3. The Breakup Chronicles: Damsel in Distress

49.3K 1.7K 531
                                    

CHAPTER THREE

WARNING: SLIGHTLY SPG

Mabilis na lumipas ang oras. It was already eight o'clock. I patiently waited for Dylan to come home. Nangangalay na ang mga paa ko sa pagtayo. Kulang na lang ay papakin ng insekto ang kabuuan ko. Wala nga lang insekto.

Ilang beses kong inulit na pindutin ang doorbell ng kanyang unit pero hindi pa rin ito binubuksan ni Dylan. I tried to open his place using his old password. Walang nangyari. Denied. Mukhang mabilis niyang binago ang password ng kanyang unit. Umaasa pa rin akong pagbubuksan niya.

May parte sa aking naiirita sa kanyang asta, konti na rin lang ang pisi ng pasensya ko. Still, I waited. Ganoon ako ka-tanga sa kanya.

Huminga ako nang malalim para alisin ang pagkakakunot ng aking noo. We won't settle things if we're both angry. Mas magiging dahilan lang iyon ng mas malalim na hidwaan sa pagitan namin. Wala akong ideya kung nasa loob ng unit si Dylan at wala akong balak labasin, o wala talagang tao kaya wala man lang nagbubukas ng unit.

Kahit ang receptionist, hindi alam kung saan nag-sususot ang taong iyon at kung lumabas ba ito. Hindi raw napansin ng babae. The good thing, I wasn't banned from visiting him.

Minuto pa ang hinintay ko bago ko napagpasyahang umalis na.

I've wasted a half day standing in front of his door unit instead of finding a job wala namang kaso iyon sa akin siya naman ang unang priority ko. Okay, I am a martyr or stupid. Either way, both are negative traits.

Maybe, I'm being one.

Isa lang naman ang gusto ko. I still want things to work out between us kumakapit pa rin ako sa isang matalim na bagay kahit alam kong ako lang ang masusugatan. Ayokong pagsisihan ang desisyon ko sa huli na hindi ko ginawa ang lahat para maging maayos kaming dalawa. Ako na ang magbababa ng pride, ako na ang lulunok nito. Para kay Dylan.

Sa huli ay sumuko rin ako sa paghihintay. Siguro, bukas na lang ako babalik. I'm not totally giving up, babalik ako bukas upang muling maghintay sa kanyang pagdating. Ang tanga-tanga mo, Aramis!

Bago pa man ako makaalis sa pwesto ko, isang pamilyar na bulto ng lalaki ang nakita kong papalapit sa direksyon ko. I know that built kabisado ko ang kanyang kabuuan, mula ulo hanggang paa.

I smiled at him. Nanginginig ang labi ko sa kaba. Wala akong ideya sa magiging reaksyon niya pagkakita sa akin.

"D-dy..." I whispered.

Muli akong napalunok ng ilang sunod. Pakiramdam ko ay mabubulunan ako ng sariling laway.

He stared at me casually and I have no idea what's going on inside his head. Tinimbang ko ang titig niya kung dapat ba akong kabahan.

Was he happy? Overwhelmed? Angry?

Parang tutang nabahag ang buntot ko, para akong batang nahuli sa akto sa ginawa ko, ako ang mas natakot sa sitwasyon namin. Ilang caffeine ba ang ti-nake ko? At bakit nagmukha akong nerbiyosa? Ugh. Tumindig ako nang maayos at sinalubong siya.

"Hey." I said. "Bakit ngayon ka lang? I've been waiting here for almost a day," malumanay kong wika. I don't want to sound nagging.

Nilampasan niya ako at tinungo ang pinto. He didn't bother looking at me. Mas malamig pa nga sa yelo ang turing niya. He typed something on the screen. Sinubukan kong silipin ang bagong password ng unit dahil naiintriga ako pero hindi ako nagtagumpay na makita iyon.

Hinawakan ko ang kanyang braso bago pa siya tuluyang makapasok ng unit. He's avoiding me, I can sense that. Nakaramdam ako ng pagkainis. Ako iyong dapat magalit sa kanya, pero heto ako, binababa ko ang pride ko para magkaayos kaming dalawa. Can't he see that?

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Where stories live. Discover now