Chapter 15

86 9 173
                                    

Hakuna Miran's Point of View.

Kinaumagahan ay apat kaming nasa discipline's office, si Laze, yung coach at yung tumulak sa akin na babae. Siya yung babaeng iniwan ni Laze para makipagpalit ng partner. "Mr.Romero, hindi ka marunong lumangoy bakit ka pa sumulong sa 8 feet?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ng nakaupo rito.

"Po?" Gulat kong kwestyon.

"Sabi nitong witness, tumalon ka raw. You jumped on the pool trying to show off with the guys who's watching." Nangunot ng todo ang noo ko ngunit hinayaan ko munang magsalita itong nasa table, itong DO.

"What can you say about it Ms.Romero?" Kwestyon nito sa akin kaya sinulyapan ko ang tumulak sa akin, taas noo ako nitong tinignan na para bang nagbabanta siya.

"I was picking up the things that others left on the floor. While picking up a towel someone pushed me I don't know if it's intentionally or not. Okay lang po kung hindi sinasadya, simpleng sorry lang ayos na po." Mahinang sabi ko.

"Sinasabi ko bang itinulak kita kasi trip ko lang? Pinagbibintangan mo ba ako?!" Galit na sigaw niya at parang gusto na akong sugurin kaya huminga ako ng malalim.

"Hindi mo kailangang magalit. Pero hindi mo rin kailangan magsinungaling dahil wala ng lalake no'n ng nahulog ako sa pool. Lima tayong babae ang nandoon pero hindi man lang kayo humingi ng tulong, hindi niyo man lang ako hinagisan ng salbabida." Mariing sabi ko.

"Hindi ako nagagalit, ayokong magalit, kahit pa muntik na akong mamatay kahapon. Pero yung ikaw pa magagalit at isisisi mo sa akin na kasalanan kong nalaglag ako pero ikaw yung tumulak o nakasagi sa akin. Hindi ka man lang nag-sorry sadya man o hindi sadya." Pinaghawak ko ang dalawang kamay dahil sa kaba.

"I will get my mom in here!" Galit niyang sabi at tatawagan na sana ang mama niya pero nagsalita ang DO.

"We don't need parents to get involved in here, Ms.Romero just beg for forgiveness." Umawang ang labi ko.

"Sir, hindi naman yata tama na isarado niyo 'to—"

"Coach, don't get involved here. Hayaan mong ayusin ko 'to ng tahimik." Sumama ang tingin ko sa mesa niya dahil hindi ko siya pwedeng samaan ng tingin.

"Kargo ko 'to sir, hindi pwedeng—"

"Osige, basta pagkatapos nito wala ka ng trabaho." Galit na sabi ng DO kaya ngumiwi ako.

Pangit na patakaran.

"By that case, I'm willing to call my grandparents to settle this and your position sir. They might change their mind to put their trust on you on handling justice system in this school." Natigilan 'yon nang magsalita si Laze.

"Who are you?" Tanong niya kay Laze.

"I don't need to introduce myself, sir. I am a student here in our school." Tumaas ang kilay ng DO. Napatitig naman ako kay Laze dahil sa simpleng ginagawa niya ay natutulungan niya ako.

"Well, student if you're so full of yourself because you revived a student back to her life, you're not a hero. Stop making things more complicated, anong magagawa ng mga grandparents mo sa issue na 'to?" Sumbat no'n at dahil doon ay nanlaki ang mata ko.

Lola, lolo niya may ari ng school!

"Really?" Sumbat ni Laze halatang hindi natutuwa sa naririnig.

"Really sir?" Pag-uulit niya.

"Really." Mariing sagot ng DO kaya naman natigilan ako ng kunin ni Laze ang cellphone niya na minsan niya lang gamitin, he seems like he dialed a number and put it on loud speaker.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon