Special Chapter 2

82 3 0
                                    

"Di ka man lang ba mag aagahan?"tanong ko kay Garrett habang abala s'ya nagbubuhat ng maliit na barbel.

Umaga ngayon kaya nakikita ko na naman si Garrett sa gym area n'ya para magpapawis. Nakahiga pa s'ya nang tignan n'ya ako. Kita ko ang pawis sa noo n'ya na tanda na kanina pa s'ya nandito sa gym area n'ya.

"Matatapos na 'to babe."ngumiti s'ya sa akin kaya tumango ako ng mariin.

"Sige ,sumunod ka na sa akin. Paghahanda na kita ng agahan."sabi ko saka ko s'ya tinalikuran at umalis na sa gym area n'ya.

Pagkababa ko pinaghanda ko na ng makakain si Garrett sa hapag kainan. Hanggang ngayon wala pa rin sina Isaiah at Isla dahil kinuha na naman sila ng kanyang lola. Di rin naman ako makahindi dahil nangako naman si Tita Freya na ibabalik n'ya rin ang anak ko. Gumagaan ang buhay ni Tita Freya kapag kasama n'ya ang mga apo n'ya dahil may mga sariling pamilya na ang nag iisang anak n'ya at s'ya na lang ang mag isa sa loob ng bahay.

"Hi babe."lumapit sa akin si Garrett at ginawaran n'ya ako ng halik sa labi.

"Umupo ka na—masyado ka atang napagod kaka barbel mo kaya kailangan mo mag agahan."sabi ko sa kanya at tinawanan n'ya lang ako.

Sumunod naman s'ya sa sinabi ko. Umupo na s'ya sa harap ko habang nagsasandok s'ya ng hotdog. Pinagmamasdan ko si Garrett kung paano kumain. Kahit mag asawa na kami ay di pa rin akong nagsasawa na pagmasdan s'ya kung paano kumain.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"he asked me while continued eating his breakfast.

"Nothing. Di ka pa rin nakakasawang tignan. Ang cute mo pa rin."ngumiti ako sa kanya at di ko namalayan na umupo ako sa tapat n'ya.

Sumilay ang ngiti sa mga labi n'ya ,"Really? Am I very handsome?"

"Super. Nagkaaanak na tayo lahat lahat ang gwapo mo pa rin. Parang di ka tumatanda. What's your secret babe?"curious na tanong ko sa kanya.

Garrett Ramirez is a 38 years old pero sa itsura n'ya at iisipin ng marami na binata pa s'ya dahil parang hindi s'ya tumatanda.

"Secret..."sabi n'ya kaya sumimangot ako.

"Tsk! kumain ka na nga lang!"sabi ko at tinawanan n'ya lang ako.

Pinanood ko na lang kumain si Garrett at napapansin ko habang ngumunguya s'ya ay ngumingiti s'ya kaya napangiwi ako. Ngumingiti ang loko dahil pinagmamasdan ko s'ya kumain!

"Nga pala babe simulan na natin i-plano ang pagpapatayo mo sa restaurant."bumaling ang tingin sa akin si Garrett at sandali n'yang tinigil ang pagkain n'ya para tignan ako ,"Para di ka na masyado mabored dito sa loob ng bahay."

"Oo nga pala ,"napasapo ako ng noo ,"Matutulungan mo ba ako asikasuhin yon? Well ,sobrang busy ka sa Ramic—I don't think so maisisingit mo pa ako para sa itatayo kong restaurant."

Wala pa akong alam sa gagawin sa balak kong pagpapatayo ng restaurant. Ayoko namang istorbohin si Kristin dahil alam ko nagpapahinga pa yon sa ospital dahil kapapanganak n'ya lang sa pangalawa n'yang anak.

She bit his lower lip ,"Kaya ko i-adjust ang schedule ko para sayo. Gusto kita tulungan sa gagawin mo. I'm your husband remember?"

"Sure ka ah?"I asked again then he nodded ,"Wala ng bawian yan?"

"Sure na sure Mrs. Ramirez."kinuha n'ya ang kamay ko saka n'ya hinalikan kaya napatingin ako doon ,"Sobrang busy ako sa nakaraang buwan kaya gusto ko bumawi sayo at sa anak natin."

"Thank you babe ,"I smiled ,"I love you."

"I love you too misis ko."

NANG sumapit ang gabi ay napagpasyahan kong pumunta ng ospital para bisitahin si Kristin. Ilang araw ko na rin kasi yon di nakikita ang mukha 'non dahil sa pagiging abala kina Isaiah at Isla sa pag aalaga. At gusto ko rin talaga bisitahin s'ya para makita ko ang bago nilang baby ni Alarick.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now