4. Uncertainty

49.5K 1.6K 287
                                    

CHAPTER FOUR

"Limang lata ng karne norte, tatlong lata ng meatloaf, dalawang century tuna," I stopped counting the canned goods in the cabinet and sighed. Ibinalik ko uli ito sa sa lagayan. "Mabubuhay naman ako ng ilang linggo,"

Well, mukha akong tanga. Aminado ako roon. Ganito ako kapag may bumabagabag sa akin. I have to do something to divert my attention from it.

I shook my head.

Masakit na nga ang puso ko wala pang pera. I don't know why my uncle and his family hate me so much when in fact, wala naman akong ginawang masama sa kanila para tratuhin ako ng hindi maganda.

Hindi ba ako kamahal-mahal? Umirap ako sa ere at napaismid ako.

Wala na ako sa kompanyang pinamamahalaan ni Lucas Eduardo. Wala akong trabaho. Wala na rin ako sa kanila.

Ano pang ipinuputok ng butsi nila? Why do they have to freeze my account? Wala na naman silang karapatan. It's just that they're superior than me. May pangalan sila sa lipunan, samantalang ako wala. It's just unfair!

Muli akong huminga nang malalim. I have to budget my money properly starting today. Kung hindi, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Baka sa kangkungan. I'm very much thankful that Rainbow trusted me with her silent sanctuary. Kami lang ang nakakaalam ng apartment na ito.

Hindi ito gaanong kalakihan. Tama lang para sa isa hanggang dalawang tao. Malawak ang espasyo nito dahil kaunti lang ang gamit ng apartment. Walang masyadong gamit maliban sa isang couch, television at ilang plastik na upuan at mesa sa maliit na kusina.

It has two rooms one's for her undying love of arts. She's a painter. Iyong isa iyong usual na kwarto.

Naupo ako sa sofa at binuhay ko ang tv. I'll call it as my rest day for now. Dahil bukas na bukas ay maghahanap na ako ng trabaho. Ready na ang ilang kopya ng resume ko. Naghanap na rin ako ng pwedeng pag-applyan sa internet para sa natapos kong kurso. Kahit ang maliliit na kompanyang may hiring ay papatusin ko rin pag nagakataon.

Hindi talaga ako mapakali. I want to have peace in mind. Pero ito ako at nagugulo na naman ang isipan. Kapag pinahinga ko naman ang aking utak, isang tao lang ang bumabagabag sa utak ko it was the guy whom I met in the bar. I have no idea if it's a good thing or not, hindi ko man lang naiisip si Dylan.

"Breaking news. Kapapasok lang pong balita. Labing-siyam na kababaihan ang natagpuan ng NBI sa isang bahay sa compound sa Quezon City na pinaghihinalaang sangkot sa prostitution "

"Twenty-three women have been rescued by NBI during an entrapment operation. The suspects fled at the scene as the NBI searched the place. The authorities still have no clue which syndicate they belong "

Napailing na lang ako sa mga narinig ko sa balita. Laging ganoon naman ang laman ng balita kahit noong mga nakaraang linggo. Inilipat ko uli ang channel. Muli ko sana itong ililipat sa iba pero may nagtulak sa aking manatili sa naturang sitwasyon.

Showbiz balita iyon.

It was the famous Filipina-brazilian model Kassandra Almeida on the news! I know her being one of the Filipino pride in modelling, she's just one in a million having the opportunity to become Victoria's Secret model, that's why. And even if I refuse to know her, wala rin naman akong kawala dahil isa siya mga trabaho ko dati.

" the model was spotted with some handsome hunky fafa visiting our very own Boracay beach, and the guy whom said to be her companion is no other than the fafable businessman himself " there was a pause. Para bang pinae-excite ng baklang host masyado ang kanyang viewers. " Trigger del Fuego,"

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Where stories live. Discover now