Chapter 35

46 4 0
                                    

Pagkatapos ng pagbabati namin ay tinupad nga ni Garrett ang pinangako niya sa akin. Hindi na siya masyado nagseselos kay Eric kapag lagi ko siyang kasama. Though ,nararamdaman kong may konting selos pa but ,madalang na lang yun.

This past few weeks ay masyado ako naging busy sa pag aaral dahil sa mga quiz ,assignment ,performance task etc. Pero kahit papaano ay nakakayanan ko naman ang course na kinukuha ko.

Ganun din si Garrett ,I heard ginagamit na niya ang course na kinuha niya nung college para sa company ng daddy niya. Although ,Business Management ang kinuha niya nung college pa siya pero nung buhay pa ang Kuya Sky niya ay lawyer talaga ang gusto niya. But ,hindi na natuloy dahil nawala agad ang kapatid niya kaya siya na lang ang inaasahan ng daddy niya.

Suportado naman ako sa kanya dahil yun naman ang magagawa ko.

"Babe ,gusto kong matikman itong niluto kong kare kare para sayo."sigaw ni Garrett mula sa kusina kaya napalingon at napatayo sa kinauupuan niya.

Dahan dahan akong lumapit banda sa kusina.Dahil napagdesisyonan ni Garrett na magluto ng Afritada para sa akin. Though ,di ko ineexpect na magluluto siya. Hindi ko pa kaso siya nakikita talagang magluto ,madalas kung kakain siya yung personal maid pa niya ang pinagluluto niya.

Parehas kami ni Garrett na dumiretso sa condo niya para magluto lang ng lunch namin.

"Luto na ba?"lumapit ako sa kanya habang may hawak pa siyang wok ladles at naamoy ko na ang bango ng afritada kaya bigla akong natakam.

"Yes ,of ofcourse. Wait a minute! kukuha lang ako ng bowl."sabi niya kaya pumunta siya sa ng pinggan at hinanap ang bowl.

Ngayon ko lang napansin na nakahubad si Garrett pero may suot naman siyang apron. Napaawang ang labi ko na may nakita ako sa collarbone na parang tattoo.

Kumunot ang noo ko kaya inilapit ko ang mukha ko doon para makita ko kung ano ang nakalagay doon. Ngayon ko lang naintindihan na pangalan ko ang nakatattoo sa collarbone niya.

"What's wrong ,hmm?"napatingin ako sa kanya na nagsalita siya. Nakakunot ang noo niya na parang hindi niya alam kung ano tinitignan ko sa kanya.

Umiling ako ,"Wala lang. Ngayon ko lang kasi napansin na may tattoo ka at pangalan ko pa nakaukit diyan."t

Nakita ko na lang na ngumisi siya at inilapag na niya ang bowl din at nakita ko na lang na kumukuha siya ng afritada sa para ilagay doon sa bowl. Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siya at tinignan niya ako.

"Ngayon mo lang ba nakita ang tattoo ko?"he asked me then I saw his smirked. Mygod! magtatatanong ba ako kung alam ko?

"Yes ,"sagot ko sa kanya ,"Kailan mo yan pinatattoo?"

Curious ako kung kailan niya yan pinatattoo. Di ko pa kasi siya nakitang naghubad kaya ngayon ko lang napansin na may tattoo siya! madalas kasi kung magkasama kaming dalawa ay palagi siyang nakasuot ng t-shirt.

"Last year ,"he replied ,smiling ,"Yung araw na sinagot mo ako."

Ah....okay.

"Ganda ah ,"puri ko sa kanya kaya natawa siya.

"Tikman mo na ito.",hinawakan niya ang kutsara at kumuha siya ng kaunti at pinatikim niya sa akin.

At first ,sobrang sarap niya magluto. Tamang tama lang sa panlasa ko ,hindi sobra at hindi kulang kumbaga sakto lang! Narinig ko rin galing kay Alarick na masarap talaga magluto si Garrett simula nung naghigh school sila. Hindi nga lang pinatuloy ni Garrett ang hobby niya sa pagluluto, dahil simula nung namatay ang kapatid niya si Sky ,doon na rin daw tumigil ssa pagluluto dahil naaalala lang daw ni Garrett ang kapatid niya kapag nagluluto siya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now