CHAPTER 19

1.2K 35 2
                                    

"Tangina ka talaga." Marahas kong tinanggal ang braso niyang nakapalibot sa baywang ko na hinayaan naman niya. He even smirked at me.

"Let's go." He grabbed me by the arm. Dinala niya ako sa pinasukan kanina ng kanyang ina.

"Dalian mo. Luca's already here," boses ng ina ni Luca ang bumungad sa amin nang makapasok kami ng kusina.

Ginala ko ang tingin ko at masasabi ko talagang puro ginto ang mga gamit dito. Mga mamahalin.

Nakaupo na ang kanyang ina sa isa sa mga upuan sa hapag. Round table ito na may anim na upuan lamang. Hindi ko alam kung ilang members ang pamilya ni Luca.

"Sit beside me," bulong ni Luca at iginaya ako sa isang upuang kaharap ng kanyang ina. Tumingin pa nga siya sa'kin pero agad ding ibinaling kay Luca.

Umupo si Luca sa tabi ko at nilagay ang isang kamay sa kandungan ko. Tinignan ko siya at tinanggal ang kamay niya roon pero binalik lang niya at hinawakan pa ang kanang hita ko ng mahigpit.

Hindi niya ako tinignan. "Is Lucan coming?"

"Parang hindi mo naman alam ugali ng kapatid mo," saad ng kanyang ina at sinamaan pa siya ng tingin. "Malamang darating 'yon at ipagtatanggol ka."

Ngumisi lang sa kanya si Luca. Sinubukan kong tanggalin ni Luca nang sinimulan niyang himasin ang hita ko. Pataas baba lang ang ginagawa niya pero sinasadya niyang tumama ang kamay niya sa gitna ng mga hita ko. Pero sa tuwing tinatanggal ko ang kamay niya ay hinahawakan niya ako sa hita ng mahigpit.

"We're twins after all," proud pang ani ni Luca. Hindi niya tinigilan ang ginagawa sa hita ko habang nakikipag-usap sa kanyang ina.

Napapansin na rin ng ina niya ang paggalaw ko at kuryoso siyang tumitingin sa'kin at nililipat kay Luca. Buti na lang at hindi kita ang ibabang bahagi. Kung titingin lang siya sa ilalim ng lamesa saka niya makikita ang ginagawa ng anak niya.

This motherfucker!

Sa inis ko at bigla ko siyang hinawakan sa pangitan ng mga hita niya at pinisil ang pagkalalaki niya na ikinatigil sa pagsasalita.

"Where did dad—" Hinuli niya ang kamay kong pumisil sa kanya at ikinulong sa palad niya. "Go?"

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa'kin ng masama. Ngumisi lang ako sa kanya at inagaw ang kamay kong hawak-hawak niya. Tinanggal niya rin ang kamay niyang humihimas sa hita ko na ipinagpapasalamat ko.

Now we're even. Ngumingisi ako sa isip ko dahil alam kong na-turn on siya. I looked down on his pants but he just glared at me.

"He's fixing something," naagaw ng kanyang ina ang atensyon niya nang magsalita ito.

Palipat-lipat ang tingin ng kanyang ina sa amin pero ngumingiti lang ako sa kanya ng matamis sa tuwing sa'kin siya nakatingin.

Tumango lang si Luca bilang sagot at hindi na nagsalita. Para siyang nahihirapan sa itsura niya. Ilang beses na siyang bumuntong hininga na talagang ikinataka ng ina niya. He must really turned on. Hindi na niya ako binigyan pa ng tingin.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Salvatore. Para naman pormal.

"Nothing," sagot lang ni Luca na pulang-pula na ang mukha. "Give me a minute to talk with Denise."

Hindi niya hinayaang makapagsalita ang ina at bigla na lang akong hinila palabas ng kusina.

"Hoy! Anong na namang pag-uusapan natin?" tutol kong tanong.

I'm done talking with him today. Sobra niya akong ininis kanina kaya puwede bang bukas na lang?

Hindi niya ako pinansin at humigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko. Nagtaka ako nang dumaan kami sa hagdan. Saan niya ako dadalhin? Ba't parang sa second floor ng bahay?

LOVING THE PROSTITUTE #1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt