Chapter 14

58 9 0
                                    

"Di lang ako dumadalaw sayo ,malalaman ko na lang na may nagpapadala na sayo ng bulaklak."Tin said.

Nandito sa bahay si Tin dahil ilang linggo na daw niya ako nakakadalaw at ngayong araw lang siya nagpakita sa akin.

Napakagat ako ng labi.

Simula nung may nagpadala na sa akin ng bulaklak ay sunod sunod na ang pagdedeliver sa akin ng mga bulaklak dito sa bahay. Kaya nagtataka ako kung sino ba talaga ang nasa likod nito dahil nagmumukhang garden na ang bahay ko dahil sa pinapadala sa aking bulaklak.

I sighed hardly ,"Ewan ko ba ,hindi ko pa rin alam kung sino si Mr. Someone at kailangan niya pa magpadala ng bulaklak sa akin."

Ngumisi si Tin ,"Owss? baka naman yang si Mr. Someone ay may gusto sayo ,kaya ka pinapadalhan ng mga mababangong bulaklak."inamoy pa ni Tin ang bulaklak na kanina lang dineliver sa akin.

"May gusto sa akin?"

Tumango siya.

"Tsaka look ,sa letter pa lang na binigay sayo parang anak mayaman na. Englishero eh!"tumingin sa akin si Tin.

Napangiwi ako.

Sino naman kaya siya?

"Ang haba na ng hair mo ,Clau!"tinusok ni Tin ang tagiliran ko ,"Imagine ,may secret admirer kang pogi!"

I rolled my eyes ,"Tsk! paano mo nalaman na pogi ,eh di mo pa naman nakikita yang nagbibigay sa akin ng bulaklak?"

Nakita ko ang pagtigil niya saka niya kinagat ang kanyang labi at tinignan niya ako ng marahan.

"Pero feeling ko pogi yang secret admirer mo!"saka niya nilagay ang bulaklak sa lamesa.

"Wala akong pakialam kung pogi man yang secret admirer ko ,gusto ko lang malaman kung sino siya. Baka mamaya nantitrip lang yan."I muttered.

She rolled my eyes ,"Ah basta ,ang swerte mo! sana may secret admirer din ako. Para sumaya naman ang lovelife ko!"

Di ko na lang siya pinansin at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagwawalis. Sana magpakilala na siya sa akin.

****

"You look tired? are you okay?"Garrett suddenly asked me.

Nandito ako ngayon sa bahay niya at di ko alam kung ano ang trip niya kung bakit gusto niya ako isabay kumain. Simula nung laban niya di na siya masyado nagsusungit sa akin which is good naman sa akin yun.

"Halata ba?"tanong ko sa kanya.

Tumango ako ,"Uhm....yeah?"

"I'm sorry. wala kasi akong tulog kahapon kaya ganito ,tsaka nagbayad pa ako ng tuition fee ng kapatid ko kanina. Kaya nawalan na talaga ako ng time para makatulog."

Honestly ,dahilan din ng pagpupuyat ko ay bumabalik ang anxiety ko at umaatake siya tuwing gabi. Di ko alam kung bakit umaatake na naman gayong ,matagal na taon na huling umatake ang anxiety ko.

Nakita ko ang bigla niyang pagseryoso ng mukha at di ko alam kung anong sasabihin niya sa akin.

"You should rest Claudette."malamig na sabi niya sa akin.

Napahikab ako ,"Di rin ako makakapagpahinga dahil pag uwi ko din dami ko ding gagawin sa bahay ,Garrett."

Naramdaman kong napabuntong hininga siya.

"Then ,dito ka na lang matulog."Garrett said.

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko.

Tama ba pagkarinig ko?

Together For A Day ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ