Kabanata 31

975 32 5
                                    

Pri's POV

I've been hard to him, yes. Natatakot ako na baka ano pa ang mangyari sa 'kin, sa mommy ko at kay Phoenix. Hindi lang sarili ko ang pinoprotektahan ko.

Hinayaan ko ang mga guards na pakalat-kalat. Nagtataka na sa 'kin ang mga nurses at facilities pero nag-explain naman na ako sa chairman. I never seen Cholo ever again.

Tama na rin siguro ang naging desisyon ko. Tipid akong ngumiti at isinandal ang sarili pader. I am emotional and mentally exhausted. Ang bilis kong mapagod nitong nakaraang araw.

Nakarinig ako ng pagkatok sa quarters ko. I saw Nurse Lee and John outside. Napangiti ako.

"Pasok!" ani ko, "Wala ba kayong trabaho?" tanong ko sa kanila. I tried so hard to be happy but my lips is not cooperating. It ends up falling into straight line.

"Break namin. Hindi ka pa kumakain kaya dinalhan ka namin mi Nurse!" itinaas niya ang pamilyaw na plastic container sa loob ng supot.

"Doc, dapat kumain ka sa tamang oras. Hayaan mo 'yang pananakot sa 'yo, tingnan mo," itinuro niya ang mga guards na nasa labas, "Ang dami nila. Mahahawakan ka pa ba no'n?" tanong niya.

Tumayo ako mula sa kama at nagpunta sa harapan ng mesa kung saan nilalapag ni Nurse Lee ang mga pagkain.

"Tama siya, Doc. Tsaka andito lang kami para sa 'yo," kinurot ni Nurse Lee ang pisngi ko. I feel shallow.

Huminga ako ng malalim. Ito din 'yong mga pagkain na binibili lagi ni Cholo. The container are from the same restaurant.

"Kumain ka na, Doc."

Kahit wala akong gana ay kumain ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko malunok-lunok, parang ang laki-laki ng nasa bibig ko. Biglang nangilid ang mga luha ko. I wiped it in advance. Ayoko naman na makita nila na umiiyak ako.

Biglang may lumapag na tissue sa harapan ko. Bigla akong natawa kasabay ng pag-iyak.

"D-Did Cholo sent this?" I asked, stuttering. Natigilan silang dalawa sa pagnguya at nagtinginan.

"Nagtatanong kasi siya kung kumain ka na daw, sabi ko konti lang kinain mo." Napalabi siya, "Kaya pinadalhan niya kami ng pagkain para ayain ka," she said. Lalong sumikip ang dibdib ko. My shoulders shaken.

"That's my fault, nag-uusap kami sa labas," he answered to cover Nurse Lee. Umiling ako. It's not their fault.

"Am I too hard?" wala pigil na tanong ko. Gusto kong sabihin nila sa 'kin ang totoo. I know some of them are judging me.

"Pri, sa tingin ko naman nakapag-isip-isip ka na. You are old enough to make decisions," he answer with all sincerity. Tipid akong ngumiti at pinunasan ang mga luha ko.

"And I think, you can give him a chance. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kagusto na puntahan ka," marahang sagot niya. Suminghot ako at tumingin sa labas ng pinto. I saw two guards outside.

"At alam kong puprotektahan ka niya," dagdag pa ni Nurse John. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Napahilamos ako ng sariling kamay.

Ang totoo, kahit gaano ko siya ka-miss ay hindi ko magawang tumingin sa kaniya. All I thought, he will give me this fear dahil siya ang rason kung bakit binabalikan ako ng mga kalaban niya. Napaismid ako.

DS #4: Our Bloody Life Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang