Kabanata- 7.

9.3K 175 16
                                    



Pagkarating ko ng Ukbiran ay pasikreto kong pinuntahan ang aming mulenluwa, ang nag-iisang manghuhula ng aming lahi. Inikot ko ang ilog dahil sa paanan pa nito ang tinitirhan ng matandang babaeng busaw. Mas pinili niyang bahagyang mapalayo sa aming mga busaw para raw sa ikakatagal ng kanyang tinataglay na kapangyarihan. Gayun pa man ay 'di siya nalilimutan ng pinuno at ni ama, maya't maya ay pinapadalhan siya ng pagkain at kung anu-ano pang mga kakailanganin niya.


Tok! Tok, tok....


Mahina kong katok sa pintuan niya. 'Di nga nagtagal ay marahan na itong bumukas at sumilip na ang matanda.

"Tumuloy ka iho... nakapagpa-init na ako nang maiinom natin." aniya sa paos na tinig.


Bahagya akong tamango at tumuloy na sa loob.


Ahhh, ang mga busaw talaga walang maitatago sa kanila, sa amin.

"Apo patawad sa pang-iisturbo ko sa inyo... may gusto lang ho akong malaman." sambit ko sa mababang boses.


Sinulyapan lamang ako ng matanda habang isinasalin niya sa kalawanging baso ang inumin.

"May nakasagupa ho akong sa tingin ko'y mga dayo rito apo," simula ko at tinanaw mula sa bintana ang bukang liwayway. "May kakaiba ho silang tinataglay dahil hindi ko man lang sila naramdaman... a-at may dala silang likido na talaga namang maaaring makapinsala sa atin."

Tahimik lamang na humihigop ang matanda habang nakikinig sa akin at nang tumahimik ako'y marahan niyang inilapag ang kanyang inumin. Iniusog niya nang marahan palapit sa akin ang isa pang baso nang 'di ko kunin ito.

"Ang mga mortal ngayon ay talagang sumibol na ang kanilang katalinuhan... mag-iingat ka dahil isa tayo sa maaari nilang pagplanuhan." aniya at tumingin rin sa naninilaw na liwanag. "Pahiran mo lang ng katas ng dahon ng silsingan ang buo mong katawan para hindi bumisa ang ano mang likidong ginawa nila para sa mga nilalang." tukoy nitong sa isang ligaw na bulaklak na nagkalat lamang sa paligid.

"Salamat po," sagot ko at sinulyapan siya.


May gusto akong itanong pero nagdadalawang isip ako.

"Ahhh apo, may kakilala akong muling nagbalik..." hindi pa ako natatapos ay marahan na siyang umiling.


"Di lahat nang nakikita ay dapat paniwalaan at 'di lahat nang naririnig ay dapat pakinggan..." anas niya at muling kinuha ang inumin. "May naglalaro pa ba sa isipan mo iho?" makahulugan niyang sambit sa akin.

"Gusto ko lang ho malaman ang totoong dahilan nang pagbabalik niya apo..." anas ko at bumuntong hininga. "May kakaiba sa kanya dahil kahit anong pilit ko'y 'di ko kayang pasukin ang isipan niya... p-para maliwanagan na rin po ang sarili ko at maiwasang magkasalubong ulit ang landas namin."


"Ang nais mo'y malaman ang pangkalahatang takbo ng kapalaran niyong dalawa, hindi ba?" titig niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi' ang tumango.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawWhere stories live. Discover now