. Agad akong bumalik at lumabas ng bahay, alam kong may nangyayari nang kakaiba.


Pina-iral ko na ang kapangyarihan kong makakita sa dilim at sinuyod ko na ang buong paligid nang...

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawWhere stories live. Discover now