Chapter 32

80 9 128
                                    

Chapter 32:

Hakuna Miran's Point of View.

Mabilis na lumipas ang linggo at ngayon ay abala na naman kami sa paghabol sa deadlines, lalo na ako dahil may na-miss ako dahil na-excuse ako kasi sa nangyari sa akin. Ngayon ay magkakasama kaming kumakain nila Janella at Crizel.

"Sabihin mo ten times yung word na father," utos ni Crizel kaya naman napaisip ako at sinunod namin siya ni Janella.

"Father, father, father, father, father, father, father, father, father, father.." Sabay naming sabi.

"Anong english ng pari?" Napalunok ako at nag-isip.

"Father." Sagot naman ni Janella, nag-aalangan.

"Father." Sagot ko rin.

"Mali."

"Tanga, father 'yon. Kaya nga pag magsisimba tatawagin natin silang father." Explain pa ni Janella kaya mas napaisip ako, father naman talaga 'di ba?

"Mga gaga, anong father. Priest ang english ng pari," bigla ay na-realize namin kaya natawa na lang kami.

"Nan-tanga pa 'to," hinampas ni Crizel si Janella kaya matapos kumain ay naghiwalay na kami.

Pumasok na ako sa klase kasama si Crizel, bahagya pa nga akong inaantok dahil ilang araw na akong puyat kakagawa sa pinagagawa ni sir. Binuklat ko naman ang libro ko at bahagyang yumuko doon ngunit natigilan ako ng may mahinang tumapik sa balikat ko kaya nilingon ko si Laze.

"Bakit?"

"Be my partner." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.

"Saan?" Kwestyon ko.

"Wala namang—"

"See, you're lacking. Hindi ka nakikinig." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, "P-Parang wala naman kasi t-talaga," pabulong kong sabi at umiwas tingin.

"Si Crizel na partner ko—"

"Luh mare, na-taken na ako. Sabi kasi ni Laze kayo partner," naguguluhan na sabi ni Crizel kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ano ba 'yan," bulong ko.

"Ah so you're avoiding me?" Blangko man ang tingin niya ay pakiramdam ko naasar ako sa sinasabi niya, may ah pa eh akala mo namimikon 'tong mannequin na 'to amputi puti.

"Hindeeeeeeee," mahabang sagot ko at hindi na siya pinansin.

Matapos ang klase ay napayuko ako sa sariling mesa, naipon sa utak ko yung inaral namin ngayon. Halos lahat ng laman ng isip ko ay mga inaral namin, inayos ko na ang gamit ko at tumayo.

"Crizel tara na—"

"I'll join you both," biglang singit ni Laze kaya ngumiwi ako at pasimpleng napairap.

"Nasa cafeteria na si Janella," wika ko matapos ma-receieve ang text niya, pumunta kami doon at ng makarating ay natigilan ako ng may kasama si Janella na naka-uniform rin at lalake.

Mukhang iba ang course niya, napatingin naman yung lalake kaagad sa akin at ngumiti. "Good morning," mahinang bati niya kaya nangunot ang noo ko.

"H-Hello po," bati ko.

"Uy pogi," bulong ni Crizel.

Nakasunod sa likod namin si Laze, sabi niya punta lang siya sandali sa washroom. "Pakilala mo," mahinang senyas ni Crizel kay Janella.

"Yuno Marshall," natigilan ako ng ilahad niya ang palad sa harapan ko pero mabilis na kinuha 'yon ni Crizel.

"Crizel, pinsan ni Janella." Nakangiting pakilala ni Crizel kaya mahina akong natawa.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon