Kabanata 38

1.2K 47 11
                                    

Ibang-iba ang mukha niya. Mahaba na ang buhok niya. Naestawa ako sa kinatatayuan ko. Lumandas ang mga luha ko.

"Seems like you are fine now. I got your medicine there," sabi niya sabay turo ng side table sa kama ko. I didn't cut my sight at him, "Uuwi na ako. Kailangan kong bumalik sa trabaho."

He turned his back at me. Kumuyom ang kamao kong may sugat. Hindi ko napansin na nagkaroon pala ako nito. Ilang hakbang ang nagawa niya ng tawagin ko siya.

"C-Cholo," napahikbi ako. Ilang buwan ko siya hinintay, ngayon lang siya nagpakita dahil naglasing ako. Lumingon siya sa 'kin.

He brows shot above the ceiling, "I already called your brother to be here," he uttered seriously.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" buong tapang kong tanong. Lumakas ang iyak ko. Humapdi ng husto ang sugat ko dahil pagyukom. Wala akong pakialam. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Napaismid ako. I wiped my tears, "Ilang buwan kitang hinintay!"

"Simply, I'm not selfish anymore," he answered. Napayuko ako habang nanginginig ang mga labi. Napapikit ako, "After that incident I already think about it, as what you've said I should distance myself," he added.

Parang bumalik lahat ng sinabi ko sa kaniya. Ang mga masasakit na salita dahil sa galit at takot.

"P-Pero galit lang ako no'n!" I raised my voice, turning my blurry sight at her. I feel like fighting for nothing.

"Galit ka man o hindi, that make sense," tugon niya. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papaalis. Tumakbo ako para habolin siya. Hinawakan ko ang coat na kulay abo na suot niya. Napahinto siya.

"H-Hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko. I nibbled my lower lip waiting for his answer. Napatakip ako ng bibig nang walang matanggap na sagot sa kaniya. He pulled his coat back, "C-Cholo, naman!" I clasped my fingers together.

"Stop it, you're wasting my time again," mahina niyang sabi. Nabasag ang puso ko lalo. Sumikip ang dibdib ko. I held my chest while crying.

"Cholo, mahal na mahal kita!" sigaw ko. I let my tears fell. Basang-basa ang mukha ko, "I'm sorry! Sorry kung sinisi kita sa nangyari," sambit ko.

"It's fine. That's really my fault. 'Wag mo nang aalahanin 'yon." Hindi pa rin nawala ang panlalamig sa boses niya. Humikbi ako.

"S-Sorry na please..." I hold his hands. Nakita kong dumugo ang sugat ko. I kneeled my knees, "Cholo, bumalik ka na. I miss you! I miss you!"

His eyes widened. Hinila niya ako patayo pero ayoko, "What are you doing?! Are you that desperate again?" he asked, clenching his jaw. Parang mag tumarak na punyak sa dibdib ko.

"Yes, I am!"

His eyes narrowed. Mapakla siyang tumawa, "Ikaw ang naunang nag-iwan sa 'kin! Ilang ulit mong pinaintindi, tinaboy mo ako, Pri!" malakas niyang binawi ang kamay niya sa 'kin. Naiwan akong nakaluhod at umiiyak. Napatakip ako ng buong mukha ang bigat ng dibdib ko.

Tama siya. I did that. Hindi ko inisip na masasaktan siya ng lubos.

"I thought we're fine after that incident. You saved me," I said in shaky voice. Napaupo ako sa sahig.

"I saved you, yes! But that doesn't mean it's fine. Nasasaktan rin ako!" ginulo niya ang buhok niya. He looked frustrated, "I'm not saint, Pri."

"But I still love you," I whispered, "Nasaktan din naman ako." I reasoned out. Siguro nga hindi ito sapat para humupa ang galit niya.

"Move on, Pri. That's what you need," he replied before leaving me sitting on the floor. Malakas akong umiyak. Para akong batang natalo sa laro. Hindi ko matanggap. He's the man I planned to spend my life with pero dahil sa pangyayari nalimutan ko 'yon.

DS #4: Our Bloody Life Where stories live. Discover now