Chapter 1

205 16 0
                                    

Claudette Thalianna Santos

Nagising ako ng maaga ngayon dahil mamayang 10 am ang alis ko sa bahay dahil para magtrabaho.

Kaming dalawa lang ng kapatid ko ang nandito. Simula kasi nung nag high school ako ay parehas na kami nawalan ng magulang ,kaya kaming dalawa na lang ang magkasama. Sa pagpanaw ng mga magulang namin ay lumawas na kaagad kami ng manila para dito na manatiling manirahan.

Kaagad akong nagluto ng agahan para sa kapatid ko na anytime ,ay bababa na yun.

Pagtapos kong magluto ng agahan ay inilapag ko na ang mga niluto ko. At saktong sakto ay bumaba na si Jaycee na kinukusot ang mata niya.

"Good morning Jaycee!"masayang bati ko sa kanya.

"Good morning din Ate."walang ganang sabi niya.

Siya si Jaycee Lyle Santos nakakabatang kapatid ko tatlong taon ang tanda niya sa akin kaya ate niya ako. Masasabi kong mabait siya at matalino just like me.

"Bat parang antok na antok ang babyboy ko!"paglalambing ko sa kanya.

Inirapan niya ako ,"Ate! kailan ko ba sasabihin sayo na wag na wag mo na akong tatawagin sa ganyan!"

Napatawa ako dahil ever since babyboy ang tawag ko sa kanya dahil bunso siya. Ngayon lang siya naiirita dahil di na daw siya bata.

"Ano ka ba! ayaw mo nun? yun pa din ang tawag ko sayo?"tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang kutsara ,"Ayaw ko na ate! I'm not a kid anymore. remember kaka 21 ko lang last week."

Kaya umupo na lang ako para sabayin ko siya kumain.

"Jaycee! yan ang itawag mo sa akin."He looked at me.

"Tsk! kumain ka na nga lang babyboy."asar na sabi ko sa kanya at di na lang niya ako pinansin.

Kaya sumabay na lang ako kumain dahil mamaya magtatrabaho na rin naman ako. Hanggang sa natapos na kaming kumain ni Jaycee ay nauna ng pumasok si Jaycee sa banyo para maligo dahil ngayon ang araw ng pasukan niya.

Sa ngayon ,ako muna ang nagpapaaral sa kapatid ko dahil ako lang naman ang kasama niya dito. Mas pinili kong tumigil sa pag aaral para mapaaral ko si Jaycee dahil kapag kami dalawang mag aral ay di sapat ang pera kaya sinakripisyo ko muna ang sarili ko para makapag aral si Jaycee.

Hanggang sa natapos na maligo si Jaycee. Samantalang ako ay inaayos ko ang mga gamit niya para di na siya mag ayos kapag nasa baba na siya.

Sobrang mahal na mahal ko ang kapatid ko ,kaya kahit naiinis na siya sa akin na tinuturing ko siya na parang bata ay kahit papaano ay natutuwa siya sa akin dahil ganun daw ako magmahal pagdating sa kanya.

Which is true tama naman siya.

Maya maya ay bumaba na si Jaycee at nakita ko na nakauniporme siya. Dahil sa pinapasukan niyang unibersidad ay may sariling uniporme ang bawat courses.

Lumapit ako ,"Di pa ayos yung kwelyo mo oh!"

Kaya inaayos ko yung kwelyo niya para disente siyang tignan.

Hanggang sa natapos at ngumiti ako.

"Yan! tapos na."I smiled widely.

"Ate!"tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya.

"Why?"

"Hindi ka ba nagsisi na ako ang una mong pinaaral?"tanong niya sa akin.

Napatigil ako. nagsisi ba ako na siya ang una kong pinaaral?

Together For A Day ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz