28. Enemies

43.8K 1.4K 653
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

I could feel someone's moving in the bed. Mukhang umalis na naman sa kama si Badiday. There are times she would go outside the room, hindi pa man sumisikat ang araw. Tapos makikita ko na lang galing sa dagat tuwing umaga. Basa na ang buhok nito at nakalibre na ng ligo sa dagat. Magbabanlaw na lang.

May mga times naman na may inuuwi na itong isda, nakahingi na pala sa mga kapitbahay at gigising na lang kaming may ulam na.

Nakaramdam ako ng lumundo ang kama. Bumalik si Badiday, siguro ay uminom lang ito ng tubig. Marahan siyang tumabi sa akin. She massaged my big belly. Malaki na ang umbok nito. Inilapit ko ang katawan ko kay Badiday para yakapin ang bata. But it wasn't her.

I could touch a very muscular body. It's bigger than Badiday. And it smells soothingly familiar. Nataranta ako nang ma-realize ko na may ibang tao sa kawarto namin. I was about to shout for help when a lip touched mine. Hindi ko man ito makita ng tuluyan, si Trigger iyon.

Bahagya kong minulat ang mata ko at bumungad ang gwapong mukha ng lalaki. He looked tired. Tinanggal niya ang cap na suot niya, messy ang hairstyle nito. He gave me lopsided smile. Muli niyang pinuntirya ang labi ko. He deepened the kiss.

Pinilit ko namang hindi umungol, nakakahiya sa mga kasama sa bahay. Baka marinig ng mga bata. Nakakahiya.

Bahagya ko siyang itinulak para magkaroon ng agwat sa pagitan namin. He kept on touching my belly. But his eyes aren't leaving my face. He hugged me.

"I missed you." He whispered against my ear.

"Hindi pa tayo bati," nakalabi kong wika.

Hindi naman niya nakikita kong gaano ako ka-cute tingnan. I'm not cute. I look like a pig. Ang laki kong bulas dahil sa tiyan ko.

"I know. Just let me spend my time hugging you. My days were terrible without you." Mahina niyang wika. I lay there beside him, waiting for the sun to rise and hearing the sound of his hearbeat.

I'm home. I'm holding my comfort zone. And that's the best thing after everything that happened—being able to go back in his arms.

Hindi ko namalayang muli akong hinila ng antok. Nagising ako ng wala na si Trigger sa tabi ko. I sighed. He probably just sneaked in. Wala akong ideya kung alam ni Mang Kanor ang nangyayari. Si Badiday lang ang sigurado akong may alam noon. Siya pa nga siguro ang nagpapasok kay Trigger.

Naulinagan ko ang malakas na boses na nagtatalo mula sa labas ng kwarto. Hindi ko alam kung si Badiday o Titing ang pinapagalitan ni Mang Kanor. Bumangon ako sa kama at lumapit kung saan nagmumula ang mga tinig.

"Imposible naman ang sinasabi mo 'tay! Paano namang magkakaroon ng lalaking lalabas ng bahay?! Wala naman kaming pinapapasok!" mariing sabi ni Belle sa ama.

Kinabahan ako pero napagpasyahan ko pa ring lumabas. Siguradong si Trigger ang tinutukoy nilang mag-ama. At tama ngang si Badiday lang ang nakakaalam noon.

"Baka naman iyon ay nobyo mo!" giit pa ni Mang Kanor.

"'Tay, buntis lang ako pero wala akong nobyo!"

Napatingin sa akin ang dalawa nang lumabas ako ng pinto. Nangungusap ang mata ni Belle na nakatingin sa akin, wari'y nagtatanong kung may alam ako sa nangyari. Napatungo naman ako. Pasimple lang akong naglakad papunta sa kusina.

"Ara," tawag sa akin ni Mang Kanor. Lumingon ako sa kanila. "Nakita raw ni Linda na mayroong lumabas na lalaki sa pamamahay ko. May alam ka ba roon? Mukha naman daw hindi magnanakaw, wala rin naman sa ating nanakaw. Kahina-hinala raw na parang tumatakas na nobyo at hindi magnanakaw."

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Where stories live. Discover now