30. Joy Amidst the War

45.8K 1.6K 474
                                    

CHAPTER THIRTY

They dragged him near me. I know, he's still breathing. Hindi lang siya lumaban. I was still crying. He could easily beat them up but he didn't do it. He let them hurt him instead. He was shot.

Marami na rin ang dugong wala sa kanya. Nagpaubaya siya sa kanila. It's because of us. He could easily defeated them. Kung hindi kami nalagay sa alanganing sitwasyon, hindi sana mangyayari ang ganito.

I couldn't blame myself either. Hindi ko naman ginustong mapunta kami sa alangain. Si Lucas Eduardo at ang ama ni Trigger ang dapat sisihin. They put us in this situation. Hindi ko sila mapapatawad kapag may nangyaring masama sa mag-ama ko.

Inalis na ng kanyang ama ang patalim na nakatutok sa leeg ko. Badiday was beside me, she was eerily quiet aside from she was muffled. Ni hindi siya gumagalaw sa tabi ko.

I could feel the muscles of my belly tensed up. May kirot na naman akong nararamdaman doon. Kasabay noon ang kabang nararamdaman ko. I had enough stress for this day, baka kung ano pang mangyari sa baby ko.

My belly was hurting painfully. Hindi ito ang unang beses. Oh my God! Natatakot ako para kay baby.

I closed my eyes and breathed hard. I stopped crying. Hindi rin makakabuti ang pag-iyak ko. I'm trying to calm my nerves. Hindi nakatulong ang malakas na tibok ng puso ko. Namamawis ng malamig ang buong katawan ko.

"Hey donna, are you okay? Is something wrong with you?"

Muli akong nagmulat ng mata. Ilang agwat lang ang layo ni Trigger. He was looking at me. Paulit-ulit ang tingin niya sa mukha ko at tiyan ko. I could see he knew something was up. His eyes were intense.

Masama na ang lagay niya, ako pa rin ang inaalala nito.

Inaarok noon ang buong pagkatao ko. I was holding back my tears. Gusto ko siyang yakapin. I want to feel him. He's my safe zone.

"No! No!" I screamed at the top of my lungs.

Pumalahaw ako ng iyak. Muling hinatak si Trigger ng ilang kalalakihan. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nilang hampasin si Trigger ng malaking tubo. I could feel the pain. But I didn't hear anything from him.

Balak yata nilang gawing baldado si Trigger. He was just looking at me the whole time. I couldn't do anything and that's stressing me out.

"Please tama na! Maawa kayo!"

Hindi sila nakinig. Mas lalo akong natakot ng makita ko ang puntirya nila. They would hit him on the head.

"Don't do it, motherfuckers!" Muling sigaw ko. "You can't do that—y-you... b-blood!"

I looked at my thighs. Pababa ang dugo sa hita ko. Naiiyak akong tumingin dito. I tried to free my hands from the ropes but I can't.

Pakiramdam ko ay tumigil ang nasa paligid. Kahit sila ay natigilan. I could feel the excruciating pain on my belly. I was looking at it while my tears are pouring.

Sobrang sakit.

"T-trigger..."

My eyes were covered with tears. I tried to see him but not clearly. Nahihilo ako, papanawan ako ng ulirat anumang sandali. Figures na lang ang nakikita ko and they are really blurred. Wala na rin akong marinig sa paligid. It was like they aren't existing.

The pain didn't help. I could see the figures throwing punches and striking one's opponent. It's one on many combat. I closed my eyes. I could feel the tip of the blade slightly cutting my skin on the neck.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Where stories live. Discover now