Chapter 16

71 8 0
                                    

Ngayong umaga ay maaga ako nagising para maipaghain ko si Garrett ng agahan dahil ,paggising nun ay baka maghanap siya ng pagkain. Nauna na nag almusal si Jaycee dito bago siya umalis ng bahay ,nagtaka pa nga siya kung bakit nandito si Garrett at mahimbing natutulog sa sofa. Sinabi ko naman ang totoo sa kanya kaya di na siya muli nagtanong pa.

Bandang 8:30 ay nakita kong bumangon na si Garrett sa pagkakahiga niya sa sofa kaya inayos ko yung pagkain na nakahanda sa lamesa. Nakita ko na lumalapit siya sa banda ko at kinukusot pa niya ang mga mata niya.

Damn! bat ang gwapo niya pa rin kahit bagong gising lang siya?

"Good morning ,Garrett!"masiglang bati ko sa kanya habang nginingitian ko siya.

His eyebrow furrowed. Kinukusot pa niya ang kanyang mata.

I sighed ,"By the way Garrett ,nagluto ako ng almusal para sayo."sabi ko sa kanya at tumingin siya sa lapag ng lamesa at nakita naman niya na nakahanda ang mga pagkain na niluto ko para sa kanya.

He licked his lips.

"Naisip ko kasi na....baka naghahanap ka ng almusal tuwing gumigising ka tuwing umaga. Kaya ayan ,pinaghanda kita ng makakain mo."tipid akong ngumiti sa kanya.

Sana tanggapin niya yung effort ko sa pagluluto ko ng agahan sa kanya! dahil madalas hotdog at itlog lang yung niluluto ko tuwing umaga kapag kaming dalawa lang ni Jaycee kumakain! Since ,nandito si Garrett ay limang almusal ang niluto ko katulad ng ,itlog ,hotdog ,omelet ,bacon tsaka sausage.

"Thanks."saka siya umupo.

Salamat naman at umupo na siya!

Nakita kong kumuha na siya ng kutsara at tinidor saka siya kumuha ng hotdog at omelet para lagyan sa pinggan niya.

"Garrett ,pasensya na kung yan lang maiooffer ko na almusal sayo."napahawak pa ako sa batok ko kasi baka di niya nagustuhan yung inihanda kong almusal niya!

He glanced to me ,"It's okay. nagustuhan ko naman yung inihanda mong pagkain sa akin."saka siya kumain ng mariin.

Ngumiti ako sa kanya.

Umupo ako sa harap niya at kumuha na rin ako ng makakain dahil honestly ,gusto kong sabay kami kumain ni Garrett kaya hinintay ko siyang magising.

"May hangover ka pa ba?"I suddenly asked then he stopped eating.

"Medyo."tipid niyang sagot kaya tumango lang ako.

"Ganun ba? gusto mo pagtimpla kita ng kape ,para mawala ang hangover mo?"mariin na tanong ko at kinagat niya ang labi niya.

He shooked his head ,"Di ako mahilig sa kape Clau."tinignan niya ako ng mariin ,"Water is better fine for me..."

Tumango ako.

"Sige ,kunin lang kita ng tubig."tumayo ako para kunin ang tubig sa refrigerator. After that ,nilapag ko na ang tubig sa lamesa saka umupo ng tuwid.

Tahimik lang kami kumakain dito ni Garrett sa hapag kainan at wala sa amin naglakas loob para magsalita sa harap.

Kumustahin ko kaya siya?

"Clau.....about last night?"he looked at me ,"May nasabi ba akong hinding maganda sayo?"

I bit my lips.

Umiling ako ,"Wala kang nasabing masama sa akin."ngumiti ako sa kanya ,"Nagsabi ka lang naman ng problema sa akin. Pero don't worry ,wala ka naman ginawang ikakagalit ko."

Di na siya lasing ,bakit di na kasing lamig ng yelo ang kanyang boses? Maybe ,nasasanay lang ako na seryoso kami mag usap.

"I guess so."uminom siya ng tubig samantalang ako tinitignan ko lang siya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now