Kabanata- 19.

4.4K 143 8
                                    




 Kasalukuyan kaming nagpupulong kasama ang mga may katungkulang mga kawal ng Ukbiran. Madaling araw na kasi akong nakarating dito dahil nahirapan akong dalhin ang dalawa, lalo pa't walang malay ang mga ito.

 

"Anak, magpahinga ka na... baka mabinat na naman ang sugat mo." lapit ni ina sa akin at tinignan niya ang mga sugat kong siya rin ang gumamot. "Sige na, susundan kita sa silid mo." pamimilit pa rin ni ina pero umiling lang ako at masuyong siyang nginitian.

 

"Dito na lang muna ako, gusto ko hong marinig ang pag-uusapan nila ama, gusto kong makilala kung sino si Victor at bakit sumalungat ito sa ating angkan." sagot ko sa kanya pero agad ko rin siyang nahawakan nang maalala ko si  Ben. "Ina... may pumunta na ba 'run kay Ben, kahit man lang mabigyan siya ng maayos na libing." sumilay na naman ang lungkot sa mga mata ko pero 'di ko na ito ipinahalata sa mga nakakarinig sa akin.

 

"Shhhh... kanina pa anak, kanina pa." anas niya at umupo na sa tabi ko. Natahimik na rin ako at natuon na ang atensyon namin sa pinag-uusapan nila at nang marinig ni ina ang pangalang Victor ay napakunot noo siya at nilingon si amang nakikipagpulong sa mga kawal. "Nakita ko na minsan ang Victor na 'yun, ok naman siya pero maangas talaga ang pagmumukha." pagkukwento ni ina sa akin. "Nung matapos ang matinding labanan, lolo mo kasama kaming pamilya niya laban sa dating hari ng talindawang eh parang 'di ko na napansin kung saan 'yun napunta, akala ko nga'y namatay 'yun sa labanan."

 

Napatangu-tango ako bilang tugon kay ina pero natahimik na rin kami nang magsalita si Amang Amorsolo.


"Pinsan ko ang ina ni Victor na si Alena habang isang ordinaryong kawal lamang ang kanyang amang si Pablo. Nasa sampung taon o mahigit pang gulang ang batang 'yun nang maulila kaya ipina-ampon na lamang siya sa isang mag-asawang 'di magka-anak." pagkukwento ng matanda. "Pero 'di ko na nasubaybayan ang naging takbo ng buhay niya dahil nga sa nangyari..." lingon niya kay ama na tumango naman.

 

"Kaya siguro ganun' ang pag-uugali ni Victor ama, dahil alam niya sa sarili niyang may dugo rin siyang maharlika." tugon naman ni ama. "Sa kapanahunan namin, tanging siya lamang at ang kanyang mga kaibigan ang patuloy na lumalabag sa nangungunang batas na ipinatupad ng Pinunong Lucas, ang pumatay at kumain ng mortal." kwento pa ni ama. "Minsan na kaming nagkasagupa ni Victor pero hindi naman 'yun nauwi sa labanan, gumawa lang kami ng kasunduan ngunit sinira naman ito ng isa sa mga kaibigan niya, isang nagngangalang Julio." dagdag pa ni ama at tinignan si Amang Amorsolo. "Ama, ano bang paalam at dahilan niya nang 'di siya sumama sa angkan, bakit mas pinili niyang manatili pa rin sa Palao Maturdi?"


Narinig kong tanong ni ama pero napalingon naman ako kay ina nang kalabitin niya ako.


Bumulong ito sa akin.

 

"Alamu' ba ang Palao Maturdi?" tanong nito sa akin kaya umiling naman ako. "Diyan dati nakatira ang buong talindawang pero nang unti-unti nang nabubunyag ang pagkatao natin sa mga mortal ay pinili naming lisanin na lang ang lugar... sayang nga eh, ang dami naming memories ng papa mo." ngiti ni ina sa akin kaya ngumiti rin ako pero ang pandinig ko'y nakatuon sa sinasabi ng matanda.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon