Chapter 8

73 10 0
                                    

"Bakit di pa lumalabas ang doctor!"

Nandito kami ngayon ni Tin sa ospital dahil isinugod dito si Garrett dahil nasagasaan siya!

Si Garrett ang tumulak sa akin para makaligtas sa aksidente. Pero siya naman ang nasagasaan kaya nanlaki na lang mata ko na may dugo siya sa ulo niya kaya agad ko siyang hinawakan pagkatapos nun ay sinabi ko kay Tin na dalhin na namin si Garrett sa ospital ng madalian.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil nag aalala ako sa kanya dahil hanggang ngayon di pa rin lumalabas ang doctor at nurse!

"Kumalma ka nga diyan Claudette!"saway sa akin ni Tin kaya nilingon ko siya.

"Paano ako kakalma sa lagay na to?si Garrett ang nasa loob Tin!"napahilamos na lang ako ng mukha.

Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya!

I'm worried to him.

"Umupo ka nga diyan!"iritadong sabi niya sa akin ,"Kanina pa ako nahihilo sayo!"

Kaya napaupo na lang ako sa tabi ni Tin pero di matigil tigil ang pagkabog ng puso ko.

Why? Why did you save me Garrett?

"Nag aalala ako sa kanya."tipid na sagot ko sa kanya pero kalmado na yun.

"Pasalamat ka na lang na niligtas ka pa niya kahit sa kabila ng lahat puro away kayo."

Tumingin ako kay Tin ,"Kasalanan ko pa na nandito siya."

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Tin ang balikat ko at tumingin siya sa akin.

"It's not your fault okay?"pagkukumbinsi niya sa akin ,"Ipanalangin na lang natin na nasa maayos siyang kalagayan."

Sana lord okay lang siya. Sana mailigtas siya ng doctor ,Kahit na di kami magkasundo sa ibang bagay di ko naman hahayaan na maaksidente siya nang dahil sa akin!

Nananatiling kaming naghihintay sa loob ng E.R hanggang sa may lumabas na doctor kaya agad akong napatayo para kausapin siya.

"Sino kasama ng patient?"The doctor asked.

"Ako po."mabilis na sagot ko ,"Kumusta po siya doc ,okay naman siya diba?"

Hinintay ko ang sagot ng doctor at tipid niya akong nginitian.

"As of now ,stable na ang kalagayan ng patient."The doctor said then I sighed deeply ,"Hintayin na lang natin siya magising and nagpaexamine na rin ako ng CT scan kung sakaling may masakit sa kanya kapag nagising siya."

"O-okay po."I replied to him.

"So paano ,mauuna na po ako sa inyo?"The doctor asked then I nodded quickly.

Thanks God!

Tinalikuran na kami ng doctor at napatingin ako kay Tin na nginitian niya ako.

"Sabi ko sayo ,maliligtas yung boss mo eh!"

Bago kami umuwi ni Tin ay pumasok ako sa kwarto ni Garrett at tinignan ko siya ng mariin.Napangiti na lang ako ng marahan sa kanya.

"Thank you for saving my life Garrett!"I calmly said ,"Kahit papano pala may kabaitan ka pa rin sa katawan mo."

I sighed.

"So pano ba yan aalis na ako. Bukas na lang kita bisitahin para personal na magpasalamat sayo."sabi ko sa kanya kahit di naman niya naririnig yung sinasabi ko.

****
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Jaycee na nanonood ng basketball at di niya ako binati.

"Kumain ka na ba Jaycee?"tanong ko sa kanya habang hinuhubad ko jacket ko.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now