Kabanata 3

1.5K 47 5
                                    

It’s my off and I am the most generous neighbor at all time. Nagkasama na naman kaming dalawa sa gym, at sa pagkakaalam ko lagi daw siya do’n. That’s what Fred said. I cooked a sinigang and it taste so good.

I kissed my fingers, “Ang sarap,” sambit ko. Nakangiti ako habang nilaglagyan ng sabaw ang isang mangkok na may lamang karne. This is for Cholo. Bibigyan ko siya ng ulam. I bun my hair, I am wearing a oversize shirt, above the knee paired with my bunny slippers. Lumabas ako sa unit, huminto ako sa tapat ng unit niya.

I composed myself, clearing my throat, “Uhmm…” I pushed the door bell once, then when he is not yet coming out I pressed it twice. Napanguso ako habang tinitingnan ang mabangong ulam na niluto ko. Akma na akong tatalikod nang bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan niya. Napa- O ang bibig sa gulat.

Hindi pa niya tuluyang nabubuksan ang pinto ay nakangiti ako ng matamis.

Matapos niya akong makita ay nawala sa timpla ang mukha niya. His soft face become so hard, kasing tigas ng bato. Lumabas siya at sinarado ang kaniyang pinto na tila ay may tinatago.

He roamed his eyes, I also did. Wala namang tao.

“What are you doing here?” he asked.

Pinalapit ko sa kaniya ang isang mangkok, “Dahil mabait akong kapitbahay, ipinagluto kita ng sinigang!” masaya kong sambit. Malamig niyang tiningnan ang mainit kong putahe. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“I never ask you to be a nice neighbor, Delos Santos. Get rid of me,” he answered using his cold voice. Tinalikuran niya ako at binuksan ang pintuan niya para pumasok. I gripped his shirt. Pinigilan ko siya habang nakalabi.

“Sayang naman ‘tong niluto ko, sinarapan ko pa naman ‘to, Cholo. Hindi ka man lang ba nako-konsensya?” mahina kong tanong. I was in a urge of crying when I saw him messes his hair. He took a deep breathe. Humarap siya sa ‘kin gamit ang iritable niyang mukha.

“Why would I?” he raised his brow at me. Nakakunot ang noo niya, “Hindi ko naman sinabi na ipagluto mo ako. You are doing this on purpose, aren’t you?” naiinis niyang tanong.

Uminit ang paligid ng mga mata ko habang nakatitig sa kaniya, “No, of course not! Gusto ko lang naman na maging mabait sa ‘yo, why can’t you do the same?” I rolled my eyes.

“Because I am not kind like you, so don’t dictate me what to do after doing good things!” matigas niyang sambit. Gusto ko pa sanang umangal ng bigla niyang agawin sa kamay ko ang sinigang. Hindi ko kaagad nabitawan ‘yon kaya ang kinalabasan ay nabuhusan ang pulsuhan niya. Mainit ‘yon dahil kaluluto lang. Hindi man lang siya dumaing, alam kong masakit ‘yon.

“T-Teka!” pigil ko sa kaniya. Hindi na siya lumingon at tuluyan ng sinarado ang pinto. Napanguso ako habang tinititigan ang nakasarang pintuan, “Mahapdi kaya ‘yon,” bulong ko. Ilang ulit ko pang pinindot ang doorbell pero hindi na niya ito binuksan ulit, “Ang suplado takaga ng kapita bahay ko.”

Bumalik na ako sa unit para kumain. Inuna ko pa talaga siya para sa sarili ko tapos pagsusuplado lang din naman ang inabot ko sa kaniya.

After kong kumain ay napagdesisyonan kong dalawin si mommy. Nakasuot lang ako ng simpleng shirt at shorts. Wala naman akong balak mamasyal dahil gusto kong magpahinga. I stopped in front of a huge house. Ang tirik ng gate, ultimong magnanakaw hindi makakapasok o kaya ay makakaakyat. I pushed the horn twice, she has his maids and guards here.

Pagbukas ng gate ay pinasok ko na ang kotse ko. Nakuha ko ‘to since I was 18, ito ‘yong gift ni dad sa ‘kin kahit na wala na siya. Imagine, ‘yong regalo niya naka-reserve lang pero siya wala na.

DS #4: Our Bloody Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon