Kabanata- 25

4.7K 169 19
                                    

For Miss casapao_marinel, bhebe dahil sa'yo eh napa-update ako. Ayukong may involve na pera ang pagsusulat ko kaya naguilty naman ako sa sinabi mo. 'Eto na ho, para ho sa inyong lahat.


*********



             Patuloy pa ring naglalaban sa loob habang ako'y marahan nang inilalapag si Savannah sa isang sulok. Kumikirot pa rin ang sugat ko pero kaya ko pa namang tiisin. Pagkalapag ko sa kanya ay mabilis kong sinakop ang kanyang mukha at bahagyang ibinuka ang kanyang bibig. Napapakagat labi ako sa tuwing sumusumpong ang kirot ng sugat ko at nang huminga ako nang malalim ay ramdam na ramdam ko ang pagbulwak ng dugo. Pero 'di ko pinansin 'yun, huminga pa rin ako at sa huli ay binugahan ko ng hininga si Savannah. Alam kong kahit papaano'y makakatulong sa kanya 'yun.


"Haaaaa....!"


Napalingon ako sa loob nang marinig kong napasigaw si ama, kaya kahit ayuko' mang iwanan siya'y napilitan akong tumayo.


Mabilis kong tinakbo ang bungad ng pintuan pero papasok pa lamang ako nang masalo ko si Althea'ng natapon sa deriksyon ko.


"Ang hirap patayin ng isang to'!" bulalas niya at susugurin sana ulit si Benjar na pinagtutulungan na ng dalawang babaeng kawal ngayon pero pinigilan ko siya.


"Ako na, pahilumin mo muna ang sugat ko sa likuran." anas ko sa kanya habang pinag-aaralan ang mga galaw ni Ben. Parang asong ulol ito kung makipaglaban pero pipilitin kong maibalik siya sa kanyang tunay na katauhan. "Sige na, wala na tayong oras Althea." pansin ko nang hindi pa rin niya dinidilaan ang sugat ko.


"Teka! Pinapalabas ko lang ang talaytay ng Victor na 'yan, hindi ito nakukuha sa gamutan natin!" sagot ng kapatid ko at napakunot noo ako nang lalong kumirot ito. "Kunting tiis lang, 'eto na... lumalabas na..." anas niya habang pinipisil pa rin ang sugat ko pero 'di pa natatapos ang ginagawa ng kapatid ko sa akin ay tumilapon naman si Aveluan sa deriksyon namin.


"Ahhhhh!" sigaw nito at pilit na kumakawala sa akin. "Papatayin kita!" sigaw niya sa babaeng katunggali. Hindi ko man nakita ang boses babaeng nagpasakit kay Savannah pero alam kong 'eto nga siya. "Abraham bitiwan mo'ko!" sigaw niya kaya hinayaan ko na lang at binalingan si Althea.


"Kaya ko na, tulungan mo si ama at ako nang bahala kay Ben." sabi ko at nagmamadaling sinunggaban ang kaibigan ko na tutuklawin sana ang isang babaeng kawal na nakatalikod sa kanya. "Emp, Ben! Ako 'to si Abraham!" bulalas ko sa kanya nang sabay kaming bumagsak sa isang sulok pero isang malaks na tulak ang isinagot niya sa akin sabay ang pagpulupot ng dila niya sa leeg ko. "Hemmm.... emmmm!" anas ko habang nakikipaglaban sa kanyang lakas at nang hindi ko talaga maalis ang dila niya sa leeg ko'y may sumigaw.


"Ilaw, pailawin niyo ang paligid! Takot sila sa liwanag!" sigaw ni ama kaya 'di nga nagtagal ay biglang lumiwanag ang paligid.


Ramdam na ramdam ko ang panghihina ni Ben kaya 'di nga nagtagal ay kusang umurong ang kanyang dila at tinangka pang takbuhin ang pintuan nang masunggaban ko siya sa paa.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon