Chapter 47

30K 1.2K 233
                                    

A/n: Happy advance 90k reads and to my 386 followers salamat sa pag follow and para sa support sa story ko. Also sa mga silent readers ko jan shout out mga babies. Follow me on twitter @Haze_Zy kung gusto niyo ko maka interact and we can talk there. Dun ko din ilalagay ang mga future books ko so hopefully magkikita tayo dun.



[ANDILYNE DAVE]

Bagot akong nakahiga habang katabi ko si Shawn na tahimik ding nagbabasa ng libro na di ko alam kung saan niya nakuha. Medyo magtatanghali na at nagugutom nako ng konti, senses ko na siguro since ilang araw akong tulog at tanging IV lang ang sumusustento sa katawan ko.

"Shawn"

Napaangat ng tingin si shawn at tiningnan ako. I pouted my lips at saka umupo sa kama dahil kaya ko na naman.

"Yes? what is it?"

"Bat ka pala naospital?"

Nakita ko na natigilan siya saka bumuntong hininga. Sinara niya ang libro na hawak niya at nilagay sa bedside table na katabi lang din ng hinihagaan niya

"I was shot. Some assasins want us dead. Hindi ko naiwasan ang bala kaya natamaan ako sa braso"

Bigla akong binalot ng pag aalala dahil sa narinig

"Kamusta ang mga kapatid natin? ayos lang ba sila?"

Taranta kong tanong na ikinatawa niya ng mahina. Napasimangot ako sabay irap sa kawalan dahil tinawanan niya lang ako tsk

"Relax ok? ligtas silang lahat. Buti nalang dumating kaagad sila kuya Levi para tulungan kami."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig. Humikab ako ng konti dahil parang inaantok ulit ako.

"You feel sleepy?"

Pagod akong tumango nalang humiga kaagad sa kama hanggang sa dinalaw na nga ako ng antok.

*******

Naalimpungatan ako ng makarinig ng ingay sa paligid, At dahil yata sa antok at inis ko kaagad akong bumangon ng wala sa sarili at tinapon ang isang unan sa kung sino. Nakarinig ako ng pagkatahimik sa paligid

"Pwede ba, ang ingay ingay niyo eh"

Inis na sambit ko habang kinusot kusot ang aking mata sa pagka-irita. Nakarinig ako ng hagikhikan kaya mas lalong uminit ang ulo ko

"Magsilayas kayo sa kwarto tang-"

"Dont you dare to continue that sentence Andilyne"

Lahat yata ng dugo ko sa katawan ay nabuhay at tuwid akong napaupo sa kama ng marinig ko ang malalim at nakakamatay na boses ni Kuya Levi. Napatingin ako sa direksyon niya at Bitbit nito ang unan sa kaliwang kamay habang naiiritang Nakatitig Kina kuya haig na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Napangiti ako ng hilaw dahil nagsalubong ang kilay nito

"Nice throw sis. Sapol sa mukha si kuya"

Mas lalo akong napipi dahil sa sinabi ni Kuya Haig. Konting konti nalang at parang di na niya kakayanin na tumawa ng malakas. Napakamot ako sa ulo at lumabi

"Sorry kuya hehe"

Hilaw na ngiti ko pero nanlaki ang mata ko ng bigla niyang tinapon sakin ang unan. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko at agad akong nakailag. Tang ina-

Napatanga ako ng biglang may mainit na katawan ang yumakap sakin. Para akong natuod sa kinauupuan habang naamoy ko ang kanyang panlalaking pabango.

"Kuya"

Sambit ko. Pero bagkus mas humigpit lang ng konti ang yakap niya at walang sinabing kahit na ano. Tumahimik nalang ako pati ang paligid at nakiramdam kung anong gagawin niya sa susunod. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko na ikinangiti ko. Kuya Levi is expressing his self through actions more than saying sweet words. His typical self indeed. So lucky na may kapatid akong kahit na napakasuplado, may tinatago ding kabaitan sa loob. Lumayo na agad ito sakin matapos ang ilang minutong yakap at bumalik sa pagiging bato. Umupo ito sa tabi ng isang lalaking ngayon ko lang nakita. Kumunot ang noo ko ng lumapit ito sakin ng may malaking Ngiti sa labi habang bitbit ang napakaraming-

Wait

What the fuck is this?

Nanlaki ang mata kong nakatingin sa napakaraming paper bags at isang boquet ng bulaklak kasabay ng isang basket ng chocolates at prutas. Tang ina nabagok ba ang ulo ko at di ko maalalang nanligaw ang abnoy nato sakin?

No, no, no, Erase Erase. Hindi mo siya manliligaw dave. Halatang gurang na ang Foreigner nato. makasuhan pa ng child abuse pag nagkataon

"Glad to meet you and thanks that you are awake already"

Napaamang ako ng bigla ako nitong niyakap. Puno ng pagtataka ang aking mukha na humarap kina kuya Haig. Nakatalikod kasi sa kanila ang lalaki habang yakap ako. Ngumiti lang ng tipid sina kuya Haig, habang si Kuya Levi naman ay parang tinutorture na ang lalaki sa isipan niya dahil ang sama ng tingin nito samin. Nandito din yung anim na lalaki na kanina pa tahimik at sobrang napaka himala dahil ang popormal nila ngayon, pati na si Grey

"Uhm ano. Salamat. Pero sino kaba?"

Humiwalay sakin ang lalaki at nagsalubong ang makapal nitong kilay pero hindi naman siya mukhang galit

"Hmm sorry i dont understand what you were saying"

Halos masamid ako at dumugo ang ilong ko dahil sa matigas niyang ingles. Tang ina hindi pala siya nakakaintindi ng tagalog?

"I mean, who are you?"

Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti at hinalikan ang aking pisngi na siyang ikinagulat ko.

"Oii dont you dare kiss my sister"

*blaggg*

Napangiwi siyang tumingala habang sinasapo ang kanyang ulo. Paano ba naman sumapol ang isang maliit na water bottle sa kanya na tinapon ni shawn.

"Wait. Just want to express my love you know."

Mas lalong naging iritado ang expression ni shawn at tumaas ang kilay

"My sister is not AVAILABLE"

Dumiin ang pagkabigkas ni shawn sa salitang "Available". Agad sumeryoso ang mukha nung lalaki at ilang saglit pa ay humalakhak ito ng tuluyan. Nababaliw na siya

"Wait, oh god dont misunderstand bro. I'm not into teens, fudging sake. Sure im not a pedophile"

Namula ata ang mukha ko sa kahihiyan na pinagsasabi niya. Busangot naman na tumingin sa kanya si Shawn at umirap.

"Then who are you? and why so many Gifts? are you his sugar daddy?"

Diyos ko po Shawn mapapatay kitang hayop ka. Nanlaki parehas ang mga mata namin at napaiwas ako ng tingin sa lalaki. Nakakahiya bwesit na kapatid to

"Im not that old to be his sugar daddy. But i will surely spoil her anytime soon"

Kulang nalang ay bumuga ng apoy si shawn. Ngitngit nito ang mga ngipin na daig pa ang endorser sa Toothpaste habang ang lalaki naman ay enjoy na enjoy sa pang aasar sa kapatid ko.

"Kuya Thallos stop it"

Napantig ata ang tenga ko at di makapaniwalang tumingin kay kuya Haig na ngayon ay masama nadin ang timpla sa mukha. Paniguradong nahihiya nadin ang isang to. Narinig ko pa ang pag tawa ng lalaking nagngangalang thallos saka nag cross arms

"Seriously Luis? I'm just teasing them"

"And its making shawn mad and Andi uncomfortable. So stop teasing them will you?"

wala akong ma gets kahit isa. Hindi nagsisink in sakin ang sinabi kanina ni kuya Haig. Wait dont tell me

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat at di ko namalayan na lumapit na sakin si Kuya haig, lutang ata ako

"Andi. Pasensya kana. Mahilig talaga mang asar si kuya thallos."

"Kuya?"

Huminga ng malalim si Kuya Haig at ngumiti sakin ng alin-langan

"He is Thallos Evan Svedien. The eldest of the Family"

Lahat ata ng dugo ko sa katawan ay tumakas. Para akong naestatwa sa narinig at bigla atang sumakit ang ulo ko. Tang ina. Magugulat paba ako kung may lalabas pang iba at sabihin na kapatid ko din sila? tuluyan na siguro akong madadala sa Mental hospital pag nangyare yun. Oh my life


A/n: At dahil ginanahan ako i will update twice or thrice later on. 🤍

UNEDITED-TO BE CONTINUED

My 15 Brothers And Me [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon