Chapter 41

43 3 0
                                    

"Well ,okay na ang kalagayan ng pasyente Claudette ,"Dr. Jimenez said ,"Ang gusto ko lang gawin mo ay i-monitor mo na lang siya pansamantala habang wala pa siyang malay."

Tumango ako ,"Okay po doc."

Ako kasi ang kasama ni Dr. Jimenez dito kanina nung inaasikaso niya ang lalaking napasugod sa ospital dahil maraming natamong saksak sa tagiliran kaya ako lang yung nurse na available dahil sa dami ng sumugod dito sa ospital at ako muna ang umasikaso sa lalaking nasaksak dahil nung oras na yun ay lumabas si Dr. Jimenez para bumili ng makakain sa labas.

Tatlong oras din kami nagtagal sa operating room para iligtas ang buhay ng lalaki may maraming natamong saksak. At salamat sa diyos ,nagawa namin ng mabuti ang trabaho namin na makapagligtas ng tao.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Dr. Jimenez ay lumabas na kami ng kwarto at nakita ko na lang na kinakausap na ni Dr. Jimenez ang isang tao na parang kamag-anak pa ata ng pasyente. Maayos na ako nagpaalam kay Dr. Jimenez para pumunta na ng cafeteria dahil ngayon lang din ako magkakaoras para kumain!

Habang tahimik akong naglalakad ay may biglang tumawag sa akin kaya tumigil ako sandali.

"Claudette!"I heard familiar voice so I stopped. I slowly turned to see whose voice had called me.

Sa paglingon ko ,nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakasuot pa na white coat palapit sa akin habang nakangiti.

Well ,siya lang ang nagbubukod tanging taong matalik kong kaibigan na doctor dito sa ospital na 'to!

Si Dr.Harry Chavez!

Nang nakalapit siya sa akin ay nakangiti pa rin siya at base sa itsura niya ay mukhang galing pa siya sa operasyon na mukhang ngayon lang din natapos!

"Dr. Harry."I greeted him carefully.

"Buti nakita kita agad dito!"maligayang sabi niya pa ,"Saan ka pala pupunta?"

"Uh....pupunta sana ng cafeteria ,"I said carefully ,"Hindi pa ako nakakapag lunch simula pa kanina."

Umuwang ang labi niya dahil sa sinabi ko. Well , totoo naman yun katatapos lang ang operasyon ni Dr. Jimenez kaya ganun din ang tapos ko dahil magkasama kami sa iisang room.

"Kagagaling mo lang ba sa operasyon?"mariin niyang tanong sa akin.

Tumango ako , "Uh oo , kasama ko si Dr. Jimenez may nasugod kasi ditong lalaking nasaksak at grabe yung natamo kaya ganitong oras lang kami natapos!"

"Well , parehas lang pala tayo!"he chuckled softly ,"Ngayon lang din natapos ang operasyon ko at ngayong oras din ako makakapaglunch. Kung gusto mo sabay na tayo kumain ng lunch para may kasama ka sa cafeteria?"

Dahil sa pag-aya niya ay pumayag na ako sa gusto niya. Di naman masama yun dahil same naman kami nagtatrabaho sa ospital eh!

Pagdating namin sa cafeteria ay parehas kaming napalingon ni Harry na may tumawag sa amin. At sa paglingon namin , nakita ko ang mga ibang kasamahan kong nurse na kumakain. Kumaway sila sa aming dalawa kaya kinawayan din naman sila.

Napagdesisyonan namin ni Harry na lumapit na doon sa tatlo kong kasamahan na nurse dahil close din naman niya yun dahil madalas na talaga siya sumasabay sa akin na maglunch dito.

Nang lumapit kami ay agad akong umupo sa bakanteng upuan para mabati ko sila. Nagsabi na sa akin si Harry na siya na mismo ang mag oorder ng makakain namin kaya tumango na lang ako sa sinabi niya saka siya umalis sa tabi ko.

"Yiieee ,kayo huh! nakita naming lahat ang pag akbay ni Dr. Harry sayo!"tukso sa akin ni Dannie kaya natawa ako ng mahina dahil doon.

"Tss ,ano ba! wala lang yun ,friends lang kami ni Dr. Harry."tanggi ko sa kanila.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now