Chapter 38

44 3 0
                                    

Sa sumunod na linggo ay puspusan pa rin ang pagrereview ko para sa board exam ko. Dahil next week na yun at kailangan lahat na pinag aralan ko from first year to fourth year ay matandaan ko.

Kahit matagal na panahon pa na nag aaral ako ng 1st year ,kahit papa'no naman ay natatandaan ko pa rin naman. Kaya wala sa' kin problema kung kailangan ko ulit tandaan ang mga pinag aaralan ko dun.

Speaking of Garrett ,sinabi na niya sa' kin na ngayon linggo na ang start ng training niya para sa nalalapit niyahg final competition sa car racing na kung saan ay sa ibang bansa siya ilalaban. Sinabi ko sa kanya kung pumayag ba ang Daddy niya about 'don ,dahil siya na humahawak ng company ngayon at alam kong malaking responsibilidad yun sa buhay niya. Nagpaalam naman daw siya at pumayag naman dahil final competition na naman niya yun ,manalo o matalo ay mag ququit na siya sa career na matagal niyang minahal.

Kahit papa'no hindi ko na masyado nakikita si Garrett na nagkakaroon ng problema about sa Daddy niya. Mukhang ayos na silang dalawa at nagkakasundo na.

"Kumain ka kaya muna Claudette?bago ka magpatuloy sa pagrereview?"nandito sa harap ko si Bullet kaya napatingin ako sa kanya.

He's wearing a maroon t-shirt with a leather jacket. Napatingin ako sa kanya at nakita kong kumakain siya ng ice cream sa harapan ko.

Napag isipan ko kasi na sa baking shop ni Mama na lang ako magreview since kapag nasa bahay ay palagi akong nakakatulog at di na natutuloy yung balak kong pagrereview. Saktong pag alis ko sa bahay ay nakita ko si Bullet na nakasakay sa BMW niyang kotse at tinanong niya kung 'san ako pupunta kaya sinabi ko naman kaya ngayon , siya ang kasama ko sa pagrereview ko.

"Nabobored ka na ba?"tanong ko sa kanya dahil halata sa mukha niya na boring na boring na siya dito.

Umiling siya , "Not really."sagot niya ,"Gusto ko lang sabihin na kumain ka muna , yung inorder ko sa' yong pagkain hindi mo pa nagagalaw dahil sa kakareview mo."

Ngayon ko lang din napansin na di ko pa pala nagagalaw yung blueberry cheesecake na inorder niya sa' kin. Parang nahiya pa ako na hindi ko naigalaw yun kaya kahit gusto kong magreview ay pinagpaliban ko muna dahil para makakain na rin.

"Sorry about that ,"I apologized to him ,"Kailangan ko talaga kasi magreview ng magreview eh , next week na kasi ang board exam ko. Mahirap kasi na baka sa mismong board exam ay makalimutan ko kaagad lahat ng napag aralan ko sa college."

Tumango siya sa sinabi ko at pinagpatuloy na niya ang kinakain niyang ice cream sa harapan ko.

"Well ,kumain ka muna bago mo ipagpatuloy ang pagrereview mo. Kailangan mo pa rin na kumain Clau.... I know , kailangan mo talaga magreview para sa exam mo. Wag kang magpapalipas ng gutom , di matutuwa si Garrett sa' yo kung pinapabayaan mo ang sarili mo. He's your fianceé anyway ,"

Nakita ko ang pait sa boses niya na sabihin niyang fiancé ko siya. Well , hindi ako sure kung hanggang ngayon ay gusto niya pa rin ako. Hindi ko masasabi , pero kung di pa rin nawawala ang feelings niya sa' kin ay sana igalang niya ang desisyon ko na piliin si Garrett. Kilala ko naman si Bullet , hindi siya gagawa ng isang problema na alam kong ako mismo ang unang magagalit sa kanya.

Kaya wala na akong nagawa kundi kumain muna pansamantala ng blueberry cheesecake bago magbasa ulit. Kanina pa rin ako tinutukso ng tiyan ko na kumain na dahil kanina pa ako nagugutom ,nagfocus lang talaga ako sa pagrereview ko kaya kahit nagugutom ,pinigilan ko ang sarili ko.

Nang lumipas ang gabi ,napagdesisyonan na ni Bullet na ihatid na ako sa bahay dahil baka hinahanap na ako ni Mama 'don kaya tumango na lang ako sa sinabi niya.

Mabilis lang din ang pagbiyahe namin dahil hindi naman masyadong traffic ngayong araw dahil siguro linggo ngayon kaya ganun.

"Salamat nga pala sa paghatid sa'kin ,Bullet."ngumiti ako sa kanya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now