Kabanata- 26. (The Ending)

6.5K 211 20
                                    



Kakarampot na lamang ng sinag ng araw ang siyang matatanaw mula sa deriksyon ko ngayon. Tahimik lamang akong namimintana sa silid ko habang naririnig at damang-dama ko ang nangyayari sa ibaba.


Nagpapaalam na siya.


Mula nang lumabas ako sa kanyang silid ay hindi na ulit kami nagkita pa. nagkulong na ako rito habang tinatanong ko ang sarili ko. Mahal ko ba siya? 'Di ko alam kung pagmamahal ba ang tawag sa nararamdaman ko pero sinasalungat ito ng isipan ko. Nadagdagan pa sa sinabi ni Aveluan sa akin, nagulat ako at 'di ko aakalain na maiisip niya 'yun para lang kay ama.


Napakuyom ako at napabuntong hininga, pakiramdam ko'y hirap na hirap ang sarili ko sa mga sandaling ito.


"Paano ho maam' alis na ho ako..." narinig ko nang nagpapaalam siya kay ina. "Baka ho mainfect na kasi ang mga sugat ko maam kaya kailangan ko na ring lumuwas." pagpapaliwanag niya.


"Gustuhin ko mang manatili ka na muna iha ay kinakailangan ngang mapaigamot ang mga 'yan... ihahatid ka ba ni Abraham?" tanong ni ina sa kanya.


"Ah eh hindi na ho," agad niyang sagot at 'di ko alam kung bakit may kumirot sa kaibuturan ng puso ko. "Si Anna na lang ho, total payapa na ang lahat."


"O sige, mag-iingat na lamang kayo ah... mag-iingat ka Savannah."


Alam kong nagyakapan ang dalawa kaya bumalik ako sa loob at padapang humiga sa kama ko. Ayuko nang marinig ang kanyang pagpapa-alam pero sadyang minsan ay 'di rin nakakatulong ang magkaroon ng kapangyarihan.


Patuloy ko pa ring naririnig ang kanyang boses hanggang sa pumikit na ako. Ito na nga, tuluyan na siyang aalis.


Paalam Savannah... Anas ng isipan ko habang nakapikit pa rin.


'Di ko matukoy kung anong nararamdaman ko ngayon. Pabaling-baling ako sa paghiga at inaasam na mawala ang samo't saring pakiramdam na naglalagablab sa dibdib ko pero sa bawat patak ng sandali'y lalo lamang sumisidhi ang pangungulila ko sa kanya.


Ahhhhh.... Sigaw naman ngayon ng isipan ko at bigla akong napadilat.


Agad kong tinakbo ang bintana habang nagbabagong-anyo at sa pagsampa ko'y malaya ko na ngang nilundag ang isang puno 'di kalayuan mula sa malaking bahay. Paglapag ko sa isang sanga'y agad rin akong bumaba saka mabilis na silang sinundan. 'Di nga tumagal ay nakikita ko na silang tahimik na naglalakad ni Anna.


Isang lundag ang ginawa ko at pabagsak akong lumapag sa unahan nila.


"Huh!" gulat niyang bulalas at kahit 'di ko siya tingnan ay alam kong napakapit siya sa kasama niya. "May kalaban, may kalaban Anna!" sabi niya habang ako'y tahimik pa ring nakayuko at nang itaas ng babaeng kawal ang dala niyang sulo ay humarap na rin ako sa kanila.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawWhere stories live. Discover now