Chapter 66:
Hakuna Miran's Point of View.
Tumulong naman ako sa ibang pumupunta rito, inaayos ko na lang rin yung coffee maker sa mismong area sa kung saan may coffee and biscuits. Pero this time hindi lang coffee and biscuits, may iba't ibang variants of drinks.
May cup and pipindutin na lang nila yung gusto nila, "Manang, paki-bili na lang po sa grocery yung nasa list. Thank you." Inabot ni mama ang pera at ang listahan, alas nuebe na ng gabi at naubusan ng stocks ang bahay namin.
Nasapo ko ang mukha ko nang maramdaman ko ang pagod, ngunit natigilan ako ng may humawak sa kamay ko dahilan para mabigla kong mapasunod kay Laze.
"Bakit?" Kwestyon ko.
Nang madala niya ako sa malayo sa mga tao ay hinila niya ang upuan at pinaupo ako doon, "Bawal ka ma-stress, Hakuna Miran." Bumuntong hininga ako at tinitigan siya.
"Stop beating yourself for it, wala kang kasalanan." Pandederekta niya kaya huminga ako ng malalim.
"Ako pa rin ang dahilan kung bakit siya inatake," paglilinaw ko.
"Get to bed, magpahinga ka muna Hakuna Miran. Hindi maayos ang tulog mo ngayo—"
"Laze naman, hayaan mo nga ako." Inis na sabi ko at tumayo.
"Tumutulong lang ako sa kanila, ang daming tao makakayanan ba nila mama at dad ang pag-asikaso sa kanila?" Tumitig sa akin si Laze sa pag-taas ko ng boses sa kaniya.
"You don't need to serve them, it's a self service Hakuna Miran." Paalala niya, "Papaano naman yung iba?" Sumbat ko.
"Can't you see? Inaasikaso sila ng ibang kasama niyo sa bahay." Sobrang naiirita ako ngayon, at naiirita ako na pinigilan niya pa akong gawin 'to.
"Pala-desisyon ka 'no? Pwede ba pabayaan mo na lang ako Laze? Ito na nga lang yung magpapatahimik sa akin oh. Ito na nga lang yung kaya kong gawin sa ngayon para kay lola." Pinagkrus niya ang braso habang nakatitig sa akin ng seryoso.
"Ito lang yung tingin kong makakapagpa-gaan ng nararamdaman ko, so stop asking me to stop because I am not tired." Mariing sabi ko, explaining what I wanted to say.
"Alright." Sagot niya.
"Do what you want then, who am I to stop you?" Napatitig ako sa sarkastikong sagot niya, "Tama, sino ka ba para pigilan ako?" Iritableng sagot ko na ikinabigla niya.
I was out of the line right?
"Really Hakuna Miran?" Hindi makapaniwalang sabi niya tsaka siya sarkastikong ngumisi at napailing bago ako tinanguan.
"Sige, sabi mo eh." Napalunok ako ng masungit niyang sabihin 'yon tsaka siya nakapamulsang umalis sa harapan ko.
"Mom, alis muna ako." Nalingon ko kaagad si Laze noong magpaalam siya sa magulang niya, "Saan ka pupunta anak?" Tanong ng mommy niya.
"Diyan lang mom," wika ni Laze at tsaka nag-paalam rin sandali sa parents ko kaya inis akong naupo at napanguso.
Nakagat ko ang ibabang labi bago ako lumapit kay Yamato at Ate Janella na umiinom ng alak na soju ang pangalan. Ngunit maya-maya ay dumating si Yuno kasabay ni Jem.
"Kumusta ka?" Tanong kaagad ni Yuno sa akin kaya nagkibit balikat ako.
Nang makaupo sa harapan nila Ate Janella ay inabutan ako ng baso at sinalinan 'yon ng soju, "Dahan-dahan."
Ininom ko 'yon tsaka ako huminga ng malalim, kami magkakasama pati na si Crizel ay umiinom rin konti.
Nang naka-anim na baso na ako ay tumigil na ako dahil kababalik lang ni Laze, naka-bihis na rin siya into a black shirt but pants were still trousers. Simpleng slides in slipper lang ang suot niya at black socks.
BINABASA MO ANG
Must Have Been The Wind (3G Series #1)
RomanceMust Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigilan ang isang bata sa kaniyang paglalaro nang sandaling tawagin at tanungin siya ng kaniyang ina. "Laze tinatanong ka ng mommy mo." Biglang n...