Chapter 34:
Hakuna Miran's Point of View.
Nang bitiwan niya ako ay naguguluhan akong humakbang paatras at hindi siya makapaniwalang tinignan. "B-Bakit?" Litong lito ko na tanong ngunit hindi nagbago ang titig niya sa akin.
"I don't own you, but it feels like I'm losing you." Nangunot ang noo kong tinitigan ang mga mata niyang biglang nagpakita ng emosyon.
"H-Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"I know I don't feel anything, but why do I feel your pain?" Bahagyang umawang ang labi ko dahil kahit pa hindi siya nakakapasok ng tuluyan sa condo ay pakiramdam ko na-corner ako kahit kayang kaya kong lumabas sa pagkaka-trap.
"Ano bang sinasabi mo?"
"I am tired talking, can I explain it in different way?" Natitigan ko siya sa mga mata.
"Paano? Sige." Hamon ko ngunit halos mahigit ko ang sariling hininga ng yumuko siya at napanood ko pa kung papaano gumilid ang ulo niya hanggang sa manlaki ang mata ko ng maglapat ang labi naming dal'wa.
"Laze!" Gulat na sabi ko at pakiramdam ko ay nag-init ng todo ang mukha ko, natakpan ko ang labi at napahakbang paatras. A-Anong ginagawa niya? H-Hinalikan niya ako 'di ba?
Nanatili siyang nakatitig sa akin matapos no'n, bagsak man ang buhok niya ay nakikita ko ang mga mata niyang kulay abo na grabe kung tumitig, tagod hanggang buto!
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatingin sa kaniya.
Anong ibig sabihin nito?
"H-Hindi ko pa rin maintindihan," nagtatakang sabi. Hindi ko mapigil ang pagkautal dahil nakatitig ako sa mukha niyang hindi kakikitaan ng emosyon ngunit ang mata niya ay parang may sinasabi.
Pinanood kong mapayuko si Laze at sapuin ang mukha, "I don't disrespect you, but.." I was caught off guard, my lips were left open as he pressed his lips on mine.
His palms were on the back of my head so I can't pull away but even I had the chance to pull away it feels like I can't. Mariin kong ipinikit ang mga mata ng marahan niyang siniil ang ibabang labi ko ngunit hindi ako marunong humalik kung kaya't buong segundo na 'yon ay para akong estatwa na hindi man lang gumalaw.
"Mare." Sa gulat ko ng marinig ang tinig na 'yon ay napaatras ako papalayo kay Laze dahil nakita kong nakatitig sa amin sila Crizel at Janella na gulat na gulat.
Ngunit mas nag-alala ako ng bumakas ang sakit sa mukha ni Janella, ngunit hindi ko magawang magsalita. Dumapo ang mga mata ko kay Laze at nakatingin lang siya sa akin deretso. Nang mapaatras si Janella ay hindi ko alam kung maiiyak ako dahil lungkot at sakit lang ang nabasa ko sa mata niya at hindi galit.
"J-Janella." Mahinang sambit ko sa pangalan niya ngunit ng talikuran niya kami ay nasapo ko ang sariling mukha. "Janella!" Pagtawag ko at pilit siyang hinabol.
"Sandali!" Tumakbo siya papalayo sa akin dahilan para maiyak ako, nang sumarado ang elevator ay wala akong nagawa kundi maupo sa sarili kong paa at umiyak.
H-Hindi ko sinasadya.
"Mare," itinayo ako ni Crizel at tsaka siya bumuntong hininga.
"H-Hindi ko sinasadya, Crizel. H-Hindi ko alam.." Natatakot kong sabi, ngunit hindi na siya nagsalita at inalalayan na lang akong bumalik sa condo pero nandoon pa si Laze kaya napayuko ako.
"U-Umalis ka na," mahinang sabi ko.
"Umalis ka na Laze." Utos ko.
"Hakun—"
BINABASA MO ANG
Must Have Been The Wind (3G Series #1)
RomanceMust Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigilan ang isang bata sa kaniyang paglalaro nang sandaling tawagin at tanungin siya ng kaniyang ina. "Laze tinatanong ka ng mommy mo." Biglang n...