Chapter 56:
Hakuna Miran's Point of View.
Buong gabi ay inisip ko ang sinabi ni Jami sa akin, punong puno ako ng pagtataka. Bakit hindi nagawang sabihin ni Laze na pumunta siya ng kaarawan ko? Nasaan siya nang mga oras na 'yon?
Hindi niya ako nilapitan?
Huminga ako ng malalim at napailing na lang, mabilis na umurong ang oras at kinaumagahan ay sinundo ako ni Terry for breakfast at his condo. I can't say no dahil sa ayokong mahirapan lalo ang kumpanya ng lola ko.
"Kasama yung parents and yung sister mo?" Kwestyon ko.
"Yeah," sagot niya at binuksan ang pinto ng condo niya.
Nang makapasok ay nandoon na yung parents niya pati na yung kapatid niya. "Good morning po." Bati ko.
"Really? Kailangan ka pang sunduin ni kuya?" Napalunok ako sa panimula ng kapatid niya.
"Ah, hindi ko naman sinabing sunduin niya ako." I explained and sat in front of them, "Don't start a fight." Sita ni Terry sa kapatid.
"Sa susunod hija huwag mong gawing walking ATM card ang anak ko," nangunot ang noo ko.
"Mom naman." Sita ni Terry.
"I am just saying anak, binilhan mo na naman siya ng branded bag hindi pa nga kayo kasal." Nangunot ang noo ko sa sinabi ng mommy ni Terry.
"Mom that's supposed to be a surprise." Inis na sabi ni Terry.
"Can you stop doing this to me? You guys are just stressing me." Inis na sabi ni Terry at kumain na lang kaya nahihiya akong lumunok at ngumuya na lang rin.
Pagkatapos no'n ay may biglang tumawag kay Terry at dahil doon ay nagmamadali siyang pumunta doon kaya naiwan ako kasama ang pamilya ni Terry.
"Architect ka?" Tanong ng mommy ni Terry.
"Yes po." Sagot ko.
"Magkano naman kinikita mo diyan? Lumalagpas ba ng 6 digits?" Naitikom ko ang bibig sa tanong niya.
"It depends on a project po." Nahihiyang sagot ko.
"So saan napupunta yung pera na 'yon?" Napatingin ako rito.
"Dalawa pa lang po yung project na hawak ko ngayon dahil kaka-graduate ko lang last last month." I explained.
"Yung son ko yung isang client mo 'di ba? Hindi mo ba siya hinuhuthutan ng pera?" Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.
"Tita hindi po." Sagot ko.
"Patas po ako magtrabaho, huwag niyo naman po sana akong tanungin ng mga ganyan medyo off po eh." Tumaas ang kilay nito sa pagsasabi ko ng totoo.
"Ang arte mo rin 'no? Eh ginagamit lang naman kami ng lola mo para umangat kayo, what a shame." Singhal ng half sister ni Terry kaya sumama ang loob ko.
"I am already ashamed by that fact," pagsasabi ko ng totoo.
"Because I should be working hard, but here I am tied with your brother—"
"So anong pinararating mo? Na napipilitan ka sa pamilya namin?" Nangunot ang noo ko ng bahagyang itulak ng half sister ni Terry ang balikat ko.
"Pagkatapos mong makipaghalikan sa ibang lalake, ang kapal rin ng apog mo 'no? Ha ano!" Mayabang niyang pinagduduro ang balikat ko.
"Huwag mo 'kong ganyanin." Sita ko.
"Ano may magagawa ka ba?" Malakas niyang dinuro 'yon dahilan para iritable ko siyang tignan.
BINABASA MO ANG
Must Have Been The Wind (3G Series #1)
RomanceMust Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigilan ang isang bata sa kaniyang paglalaro nang sandaling tawagin at tanungin siya ng kaniyang ina. "Laze tinatanong ka ng mommy mo." Biglang n...