2. Cinderella Version 2.0

50.2K 1.7K 347
                                    

CHAPTER TWO

Limang taon.

Limang taon kaming magkasintahan ni Dylan. Sa limang taong iyon, binalewala pa rin niya ang pinagsamahan naming dalawa. Just for what? For lust. Nakakapanlumo. Masakit sa puso. Hindi ko alam kung paano ko sasanayin ang sarili kong mabuhay sa sakit. The stupid thing is, umaasa pa rin akong hindi iyon ang katapusan.

Maybe, it was still a storm to solidify our relationship. Marami na kaming pinagdaanang dalawa. Baka pwede pang ayusin. If I have to swallow my pride, gagawin ko, just to have him back. Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit mahal ko pa rin?

Because love won't vanish after that. Most of the times, love is a poison, it could kill self-worth. Pakiramdam ko iyon ang nangyayari sa akin ngayon. I just can't let go of that poison.

Isang linggo, sinadya kong hindi magpakita sa kanila ng isang linggo. Hindi ako pumasok sa office at hindi rin ako umuwi sa bahay ni uncle Lucas. Nagpalipas ako sa apartment ni Rainbow. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Kahit ang mismong luha ko sumuko na.

Hindi man lang ako nakatanggap ng texts mula kay Dylan. I'm expecting him to call or text me to explain but he didn't. Hinihintay ko ang paliwanag niya. Wala akong natanggap na kahit ano.

Masaya naman kami. Hindi ba? Kaya nga inalok niya ako ng kasal. Alam kong mahal ako ni Dylan. We were both happy and contented. Ako ba iyong may pagkukulang? I know he has needs, hindi ko pa iyon kayang ibigay sa kanya. Hindi ako ready.

Sabi niya, tanggap niya at makakapaghintay siya hanggang sa maikasal kaming dalawa pero bakit ganoon? He cheated. Dylan cheated. And of all people, he cheated with my cousin Xiana. I felt so betrayed.

Nasasaktan ako pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Sobrang mahal ko si Dylan, umabot sa puntong hindi ko kayang pakawalan. It was a mistake to call off the engagement. Pinairal ko ang aking emosyon. Binigyan ko ng bakante at espasyo para sa iba.

Letting him go is not an option. Ayokong magpadala lang sa galit at sakit dahil baka pagsisihan ko sa huli.

I looked at myself in the full-length mirror. I combed my hair and tied it. Dark brown ang kulay nito at may ilang blonde highlights. Nakasuot ako ng corporate attire.

Balak kong pumasok ngayon sa opisina. Hindi naman habangbuhay na akong magtatago sa kanila dahil nasasaktan ako. I have to face them. Para maayos ko na rin ang gusot sa pagitan namin ni Dylan. Hindi ko nga lang alam kung paano ko pakikitunguhan si Xiana.

I sighed.

Sigurado akong tambak na ang trabaho ko kay uncle Lucas. Alam kong ilang sermon din ang aabutin ko 'pag nagkataon. Istrikto ito at nakatutok sa pagkakamali ko. Isa pa, halos isang linggo akong pumasok. Hindi ko alam ang naghihintay sa akin.

I was eaten by my heartbreak, I couldn't even function.

Stop being so negative, Aramis.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos. I put light make up on my face to look presentable. Tinakpan ko ng concealer ang dark circles sa ilalim ng mata ko. I smiled at myself. Lumabas ang dimple ko sa magkabilang pisngi. Muli akong napahinga nang malalim.

This is it, pansit.

Bumaba ako ng taxi matapos ko itong bayaran. Nagpasalamat din ako sa driver. Kinakabahan ako. My hand was cold sweaty. Gusto ko ngatngatin ang kuko ko sa kaba.

Hinagod ko ng tingin ang sixteen storey building ni Uncle Lucas.

Daily Journal Corporation.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя